Prologue

6.1K 218 67
                                    


Isang mapayapang gabi.

Maririnig sa kapaligiriran ang ingay ng mga kuliglig habang sinasayaw ng hangin ang mga pananim sa kabukiran.

Nandyan rin ang buwan na syang nagsisilbing ilaw ng madilim na kalangitan. Ito ang klase ng buhay na pinapangarap ni Indigo.

Malamig na simoy ng hangin.

At

Tahimik na atmospe—

"Can you please slow down for a moment? For god's sake, I am currently wearing high heels, you stupid police officer!"

"Punyeta." Mahinang asik ni Indigo sa sarili  bago tumigil sakanyang paglalakad at pagmumuni-muni.

Nakapamewang na nilingon niya si Colleen sakanyang likuran. Hirap na hirap ito sa paglalakad at dahil 'yun sa nakakamatay na high heels na suot ng dalaga.

"Sinabi ko naman kasi sayo kanina na hubarin mo yan at lumakad ka ng nakapaa!"

"Are you fucking crazy?!" Singhal nito pabalik sakanya, "You'll let me walk barefooted in this creepy place?"

"Hoy! Alangan naman ako?"

"Oo! So give me your damn shoes!"

"Luh, chicks ka ba para makipagpalit ako ng sapin sa paa sa'yo?" Balik asar ni Indigo saka pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa si Colleen.

Okay, sige na! 

Inaamin niya na nga chicks ang babaeng kaharap niya ngayon pero magkakamatayan na at hindi siya aamin dito.

Dumagdag pa sa sex appeal nito ang pawisang balat ni Colleen at parang inaasar pa si Indigo ng Inang kalikasan at talagang itinutok pa talaga ng buwan ang liwanag nito kay Colleen. Nagmumukhang aparisyon ito ng mga santo dahil sa liwanag na dulot ng buwan.

Mas naglakbay pa ang mga paningin ni Indigo sa katawan ng dalaga. Colleen's sweats glistened as it slid down on her perfect and long exposed neck and collarbone, and then her messy silver hair and beautiful brown eyes look so feisty and seductive at the same time. It was a magical and fascinating view.

Ah, nakaka engkanto pala talaga ang gandang taglay ng dalag—

"Stop staring! You pervert!"

Binabawi niya na.

Mas bagay sa sitwasyon ni Indigo na nanuno siya sa punso kesa sa ma engkanto sa babaeng nasa harapan.

Halos umecho ang boses ni Colleen sa malawak na kabukiran. Kasalukuyang nasa isang malawak na rice field sila ngayon sa isang tagong probinsya kung saan dinala ng kidnapper ang sikat na pop star singer.

At dahil nasaksihan mismo ni Indigo ang pangyayari, bilang isang 'mabuting' pulis, tungkulin niya na iligtas ang mga taong nasa panganib. Kaya walang pag-aatubili na sinundan niya ang sasakyan ng salarin.

Colleen was brought by her kidnapper slash crazy and obsessed stalker in this far away area. Halata naman na obsessed fan ito ng dalaga dahil sa mga posters at pictures na nakadikit sa buong bahay na pinagdalhan ng salarin.

Buti nalang at nag-iisa lang ang salarin kaya madaling napatumba ito ni Indigo. Mahigpit na itinali niya muna ito sa puno ng manga atsaka binusalan. Uunahin niya muna na ihatid sa isang ligtas na lugar si Colleen saka niya ito babalikan kasama ang kanyang tropa.

Napabuntong hininga si Indigo at may iritang pinakatitigan si Colleen.

"Hoy! Hindi sinasadya yung nangyari kanina! Tsaka wala naman akong nahawakan!" Namumulang anas ni Indigo.

In My HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon