5. Bad To You

2.2K 178 24
                                    

Trigger warning:
This chapter contains strong language.

▪︎▪︎▪︎

Tell me why are you only good to me
When I'm bad to you?

▪︎▪︎▪︎

"You will never be my sister! You demon child!"

"Iah Colleen!" Eris exclaimed in a horrified voice and wide eyes, "Watch your mouth and apologize to your sister right now!"

"No!"

"Colleen!" Ulit na sigaw ng Mommy niya pero mas pinatigas niya ang kanyang expression at may galit na umiling.

Galit na galit siya. Hindi niya maintindihan kung bakit nasa mansion sila ng mga Zafeiriou ngayon. Kung bakit nagawang tumungtong ng mga paa nilang mag-ina sa tahanan ng taong muntik na sumira sa napakaganda at masaya nilang pamilya.

Colleen doesn't understand why her mom was insisting on trying so hard to convince the demon child, who Colleen has seen for the very first time in her life and hoping to be the last, to go and live with them together in one roof.

The demon who raped and forcefully detained her mom who was already married to her pitiful father for almost 1 and half year in this very household! Ang malala pa ay hindi ito na parusuhan ng batas sa kahayupang ginawa nito sakanyang ina.

Muntik na mabaliw ang ina niya ng iuwi ito sa puder nila dahil sa sobrang depression.

Colleen witnessed her mother's suffering for years at such a young age. Nabuo ang matinding galit sa kanyang puso, lalo na nung malaman niya ang kahayupang ginawa ng demonyong 'yon sa ina niya.

Buti nalang talaga at hindi niya pa ito nakakasalubong habang nasa teritoryo siya ng mga Zafeiriou, kundi hindi siya magdadalawang isip na saksakin ito ng ballpen na nasa bulsa niya ngayon.

Hindi niya rin magawang tanggapin na lumabas ang batang si Odin sa sinapupunan ng kanyang ina. Si Odin ay anak lamang ng demonyo at mananatiling anak ng demonyo hanggang sa huli nitong hininga.

Nangilid ang mga luha na kanina pa pinipigilan ng siyam na taong gulang na si Colleen at masamang pinakatitigan si Odin na prenteng nakaupo ngayon sa harapan nila.

Mas lalong nag ngitngit rin ang kalooban niya ng mapansin na nasa libro na binabasa lang nito ngayon ang buong attention. And how on earth does a five year old child understand The Art of War book?

Colleen sneered.

Looks like the demon child was mocking them by pretending to read a book na hindi naman nito naiintindihan.

"That bloody child will never be my sister! And I won't ever apologize for calling her a demon child! Never!" She strongly stated trying to gain a reaction to Odin.

Eris kneeled in front of Colleen while softly holding her hands with a sad expression.

"Baby, the sin of Odin's father cannot be inherited by your sister. So I'm begging you, please, soften your heart and accept Odin as your blood sister."

"Never!" Eto agad ang malakas na anas ni Colleen at galit na nilingon ang pwesto ni Odin, "I will never accept that demon child as my sister!"

Gusto niyang makita na nasasaktan ito sa sinabi niya. The kind of reaction from the demon child that will satisfy Colleen's anger and outbursts.

In My HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon