Tunay na Ligaya
Chapter: 23
Napaangat nang tingin si Alex sa babaeng lumapit sa kanya, nagtataka siya dahil nakatayo ito sa kanyang harapan. Pansin din niya ang titig nito kay Baby Shan. "Why?"
"Ako ang ina ni Shan." Sagot nito
Napatayo si Alex. "What?!"
"Anak ko si Shan, at ang ama ay si Lester."
"Anu?"
Napalingon sina Alex at ang babae sa nagsalita, kapapasok lang kasi ni Nathan at Larry.
"Ikaw ang ina ni Shan?" Si Larry.
"At anak ni Lester si Shan?" Tila hindi makapaniwala si Nathan.
*****
Hindi umiimik si Lester habang magkaharap sila ng babaeng naka one night affair niya, at nagsasabing ina ni Shan. "Seryoso ka talaga?" Tila si Lester na ang bumasag nang katahimikan nilang dalawa.
"Oo seryoso ako." Sagot ng babae.
"Anu nga ulit pangalan mo?" Tila tanong ni Lester.
"Nakalimutan mo pangalan ko?"
Sumandal si Lester at tila mariin na pumikit, sabay pakawala ng hangin at dumilat. "Gulong-gulo kasi utak ko, you telling me na anak natin si Shan!" Hindi mapigilan niya ang magtaas ng boses. Pansin niyang natahimik ito, kaya kumalma din siya. "I'm sorry."
"Mariel, that's my name." Tugon ng babae.
Bumuntonghininga si Lester. "Mariel, okay.. Mariel, so what do you want me to do now?"
"Marry me, and be a father to our daughter." Sagot nito.
Napalunok si Lester. "Bakla ako."
"May girlfriend ka, kaya i know na hindi ka na bakla ngayon."
Napangiti ng mapakla si Lester. "You know, Fei."
"Dahil hindi naman ako umaalis sa tabi mo, ang gusto ko lang. Madala ni Shan ang apelyido mo. At maging ama sa kanya."
Tumayo si Lester. "I can't! Hindi ako pwede magpakasal sayo."
Tumayo na din si Mariel, pwes... Kukunin ko na ang bata." Sagot nito at tumalikod.
Lumabas ito sa pintuan, nakita niya ang mga kaibigan ni Lester, lumapit siya kay Alex. "Akin na si Shan. Iuuwi ko na siya."
"Wait!" Awat ni Alex pero hinawakan ni Nathan ang balikat niya, pansin niya ang pagsenyas nito. Kaya ibinigay na niya ang bata. Naiiyak pa siya nang makuha nito ang bata.
"Eto ang number ko, kapag nagbago isip nang kaibigan ninyo." Tugon ni Mariel at lumabas.
"Baby shan!" Sigaw ni Alex at naiyak
"Bakit ikaw ang naiyak, ikaw ba ang ama?" Saway ni Mark.
"Inaalagaan ko kasi si Shan noh!" Sigaw ni Alex at tumingin kay Lester. "O anung balak mo! Nilayo na tuloy sa atin ang bata!" Naiiyak pa din si Alex.
"Tama na yan." Sabay hawak ni Nathan sa balikat ni Alex. "Makikita pa naman natin si Shan."
"Wag ka mag alala Alex " si Larry
"Kailangan ko muna makausap si Fei." Sambit ni Lester at nagmamadaling lumabas na.
"Panu na 'yan?" Tanong ni Alex.
"Pakiramdam ko tuloy, tama hula ni Nathan." Sabat ni Larry.
****
Mabilis na bumaba si Lester sa kotse, at nagmamadaling lumapit kay Fei. "Fei."
Napahinto si Fei at lumingon.
"Maaga ka yata umalis sa opisina mo."
"Anung ginagawa mo dito?" Tanong ni Fei na sa malamig ang pakitungo dito.
"May problema ba?"
Tumingin si Fei sa kanya. "Hindi ko talaga alam, kung maniniwala pa ako sayo. Pero— gusto ko malaman mo na magpakatatay ka. Naging lalaki ka na rin naman." Sabay talikod niya.
"Fei!" Sabay hawak sa braso nito
Agad na humarap si Fei.
"Listen to me."
"Enough, Lester. " sabay iling niya at hindi mapigilan ang luha. "Double na ung sakit na binigay mo. Magpaka totoo ka na lang, sa babaeng ina nang anak mo." Sabay alis niya sa kamay nito at nagmamadaling pumasok sa gate.
"Fei!" Tawag ni Lester pero hindi na ito lumingon, naiiling na naiinis siya kaya wala na siyang choice kundi ang sumakay na muli sa kotse at umalis sa lugar na 'yun....
*******
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Tunay Na Ligaya (Completed Stories)
RomanceLester Ace Adkins, yan ang kanyang pangalan. Pangalan pa lang lalaking-lalaki ang dating, pero hindi alam nang lahat na mas pusong babae pa eto sa tunay babae. May boyfriend siyang matagal niyang minahal, Brix completed his days and nights.... O sa...