Tunay na Ligaya
Chapter:6
Sobra talaga ang sama ng titig niya sa dalawa, lalu kapag lumalapit si Brix kay Fei para bigyan ito nang inumin. Humigpit na nga ang hawak niya sa damit na gagamitin ni Fei sa next na photoshoot.
"Uy bakla!" Puna ni Alex at tiningnan ang pinagmamasdan nito. "Wag ka naman pahalata, hayaan mo na kaya." Bulong ni Alex.
"Alam mo, naiirita ako." Gigil niyang bulong lalu nang tumayo na si Fei at tila pinapwesto na ni Mark.
"Bakit ka naman naiirita? Dahil, mas pinili siya keysa sayo?"
Matalim na nilingon ni Lester si Alex. "Isubsob kaya kita ha!"
"Eto naman hb." Sabay ayos ni Alex ng buhok. "Akin na nga yang damit, gagamitin pa ito baka hindi pa magamit sa gawa mo." Sabay talikod at lapit sa nagpipictorial.
Napalingon siya sa pwesto ni Brix, pansin niyang lumabas ito kaya agad siyang pasimple na sinundan ang lalaki.
****
Pagkalabas ni Brix ay kinuha ang cellphone, may tatawagan na siya nang biglang may tumulak mula sa likuran niya. Nagulat pa siya nang makita si Lester.
"O anu? Gulat ka?" Magkasunod na tanong ni Lester na nakataas ang kilay.
"Lester pwede ba, baka madinig ka ni Fei."
"Bakit? Kasi hindi niya alam na ex mo ako?" Mataray niyang sabi at lumapit pa sa lalaki. "Bakit, dahil ba may malaki siyang bundok, At ako wala? O dahil, talagang ginamit mo lang ako." Hindi niya napigilan ang maiyak.
Napangisi lang si Brix. "What do you want me to expect? Ang totohanin ka?"
"Ganun?" Sabay crosshand niya.
"Pwede ba Les, tapos na ang sa atin. Wag mo na ipilit ang sarili mo sakin." Sabi nito at tumalikod.
Pero yumakap si Lester mula sa likuran nito. "Please brix, handa naman ako na pampalipas oras mo. "Samo niya at naiyak.
Mabilis na tinanggal ni Brix ang kamah nito at binalya patulak, muntik na matumba si Lester mabuti na lang at may humawak dito.
Tila nabigla din si Brix na makilala si Nathan. "Excuse me." Sabay muling talikod at lakad palayo.
Naiiyak na humarap si Lester kay Nathan.
Naawa si Nathan kaya niyakap ito. "Shhss, tama na.. You don't need to do that, hindi mo deserve ang isang tulad niya."
Muling naiyak lang si Lester. "Nasasabi mo 'yun, kasi napili ninyong babae ang mahalin. Paano ung puso ko?" Katwiran niya habang umiiyak. "Ang sakit-sakit Nathan."
Kumalas si Nathan at tinitigan si Lester. "Masakit kapag ang taong mahal mo ay masaya sa piling ng iba, pero kailangan mo ipakita na masaya ka."
"Nathan." Sambit ni Lester.
Ngumiti si Nathan at tila inakbayan si Lester. "I hate seeing you guys crying, noon pa man nuong Highschool aping-api na kayo ni Alex." Sabay ngiti niya. At muling hinarap ito. "Pero hanggang ngayon, ipagtatanggol ko kayo."
Sumingot-singot si Lester. "Thank you Nathaniel."
Ngumiti lang siya at pinunasan na ang pisngi nito. "Enough na ahh."
"Yeah, enough na.. Pero makikita ng Brix na 'yan. Hindi pa ako tapos sa kanya." Bulong niya.
******
"Les.."
Napalingon siya at nakita si Fei na lumapit. "Ba't andidito ka pa?" Tanong niya at muling binalik ang tingin sa mga damit.
"Bakit ba ang sungit mo sakin?" Tanong ni Fei.
"Hindi ako masungit! Ayoko talaga nakikipag usap sa mga babae." Sabay irap niya.
Natawa lang si Fei. "Maaga kasi umalis si Brix, may lakad kasi siya, balak ko sana invite ka mag meryenda."
Nilingon niya muli ito at tinitigan, pansin niyang nakatitig ito sa kanya. "Uy Fei, matanong kita."
"Sure, what is it?"
"Hindi ka ba, nandidiri sakin?" Tanong ni Lester at humarap sabay crosshand.
"Ako? Bakit naman?" Takang tanong niya.
Napataas ang kilay ni Lester. "Noong araw na, ma kiss kita."
Natawa lang muli si Fei. "Bakit naman? Parehas naman tayo girl, kaya ka ba naiinis dahil duon?"
Umismid si Lester.
"Hindi ako nandidiri sayo, kaya huwag mong isipin yun. Tsaka wala na kaya sa akin yung kiss na 'yun."
Muling napatingin si Lester sa kanya. "Fine.."
"So, sasamahan mo na ako mag meryenda?"
"No!" Mataray niyang sagot at tumalikod.
"Okay, hindi na nga kita istorbohin." Tugon ni Fei at akmang lalabas na.
"Wait." Pigil niya at humarap. "Wait mo'ko sa parking lot may alam akong place na masarap ang meryenda." Sabay muling talikod
Ngumiti na si Fei. "Sure." Tugon niya at lumabas.
Muling humarap si Lester. "Akala ng brix na yan, pwes.... Makikita niya." Bulong niya.
*******
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Tunay Na Ligaya (Completed Stories)
RomanceLester Ace Adkins, yan ang kanyang pangalan. Pangalan pa lang lalaking-lalaki ang dating, pero hindi alam nang lahat na mas pusong babae pa eto sa tunay babae. May boyfriend siyang matagal niyang minahal, Brix completed his days and nights.... O sa...