27. In My Head

3.3K 171 152
                                    

Trigger warning:
This chapter contains depictions and/or strong implications of the following: Violence, mental health issues, and profanities.

Readers' discretion is strongly advised.

Reminder:
This is a work of fiction. Any resemblance to actual events or persons, living or dead, is entirely coincidental.

The opinions expressed are those of the characters and should not be confused with the authors.

▪︎▪︎▪︎

My imagination's too creative
They see Cain and I see Abel

▪︎▪︎▪︎

"Who's the real you? The person who did something awful, or the one who's horrified by the awful things you did? Is one part of you allowed to forgive the other?"
- Rebecca Stead, Goodbye Stranger

▪︎▪︎▪︎

Third Person

"Hoy! Hindi ko sinabing malandi ka! Ang sinabi ko lang na iba-iba yung mga lalake na dinadala mo sa boarding house natin!"

"Para mo na rin sinabi na malandi ako?! 'Yan! Ma'am pulis! Idedemanda ko 'yang si Carla ng libel!"

"Ang kapal ng mukha mo Brenda para idemanda ako! Punyeta ka! E, lahat ng mga boarders saatin pinag tsitsimisan ka dahil sa mga pinagagawa niyo ng mga lalaki mo! Ang lakas-lakas niyo ba naman umungol pag nagkakantutan! Abot hanggang sa kanto nila Nay Tasing!"

"Hoy! Kingina ka! For your information hindi kami malakas umungol! If I know inggit ka lang dahil may cobweb na 'yang puwerta mo kasi walang kumakantot sayo! Nga naman, sino ba naman ang papatol sayo eh kamukhang kamukha mo naman 'yung namayapa mong ama na tarantado!"

Gamit ang makapal na logbook, may galit na dinukdok ng patrolwoman na nasa frontdesk ang mesa para mahinto sa pagsisigawan ang dalawa.

"Hoy! Puñeta! Ang titinis ng mga boses niyo! Kakatapos ko lang maghapunan pero sumasakit ang ulo ko sainyo!"

Natahimik naman ang dalawa pero hindi pa rin naaalis ang nakakamatay na tingin sa isa't isa. Napabuntong-hininga ang babaeng patrolwoman pero mahahalata ang inis sa mukha dahil sa pagkakasalubong ng perpektong kilay nito. Dagdag pa sa inis niya na medyo busy sila ngayon lalo na at may gulong nangyari sa isang lugar na involve ang station nila. May nabaril na babaeng pulis sa San Sebastian.

Balita niya rin na anak ito ng isang opisyal ng organization nila na may mataas na rango at kasalukuyang nasa ospital ngayon at inooperahan. Nasa ibang ospital naman ang suspect sa kasong rape at child abuse dahil sa natamo nitong bugbog. Sa kabilang banda naman, kasaluluyang nasa puder rin nila ngayon ang bata na nakabaril sa kabaro nila. Nasa office ito ng Hepe nila ngayon para kausapin ng masinsinan at pakalmahin.

On the way na rin daw ang DSWD sa station nila para ipick-up ang bata na si Moses o mas kilala sa pangalang Dadoy. Kaya rin medyo matao ang station nila ngayon dahil labas-masok ang mga ordinaryo at opisyales na pulis na nakikiusyuso at nag iimbistiga sa sitwasyon. She sigh again for the ninth time. With annoyance, she spread the blotter report sheet once again in her table.

"Pangalan ng reklamador?!"

"Po/Ho?" Sabay na tanong ng dalawa.

"Sabi ko, pangalan ng nagrereklamo?!" Nagtitimping tanong niya ulit.

"Brenda-"

"Totoong pangalan ang gusto ko!"

"Benidicto Jose Rosales po." Namumulang anas ni Brenda.

In My HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon