7. Better Left Unsaid

2.1K 172 51
                                    

A broken heart is all I have now
But some things are better left unsaid

▪︎▪︎▪︎

P/MAJ Indigo Marudo

"Aray~" kakamot-kamot ako sa leeg saka bangag na naupo sa malamig na tiles.

Buti nalang at hindi nabasa yung jogging pants na suot ko. I yawn once again before going out of the bathroom of my room at mabilis na dumeritso sa may bedside table ng kama.

"4:12 am." Mahinang basa ko sa oras na nasa screen ng phone ko.

Napakamot ulit ako sa leeg saka nag desisyon na gawin yung everyday routine ko dito sa loob ng kwarto. Stretching muna ng 12 sets saka ko sinumulan ang PNP dozen exercises. Last exercise ko na yung 50 each na triangular at normal push ups tsaka 10 minutes na planking.

"Good morning Philippines." Nakangiting anas ko habang naliligo ng pawis.

Mabilis na pumasok ako sa cr dito sa loob ng kwarto para mag shower. Pagkatapos ko maligo ay agad na nagbihis ako ng damit, tsaka inayos at nilinis ko rin ang mga kalat at dumi sa loob ng kwarto bago bumaba ng salas.

Habang sinusuot ko ang relo sa kaliwang palapulsuhan ko, agad na iniangat ko ang tingin ng sunod-sunod na bati ang natanggap ko sa mga taong naglilinis ngayon ng bahay.

"Hello, ma'am. Good morning po."

"Uy, good morning rin." Balik na bati ko sa mga maids na nagpapakain sa tatlong alaga ni Colleen.

Apat sila at alam ko na rin ang mga pangalan nila kagabi. Tutok na tutok talaga sila sa gawaing bahay lalong lalo na sa tatlong anak ni Colleen.

"Tapos ka na kumain, Chopper?" Natatawang tanong ko kay Piggy Smallz nung biglang iniwan nito ang kinakaing gulay para lang lumapit saakin.

Chopper yung pinangalan ko sakanya kasi ang haba nung Piggy Smallz. Tsaka mukha rin naman syang emergency food supply diba?

Si Luffy yung sisihin niyo, wag ako.

Chopper snorted while sniffing my jeans. Trip niya talaga yung jeans ko habang sila Toulouse at Lafayette naman ay busy pa rin sa kinakain nila.

"Sige na, kainin mo na yung agahan mo at baka gawin pa kitang pork chop."

Dumeritso ako sa may kitchen para magtimpla ng kape. May coffee maker rin dito kaya agad na pumunta ako sa refrigerator para humanap ng lulutuin pagkatapos ko paandarin yung coffee maker.

Agad na napangiwi ako nang makita na puro dahon at mga hindi pamilyar na pagkain ang bumungad saakin.

Puta. Wala bang karne na laman yung refrigerator ni Colleen? Ang yaman-yaman niya pero naghihirap naman yung laman ng malaking refrigerator niya.

Mukhang mapapaaga nga talaga ang kapalaran ni Chopper ngayon lalo na at gutom na gutom pa naman ako.

"Move."

I instinctively flinched and moved my body far from her when I heard that very familiar voice. She was just wearing a thin satin nightgown and it was kinda new for me to see her without her long hair extension and make-up on.

Colleen is a woman who can slay one day and look homeless the next katulad nalang ngayon.

And she looks like a ... small kid without her favorite killer heels.

Pero pag galit naman siya, mas malala pa sa tiyanak.

Colleen didn't give me a single glance as she was getting some stuff inside the refrigerator that I'm not familiar with. Nagkibit balikat nalang ako at nagdesisyon na pumunta nalang sa may coffee maker stand para kunin yung kape ko.

In My HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon