Chapter 8

45.2K 1.5K 491
                                    

Third Person's POV

"HINDI talaga ako makapaniwalang nobyo na kita, Juancho. Alam mo bang palagi lang kitang tinatanaw mula sa malayo?" nakangiting sabi ni Yareli habang nakasandal ang ulo nito sa balikat ni Juancho na hawak ang isang kamay niya. Nasa parke sila at ito ang unang date nila bilang magkasintahan.

"Really? Kailan mo ba ako nagustuhan?" tanong ng binata.

"Simula noong bata pa lang tayo. Kahit puro negative ang sinasabi ng ibang tao sa'yo ay hindi ko na iniintindi 'yon dahil alam ko na mabuti ka namang tao. Hindi ko rin maintindihan kung bakit gustong-gusto kita kahit mukhang hindi mo 'ko type at ang daming babaeng nakapaligid sa'yo." parang batang pagsusumbong ni Yareli na ikinatawa nang mahina ni Juancho.

"You know me that much, huh? Hindi ka ba natatakot na baka hindi magtagal ang relasyon natin at maghanap kaagad ako ng iba?" seryosong tanong ni Juancho na ikinahinto ni Yareli.

"Alam ko naman na mangyayari 'yon pero sana. . . kahit ngayon lang ay makasama kita. Umaasa ako na balang araw ay mahalin mo rin ako." sabi ni Yareli nqng buong puso.

"Uh? Let's take a picture. Let's do some wacky pose." Nasabi na lang ni Juancho at inilabas nito ang cellphone niya. Ayaw na niyang isipin ang mga sinabi ni Yareli.

Nang itinapat ni Juancho ang camera ng cellphone sa kanilang dalawa ni Yareli ay pareho nalang silang nag-peace sign at dumila sa camera bilang wacky pose.

"Our first photo together as a couple." nakangiting saad ni Juancho habang ipinapakita ang larawan nila ni Yareli sa cellphone.

Napangiti si Yareli. "Masaya ako na kasama kita ngayon, J.A."

"J.A? That's my nickname now?" tuwang tanong ng binata na ikinatango ni Yareli.

"Then should I call you, Reli as your nickname?" tanong ni Juancho. Tumango ulit si Yareli.

"Oo, at 'yon ang tawagan natin sa isa't-isa simula ngayon!"

***

HALOS maubos ni Juancho ang isang case ng beer dahil kanina pa siya nang hapon umiinom. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit umaakto siya nang ganito. Dapat ang ginagawa niya ay ang suyuin si Amanda dahil nagalit ito sa kanya pero hindi niya magawa. Wala naman talaga siyang pakialam sa babae. Kung hindi lang dahil sa makapangyarihan ang pamilya nito ay hindi niya pakikisamahan ang pagiging maarte at matapobre nito.

Bata pa lang siya ay malaki na ang hinahangad niya bilang si Juancho Antonio Steffano. Gusto niyang pamunuan balang araw ang probinsya ng San Felicidad at maging makapangyarihan sa lahat. Ang panganay niyang mga kapatid na sina Arthuro at Vivienne ay hindi niya katulad kung mag-isip. Mas gusto ng mga ito na mamuhay ng normal na tao lang at walang balak mamuno ng probinsya nila.

Ang kanyang Kuya Arthuro ay isa nang Architect at may pamilya na. Naninirahan ang mga ito malapit sa bayan ng San Felicidad, samantalang ang kanyang Ate Vivienne naman ay isa ng Doktor sa bayan ng San Mariano kung saan ay malapit lang ito sa San Felicidad. Siya ang bunso sa magkakapatid pero kung mag-isip ay parang siya ang pinakamatanda sa kanila. Alam niya na siya ang papalit sa pagiging Gobernador ng kaniyang ama na si Vicente Steffano sa oras na magretiro ito sa serbisyo kaya sa edad niyang labinwalong taong gulang ay sinasanay na niya ang sarili sa larangan ng politika.

Isa na doon ay ang mapalapit siya sa pamilya Montecillo na kung saan ay matalik na kaibigan ng kanyang ama si Raul Montecillo na ama ng kasintahan na si Amanda. Malaki ang maitutulong ng pamilya nito sa pamilya nila lalo na sa road infrastructures at cellular sites na gagawin ng ama niya para mas lalong mapaganda at lumakas ang signal ng probinsya ng San Felicidad. Kailangan niyang makuha ang loob ng pamilya Montecillo kaya ginamit niya si Amanda para sa ambisyon niya.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon