9. You Don't Know Me

2.1K 166 52
                                    

Trigger warning:
Contains mature themes like violence and sexual content.

Readers discretion is advised.

▪︎▪︎▪︎

You want a perfect picture to believe in
Then you can't be looking for me then

▪︎▪︎▪︎

"You're teaching that kid again."

Ethan looks at Indigo with his smiling face after saying his goodbye to that seventh-grade kid.

"Bakit naman hindi, eh, gustong-gusto matuto ni Troy ng guitara."

Umismid lang si Indigo saka tumayo at malakas na pinagpag ang paldang suot para alisin ang mga alikabok sa puwet niya. Walang kibo na nagsimula siyang humakbang paalis ng gymnasium kaya mabilis na sumunod si Ethan sa nakababatang kaibigan.

Nakangising tumabi siya kay Indigo habang bitbit nito ang guitara sa isang kamay.

"Loosen up, Indigo."

"Wag mo ko simulan Ethan kundi sasapakin kita."

"Lumapit ka naman saamin minsan pag tinuturuan ko si Troy. Bibong bata 'yon tsaka para na rin mag improve yung social skills mo at para hindi lang kami ni Jennifer yung maging kaibigan mo."

"Hoy!" Bigla nalang may dumamba sakanila mula sa likod at mabilis na pinaikot ang braso nito sa braso nila. "Pinag-uusapan niyo ko habang wala ako no? Ang daya niyo ah!"

It was Jennifer, smiling so brightly between the two of them. Parehong nasa grade 10 na silang tatlo at isang buwan nalang ay magtatapos na sila ng junior high.

Alam niya rin na pangarap nila Ethan at Jennifer na gumawa ng sariling banda at tumugtog sa entablado. At nang malaman nila na may talento pala siya sa pagkanta, halos araw-araw siyang kinukulit ng dalawa para isali sa banda nila.

But Indigo desires is to be a criminal lawyer in the future than being part of the band.

Nonetheless, hindi na humiwalay ang dalawa sakanya at mula grade 4 hanggang grade 10 ay magkakasama na silang tatlo.

Mahinang pinitik naman ni Ethan ang noo ni Jennifer kaya inis na nilingon niya ang binata habang hinihimas ang noo na nasaktan.

"Ba't ka ba namimitik ng noo ha? Gago ka ba?!"

"Feelingera ka kasi," nakangising anas ni Ethan. "Porke narinig mo lang yung pangalan mo, inaasume mo na agad na ikaw yung pinag-uusapan namin ni Indigo."

"Eh kasi nga narinig ko yung pangalan ko!"

"Hindi nga ikaw yung pinag-uusapan namin! Ang kulit mo!"

Mahinang napailing nalang si Indigo. Here they go again with their nonsensical and childish banter. Hindi niya alam kung bakit naging kaibigan niya ang dalawa.

They are nosy, full of energy and life na sobrang salunggat sakanya.

Indigo is too gloomy and awkward towards other people because of her dark past. And if she spends so much time with other people, she would always find a way to get away just to refill herself.

Pero sa araw-araw na pambebwesit sakanya nila Ethan at Jennifer, idagdag mo pa yung kapal ng mukha nilang dalawa para hilahin siya palabas ng lungga niya. Indigo then learned to slowly lower down her walls.

In My HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon