Tunay na Ligaya
Chapter: 13
Kapapasok lang ni Lester sa bahay ni Fei, pinaupo na siya nito pero hindi siya naupo. Naka Double Breasted Suit siya, na gawa pa sa state. Kung iisipin ang porma niya ay lalaking-lalaki. Gray ang panloob at white ang panlabas pati pants. Naka black leather shoes din siya, napalingon siya sa hagdan. Una niyang napansin ang kulay ng midnight gown na suot, tila kasing pula ito ng redwine.
Pansin niya ang black sandals nito, dahil naka angat bahagya ang ilalim. Patuloy sa pagbaba si Fei, at ngayon ay napansin na niya ang kabuuan ng damit nito. Isa itong elegant red dress, embroidered at may sparkle designed sa pinaka length nang damit. Ang tela nito ay hindi dito gawa sa Pilipinas, syempre alam niya yun.
Napaangat siya nang tingin, nakita niya ang tila regular side braid nang buhok nito. Mahaba kasi ang buhok ni Fei, kaya mas lalung bumagay dito. Napansin niya na lalu tuloy namuti si Fei.
At ang tila pa off shoulder designed nito sa balikat.
"Hi! Kanina ka pa?"
Napakurap si Lester. "No, ngayon lang." Napatigil din siya bakit tila natulala siya sa dalaga. "Are you ready?"
"Yes.." Tugon ni Fei at tila inangat ang braso alam niya kasi na yayakap na naman sa braso niya ito.
Ngumiti si Lester. "Ako muna escort mo ngayon, nakkahiya sa attire mo." Sambit ni Lester at kinuha ang kamay nito sabay lagay sa kanyang braso.
******
Isang malaking event iyon, nang malalaking kumpanya. Ang totoo umattend lang silang lima dahil sila ang nagplano sa mga disenyo at kasuotan ng mga modelo nito.
At isa pa, dito din kasi nakahanay ang isa sa mga pinopormahan ni Brix kaya inaya niya talaga si Fei.
"Wow, your so gorgeous!" Bati ni Alex at nagbeso beso pa kay Fei.
"Thank you, and you look handsome."
"Oh, really." Sabay lapit ni Alex. "I'm quit pretty."
"Oo na gaga." Sabat ni Lester
"Sabi na may kontrabida." Ismid ni Alex.
"Thank you at naka join ka." Wika ni Nathan.
"Lester invite me, hindi ko alam na ganitong event pala pupuntahan namin." Sagot ni Fei, at tila may napansin. Medyo pamilyar kasi sa kanya ang bulto na 'yun.
Napansin na iyon ni Lester. "You want a drink?" Alok niya
"Sure." Tugon ni Fei.
Lumayo si Lester at pansin niya na palapit na ang patner ni Brix, lihim siyang ngumiti. Agad siyang kumuha nang dalawang wine glass,sabay lingon. Pansin niyang nawala si Fei sa pwesto nito, kaya humakbang siya. "Larry, where's fei?" Tila tanong niya dahil si Larry kanina ang malapit dito.
"Hindi ko napansin tugon nito."
Napalinga siya at hinanap ito. "Can you hold this for me." Bilin niya kay Larry.
"Sure." Tugon nito.
*****
Hindi kasi siya mapakali kaya sinundan niya ang bultong iyon, kinakabahan siya lalu nang may babaeng sumalubong dito at agad na humalik.
Napatitig lang si Fei, lalu nang tuluyan nang humarap ang lalaki. Halos hindi siya agad naka imik, para bang nag frozen ang kanyang isipan pati ang pwesto. Hindi siya makapaniwala na si Brix ay may ibang babae, napalunok siya nang sunod-sunod at humawak sa kanyang dibdib. Para siya nabibingi at tila agad na lumandas ang luha, marahil kaya pala lagi itong busy, dahil ba may iba nang nasa puso nito.
Napahawak siya sa pader, parang gusto niyang humawak dahil pakiramdam niya ay matutumba siya, ramdam niya kasi na bibigay ang kanyang tuhod.
Muling binalot nang luha ang kanyang mga mata, at tila sobrang sakit nun. Dahil ba hindi niya mapagbigyan ng isang bagay si Brix kaya sa iba hiniling.
Muntik na siya matumba, mabuti na lang at agad na may humawak sa kanyang braso.
Napalingon siya at nakita niya si Lester.
"Hinanap kita." Sambit ni Lester at napatitig kay Fei na puno ng luha ang mga mata, ang alam niya matutuwa siya dahil napaiyak ito. Pero bakit ganun, bakit parang tinusok ang kanyang puso sa pagluha nang babaeng nasa harapan niya.
"Les." Sambit ni Fei.
Be my lady
Come to me and take my hand and be my lady
Truly, I must let you know that I'm in love with you
All I want is you, how I need you, so please
Tila ang music ay lalu pang napa magneto sa mga mata ni Les, lumingon siya at nakita si Brix na patuloy sa pakikipag halikan, gusto na sana niya sugurin ito. Pero tila pinigil siya ni Fei.
"Let's go." Wika ni Fei at humakbang. Pero mabilis na hinila siya ni Lester at kinabig sabay halik sa kanyang labi. Halos mapadilat ang kanyang mga mata sa pagkabigla.
Be my lady
Just forget the past, it's time to mend your broken heart
No walls divide us now, so dry the tears in your eyes
Nothing can stop us now, I'll give you all I have
Napapikit si Lester, nang tumugon na si Fei sa halik niya.
Napansin din ni Brix iyon at ng babaeng kasama kay agad na silang umalis, dahil mayroon din couple na naghahalikan.
Huminto si Lester at kumalas, napadilat siya at tinitigan si Fei.
"Why?" Tila tanong ni Fei.
"I'm sorry, i just want to comfort you." Sagot niya at hindi inaalis ang mga mata kay Fei.
Napahinga nang malalim si Fei.
"Sabi ko na nga ba, niloloko ka lang niya."
Napalunok si Fei at pinunasan bahagya ang luha niya. "Thank you Les for tonight, but i need to go now." Lumayo na siya dito.
"Ihahatid na kita."
Umiling si Fei. "Gusto ko muna mapag isa." Tugon niya at tumalikod na sabay mabibilis na hakbang palayo.
Napahinga nang malalim si Lester at napalunok, sabay haplos sa kanyang labi. "No..." Bulong niya at tila napailing.
********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Tunay Na Ligaya (Completed Stories)
Любовные романыLester Ace Adkins, yan ang kanyang pangalan. Pangalan pa lang lalaking-lalaki ang dating, pero hindi alam nang lahat na mas pusong babae pa eto sa tunay babae. May boyfriend siyang matagal niyang minahal, Brix completed his days and nights.... O sa...