21. no tears left to cry

3.1K 158 48
                                    

Caution:
Multiple POVs.

▪︎▪︎▪︎

They point out the colours in you, I see 'em too

▪︎▪︎▪︎

You are what is real in
this logical world,

You are a shadow that becomes clearer
and clearer.


▪︎▪︎▪︎

P/Major Indigo Marudo

"Down!" Malakas na sigaw ng referee.

"Oh, my God! Horus!"

Iyon ang malakas na hiyaw ni Colleen sa labas ng ring matapos bumagsak ni Horus. Lumapit naman ang referee kay Horus at saka nagsimulang magbilang.

"Is he dead?!" Tarantang anas ng praning na duwende. "Honest to god knock me out I'm gonna kill you after this, gorilla!"

Bumuntong hininga ako at mabilis na napaikot ang mga mata. Ang liit-liit na babae pero ang laki naman ng bunganga! Pucha naman kasi at ba't namin sinama 'to dito.

"... 5! 6! .."

A lot of people were also watching the fight especially that we have Colleen here. Buti nalang bawal yung mga outsiders dito sa loob at puro mga members lang ng mix martial arts dojo ang allowed. At buti nalang rin na napakiusapan namin sila na 'wag silang kumuha ng pictures ni Horus.

Sabi naman ni Melissa, mas okay daw 'to para makita ng publiko na maayos ang relasyon namin ni Colleen. E, anong maayos dito kung binubogbog ko ngayon sa ibabaw ng ring yung kapatid ni duwende?

Magkaibigan nga talaga silang tunay. Pareho kasi silang may saltik sa utak, e.

"..9!.."

Natigilan ang referee sa pagbibilang nang makitang unti-unti nang tumatayo si Horus mula sa pagkakabagsak.

"Kaya mo 'yan tol!"

"Ganyan dapat!"

"Bangon!"

"The kid sure got some balls!"

Rinig ko naman ang malakas na cheer ng mga nanonood na siyang ikinatuwa ko. Pero wala pa ring makakatalo sa boses ng isang duwende.

"Fuck you, Indigo!"

Tumaas ang sulok ng labi ko saka mabilis na kinindatan si Colleen na namumula na ang mukha ngayon dahil sa galit. She was gripping the rope of the ring, looking like she was ready to jump inside any minute from now para sabunutan ako.

"Kaya mo pa?!"

Napadpad ulit ang tingin ko sa gawi ni Horus. I lightly do a jumping stance while waiting for him to stand again on his own two feet. The referee checks him over kung okay pa siya for another round while tapping his boxing gloves.

They talk for a bit, maybe asking if he's really good. Mahinang tumango naman ulit si Horus. Napabuntong-hininga ang referee before taking a quick side glance on my side.

In My HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon