Tunay Na Ligaya
Chapter: 12
Mabilis na binaba ni Lester ang bintana nang kanyang kotse, nakita niya si Brix na may ka date na ibang babae. Sinubukan niya i-zoom ang kanyang camera at kinuhaan ito nang ilang pictures. "Akala mo ahh." Bulong ni Lester, ilang araw na din niya sinusundan ito. Timing talaga na wala itong time kay Fei, kundi eto nakikipag landian kung kani-kanino. "Ganitong-ganito ka din sa akin, pwes hindi ako papayag na makakapag paiyak ka pa nang ibang babae."
*****
Muli na naman nagulat si Fei sa isang basket na flowers ulit na nakita niya sa table niya. "Irene!" Tawag niya.
"Yes ma'am?" Agad nitong tanong ng mga makapasok.
"3x na ako nakaka received ng basket of flowers, now pang 4th na ito. Kanino ba talaga galing eto?" Tanong niya na may inis bahagya ang boses.
Napakamot si Irene sa ulo. "Friend daw po ninyo ma'am."
"Friend? Sino?" Magkasunod niyang tanong.
"Ako!"
Agad na napatingin si Fei sa pintuan at nakita niya si Lester. "Les?"
"Why? Masama bang bigyan kita nang flowers?"
Ngumiti lang si Fei at tumingin kay Irene. "You can leave us now, Irene." Utos niya, at muling tumingin kay Lester. "Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Hmmm. Wala lang." Wika ni Lester at inayos ang buhok. "Pwede ba kitang ma invite mamayang gabi?"
"You inviting me?" Ulit nito.
"Ayy, paulit-ulit?"
Natawa lang si Fei at tila napaisip.
"Bakit may date ba kayo ni Brix?"
Umiling si Fei. "Sure, saan naman?"
"Anung oras ka ba available, para masundo kita?" Muling tanong ni Lester.
"Siguro, 7pm. Uuwi ako ng 5pm para makapag change pa ako ng damit." Tugon ni Fei.
"Okay, okay! See you tonight." At tumalikod pero muli siyang humarap. "Wear an elegant dress, may pupuntahan tayo." Sabay muling ngiti ni Lester at lumabas.
"Elegant?" Takang uli ni Fei.
******
"Pupunta kayo mamaya?" Tanong ni Alex.
"Yes, lahat tayo kailangan naroroon." Tugon ni Mark at nilingon si Lester. Pansin nila na di maalis ang ngiti. "Anu kayang, nginingiti nun?" Biglang tanong ni Mark.
Napalingon din si Nathan at Larry.
"Hay naku, baka si Brix lang nasa isip niyan, alam niyo naman na baliw na sa boylet na yun ang friend natin na 'yan." Si Alex ang sumagot.
"Oo ng pala, anung oras ba mamaya?" Tanong ni Larry.
"Maaga daw tayo eh." Tugon ni Nathan at tumayo, bahagya siyang lumapit kay Lester at tiningnan ang tinitingnan sa cellphone, napangiti si Nathan dahil pansin niyang mga pictures iyon ni Fei kasama si Lester.
Lumapit na din si Mark, Larrya t Alex. Napangiti pa ang tatlo sa kanilang nasilip.
"Kaya pala ngumingiti!" Wika ni Alex.
"Kaya pala tuwing lunch wala." Sabat ni Mark.
"At kaya pala panay ang bili ng flowers.." Si Larry
"Uy!" Sabay lingon niya sa mga kaibigan.
"May flowers talaga?" Sabay crosshand ni Nathan at titig sa kanya.
"Kasama yun sa plano ko noh." Sabay tindig niya at ismid.
"Pero kasama mo siya mamayang gabi? Nabasa ko, don't deny? Aminin." Maarte ang boses ni Nathan at nameywang.
"Chismosa talaga kayo!" Inis niyang sagot.
"Ayeehhh!" Sigaw nang apat na tila tinutukso siya.
"Tigilan ninyo ako ahh! Ininvite ko lang siya, dahil may gusto akong ipakita." Sabay tingin sa apat, "At huwag kayong aasumng okay!" Sabay hakbang palabas ng office.
"Anu ipapakita niya?" Naguguluhang tanong ni Alex.
"I don't know." Sagot ni Mark.
"Ikaw lang nakakaalam di'ba?" Tila tanong ni Larry.
"Who knows." Si Nathan.
********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Tunay Na Ligaya (Completed Stories)
Любовные романыLester Ace Adkins, yan ang kanyang pangalan. Pangalan pa lang lalaking-lalaki ang dating, pero hindi alam nang lahat na mas pusong babae pa eto sa tunay babae. May boyfriend siyang matagal niyang minahal, Brix completed his days and nights.... O sa...