Warning: Violence
Yareli's POV
NAWAWALAN na ako nang pag-asang makaalis sa isla na ito. Pagod na pagod na rin akong mag-isip at mag-alala sa mga taong nasa paligid ko. Minsan naisip ko na gusto ko na lang magpakamatay pero hindi ko maituloy. Bakit ko naman gagawin iyon? Bakit ko kikitilin ang buhay ko para lang hindi na ako mahirapan pa mula sa mga kamay ng Steffano? Para ko na ring hinayaang manalo sila laban sa akin kung gagawin ko iyon. Sa kabila ng lahat ng nangyayari sa akin, kahit nawawalan na ako nang pag-asa ay hindi ko pa rin makalilimutan na magdasal palagi para bigyan pa ako ng gabay at lakas sa mga susunod pang araw.
Ipinapanalangin ko na sana ay lumambot ang puso ng magkakapatid at mapagtanto nila ang mga maling ginagawa nila sa akin. Umaasa pa rin ako na magbabago at gagaling sila sa kanilang kondisyon.
Nakatanaw ako muli sa labas ng bintana at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang inaakyat ni Ezekiel ang balkonahe ng kuwarto kung nasaan ako. Nagpalinga-linga ako kung nasa paligid lang ba ang magkakapatid, at nang makita ko na wala sila ay nakahinga ako nang maluwag.
Nang maakyat ni Ezekiel ang balkonahe ay lumundag ito sa railings, napakurap ako ng ilang beses nang makitang nasa harapan ko na siya. Hindi ko maiwasang matulala. Kung guwapo siya sa malayo ay mas gwapo siya kung titingnan sa malapitan. Para siyang nanggaling sa Greek god mythology, idagdag pa ang maitim at mahaba niyang buhok na hanggang balikat, at malaking katawan na mahahalatang banat palagi sa trabaho.
Katulad ng reaksyon ko ay gano'n rin ang reaksyon ni Ezekiel nang makita ako. Nakatulala rin siya sa akin at sinusuri ang kabuoan ng mukha ko. Nang ako ang unang matauhan ay kaagad akong tumikhim dahilan para pareho kaming bumalik sa ulirat.
"B-Bakit ka pa umakyat dito? Baka makita ka nila River at mabugbog ka na naman ni Irvin," nag-aalala kong sabi nang mapansin ang iilang sugat at mga pasa niya sa katawan na kagagawan ni Irvin.
"Alam mo pala na nabugbog ako ni Sir Irvin. Wala lang 'to, at magaling na rin ako. Yareli. Sumama ka sa 'kin at itatakas kita sa isla na 'to. Alam ko ang ginawa sa'yo nila Sir River at hindi maaatim ng konsensya ko na patuloy ka pa ring nahihirapan." sabi ni Ezekiel at hinawakan ang isang kamay ko nang may pag-aalala.
Nabigla ako. Alam pala niyang dinukot ako ng Steffano brothers at ikinulong sa isla na ito.
"Gusto ko rin na makaalis dito, Ezekiel, pero mukhang imposibleng mangyari 'yon sa ngayon. Noong tinangka kong tumakas ay binaril ako ni River sa binti na muntik ko pang ikamatay." pag-amin ko na ikinagulat ni Ezekiel.
"Ano? Ginawa sa'yo 'yon ni Sir River?" tanong niya habang nanlalaki ang mga mata.
Malungkot akong tumango. "Magagawa akong patayin nang magkakapatid kapag hindi ako sumunod sa gusto nila. Madadamay ka rin kung itatakas mo ako dito. Hindi mo sila lubos na kilala, Ezekiel. Sila ang pinakadelikadong tao na nakilala ko sa buong buhay ko." sabi ko at binawi ang kamay kong hawak ni Ezekiel.
Kumuyom ang kamao ni Ezekiel at huminga nang malalim. "Wala akong pakialam kung patayin nila ako sa gagawin ko ngayon makaalis ka lang dito." sabi niya nang buong puso.
Napaluha ako dahil sa sinabi ni Ezekiel. Sa lahat pa ng tao na tutulong sa akin at naiintindihan ang kalagayan ko ay si Ezekiel iyon na ngayon ko lang nakilala.
"N-Natatakot ako sa mangyayari kung itatakas mo ako dito, Ezekiel. Maaari ka nilang patayin kung--"
"Huwag kang mag-alala sa akin, kung mangyayari man 'yon ay masaya ako dahil maililigtas kita. Gusto ko na ring sumunod sa Tatay ko sa itaas dahil nag-iisa na lang ako sa buhay," sabi niya at ngumiti nang malungkot.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)
General FictionSi Yareli Tamayo ay isang maganda at mabait na dalagang nakatira sa probinsya ng San Felicidad. Kontento na siya sa kanyang buhay kasama ang kaniyang pamilya at mga matalik na kaibigan. Pero simula nang makilala niya ang Steffano brothers na sila Ri...