Tunay na Ligaya
Chapter: 18
"Pakibigay duon sa babaeng naka white." Bulong ni Brix at binigyan nang pera ang batabg inutusan, tumalikod na siya at tila hinihintay ang gagawin ng bata.
Hinarang ito ni Lester. "Anu yan?" Tanong niya.
"Ahmm, singsing po." Sagot nito.
Nilingon niya si Brix pansin niyang umiinom ito at nakatalikod, lumingon ulit siya sa bata. "Magkanu binigay niya sayo?"
"200 po." Tugon nito.
"Gagawin ko 500 yan... Akin na 'yung singsing at ito ang ibigay mo." Sabay abot ni Lester nang bracelet na kabibili niya lang dito sa Botacay, pinalagay niya ang name ni Fei.
"Sige po." Masayang sabi ng bata at lumapit na kay Fei.
Lumingon na si Brix at pansin niya ang iniabot nang bata, hindi lang 'yun dahil may itinuro ito.
"Kanino?" Tanong ni Fei.
"Duon po." Sabay turo nang bata.
Napatingin si Fei at nakita si Lester.
Agad na nilabas ni Lester ang white board at nakasulat duon ang "I'm Sorry."
Napailing si Fei at ininom muli ang juice.
"Sayang." Bulong ni Lester at nilingon si Brix. Pansin niyang masama ang titig nito sa kanya, kaya ngumisi siya at tila may isinulat sa kanyang white board sabay pakita kay Brix.
"Unggoy." Basa ni Brix. "Siraulong baklang ito ah." Bulong niya at akmang susugudin pero pinigil na niya.
Natawa lang si Lester at tumalikod.
******
"Maganda yung view."
Napalingon si Fei at nakitang umupo si Brix sa tabi niya.
"Leave me alone." Sambit ni Fei at akmang tatayo
"Wait." Awat ni Brix sa braso niya.
Napahinto si Fei.
"Give me a second chance. Ayusin natin 'to." Tumayo na si Brix at lumapit kay Fei. "Please."
"Sana naisip mo yan, bago ka nambabae." Inalis ni Fei ang mga kamay niya at tumalikod.
Lumakad na siya pabalik sa kanilang inupahan na cabin nang biglang sumulpot si Lester. "My godd!" Gulat niya at muntik na matumba.
"Yellow roses, for forgiveness." Sabay ngiti ni Lester.
Napalunok si Fei, ngayon lang siya nakabawi sa gulat niya. "Alam mo, magsama na kayong dalawa ni Brix." Naiinis niyang sabi at agad nang humakbang para lagpasan ito.
"Hey! Ikaw kaya type ko!" Sigaw ni Lester. "Mukhang di niya nadinig." Bulong niya at nilingon si Brix. Pansin niyang may mga kauspa na lalaki ito. "Anu na naman kaya plano nun?" Bulong niya
******
Nag aayos si Fei nang mga damit niya, kasi silang mga babae ang magkakasama. Pumayag din naman ang mga 'yun, dahil wala siya makakasama.
"Hey, kain na tayo." Wika ni Alicia.
Lumingon siya at ngumiti. "Sunod na ako." Tugon niya.
"Okay." Sagot ni Alicia at agad nang lumabas.
Napatigil si Fei at naupo sa kama. Ngayon ay gusto na niyang matawa, "Bumabawi sila ngayon." Bulong niya. Pero mas natatawa siya kay Lester, akala siguro nito na hindi niya nadinig na type siya. "May balak na ba siyang magpakalalaki." Bulong niya
******
"Bored ako." Sambit ni Alex at nahiga.
"Kami nga bored din, nasa kabilang kubo mga asawa namin." Sambit ni Mark at inaayos ang mga picture na nakuha niya sa pictorial.
"Kaya nga gusto ko na i hug si Jackie." At ang niyakap ni Larry at ang unan.
"Grabe ka, kanina magkayakap kayo ah." Sabay hagis pa ni Nathan ng isang unan.
"Mga baks... Anu pa kaya magandang gawin?" Tanong ni Lester.
Napatingin sa kanya ang lima.
"Bakit?" Unang nagtanong si Nathan.
"Inuunahan ako lagi ni Brix, baka— magkabati sila." Sagot niya at napa crosshand.
"Haranahin mo." Suggest ni Larry
"Oo nga! Mukhang hindi naman siguro gagawin ni Brix 'yun!" Segunda ni Mark.
"That's right, wag kang papakabog sa lalaking 'yun!" Si Alex na bumangon at nakangiting tumingin kay Lester.
"Isip tayo plano." Excited na sagot ni Lester.
******
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Tunay Na Ligaya (Completed Stories)
RomanceLester Ace Adkins, yan ang kanyang pangalan. Pangalan pa lang lalaking-lalaki ang dating, pero hindi alam nang lahat na mas pusong babae pa eto sa tunay babae. May boyfriend siyang matagal niyang minahal, Brix completed his days and nights.... O sa...