Chapter 44

40.5K 1K 335
                                    

Riverdale Steffano (26, 1st child)
Efraim Steffano (25, 2nd child)
Irvin Judaiah Steffano (23, 3rd child)
Grantvil Steffano (22, 4th child)
Amiricus Steffano (20, 5th child)

Yareli's POV

BUONG maghapon ay hindi ko pinansin si River. Ewan ko, basta naiinis ako sa kanya! Nakita ko namang pati siya ay nabigla rin sa paghalik sa kanya ni Joanna kanina sa restaurant pero naiinis pa rin ako dahil in-entertain at kinausap niya ang babaeng iyon. May ideya naman siguro siyang pinagseselosan ko si Joanna pero pinapansin niya pa rin ito sa tuwing nakikita namin sila kasama ang kapatid nitong si Jordan.

Umaakto nga siguro ako na parang bata pero hindi ko maiwasang magselos at masaktan sa eksenang nakita ko kanina. Nabahiran na ng maduming laway ni Joanna ang labi ni River na mas lalo ko pang ikinainis.

Hindi ko alam kung ilang balde na ang nailuha ko habang nagkukulong ako sa loob ng kuwarto namin. Nakaramdam rin ang Steffano brothers lalo na si River na gusto ko munang mapag-isa. Ako lang ang mag-isa sa loob ng kuwarto dahil si baby Hershe ay inaaliw ni Amir sa bakuran ng bahay.

Naalala ko na nabanggit pala sa akin ni Amir na kailangan naming dumalo sa Graduation day niya sa susunod na linggo. Bachelor of Science in Business Administration major in Management ang kinuha niyang kurso at kapareho ito nang tinapos na kurso ni River. Gusto niya raw matulungan ang kapatid at mga magulang niya sa pagpapatakbo ng kompanya nila, at siyempre ay para rin daw sa amin iyon ni baby Hershe. Nung na-admit sila Amir at ang mga kapatid niya sa mental health facility ay hindi siya tumigil sa pag-aaral. Nag-online class ito habang nagpapagamot sa ospital.

Makalipas nang ilang oras ay kumalma na ako at wala na rin akong mailuha. Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa pader at alas-sais na ng gabi. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas sa loob ng kuwarto.

Hindi naman kasalanan ni River ang nangyari kanina kaya dapat lang na humingi ako nang tawad sa inaakto ko ngayon. Kung may kaiinisan at dapat akong kagalitan ay si Joanna iyon na grabe kung harutin si River.

Nang bumaba ako sa hagdanan ay naabutan ko mag-isa sa sala si River habang nakaupo sa sofa. Umiinom ito ng beer in can habang nanonood ng TV. Nakafocus ang mga mata niya sa TV pero nakikita ko ang malungkot at malalim niyang iniisip.

Nang mapansin niya ako ay nagulat siya. Kaagad niya akong nilapitan at saka pinaupo sa sofa sa tabi niya.

"Yareli, I'm sorry about what happened earlier. Hindi ko talaga alam na--"

"Okay lang. Hindi mo 'yon kasalanan. Sorry rin kung umaakto ako ngayon na parang bata. H-Hindi ko lang talaga mapigilan na magselos at mainis kanina." pag-amin ko at bumuntonghininga.

Hinapit ni River ang baywang ko at tinitigan niya ako. "No. It's my fault. Kinausap ko pa si Joanna at hindi ko napansin kanina na nagseselos ka pala sa aming dalawa. I didn't know that she had a hidden agenda on me dahil noong high school pa lang kami, magkaibigan lang kami at malapit sa isa't-isa. I trusted her, but she wants to ruin our relationship," malungkot niyang sabi.

Sinasabi ko na nga ba at may ibang pakay talaga ang babaeng iyon! Sa una pa lang ay mahahalata na iyon lalo na kapag sinasamaan niya ako ng tingin.

Hinawakan ko ang kamay ni River at nginitian siya. "Kalimutan na lang natin 'yong nangyari kanina. Okay?" sabi ko na ikinangiti rin niya.

"Okay. I love you, wife," sabi ni River at hinalikan ang noo ko. Sa pagtawag niya sa akin na _wife_ kahit hindi pa kami ikinakasal ay hindi ko mapigilang kiligin.

Parang noon lang ay nakilala ko si River at ang mga kapatid niya sa daan ng Tayuman dahil nasira ang kotse nila at inayos iyon ni Kuya Yasewah, tapos ngayon ay nandito na ako sa sariling bahay namin sa Maynila kasama sila at ang anak namin na si baby Hershe.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon