Tunay Na Ligaya
Chapter: 22
Kabababa lang ni Fei sa kotse nang may humawak sa balikat niya, agad tuloy siya napalingon at isang babae ang nakita. "Yes?" Tila tanong niya dito.
"Can we talk."
"Para saan?" Napalitan pa din siyang magtanong.
"About Lester." Sagot ng babae.
Sa nadinig niyang pangalan ay tila may hinatid iyon na kakaibang kaba sa kanyang dibdib, kaya napahinga siya nang malalim.
*****
"Pero anung reason? Bakit siya may video?" Magkasunod na tanong ni Larry.
Napaisip din si Nathan at tila naupo agad.
"I really don't know. Well, it's been a year since that day happen." Si Lester na tila may kaunti pa din arte ang boses.
"Hindi iyan ipadadala sayo, kung walang rason." Sabat ni Mark.
"Hindi kaya— sinadya talaga ung nangyari sa inyo?" Tanong ni Alex, pansin niyang napatingin sa kanya ang lahat... "What?"
"Maybe Alex is right." Tugon ni Nathan, "Baka sinadya talaga ang gabi na makilala mo ang babae na 'yun?"
"Who knows? I don't even recognize her face." Si Lester na tila napalakad na nang pabalik balik. "Ang naalala ko lang, nagpunta kami sa Hotel."
"Did you know, she is a girl?" Curious na tanong ni Larry.
Napahinto si Lester at tumingin sa mga kaibigan. "Yes, i know.. Tinanong ko kasi siya nun, isa pa halata naman." Sagot niya at sumandal. "Nagsinungaling lang ako sa inyo, na heartbroken kasi ako ng gabing 'yun, iniisip ko bakit kayo nagpakalalaki? Kung bakit si Brix pinagpaplit ako kay Fei. So ayun, nung gabi nalaman ko."
"Nalaman mo na masarap ang langit." Tila si Mark na ang sumagot
Bumuntonghininga si Lester at sumandal. "Sasabihin ko din kay Fei ito. Aaminin ko din na minsan, nakipag one night affair na ako sa babae." Sabay crosshand niya.
"But first, kailangan natin malaman. Kung sino nag video sayo ng gabing 'yun." Sabat ni Nathan.
******
Pansin ni Fei ang pag inom nito ng kape, tila balisa ang isipan. "Sabi mo, may pag uusapan tayo about kay Lester?"
Napatigil sa pag inom ang babae at tumingin kay Fei. "May anak kami ni Lester."
Tila nabigla si Fei sa sinabi nito. "A-anak?"
Tumango ang babae. "One year ago, may nangyari sa amin. Noong gabi na nasa bar siya, nabuo 'yun." Tila nalungkot ang awra nito. "Hindi ko alam gagawin ko, lalu at— hindi pa ako handa maging ina. Kaya nang, ipanganak ko ang bata." Huminto ito at pumatak ang luha. "Kaya iniwan ko sa kanila ang bata."
"Ibig sabihin, ikaw ang ina ni Shan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Fei.
Tumango ito. "Oo, iniwan ko si Shan sa kanya. Dahil hindi ko kayang alagaan ang bata."
Napalunok si Fei at gustong pigilan ang luha. "Bakit, bakit sa akin mo sinasabi ito. Bakit hindi mo, harapin si Lester."
"Gusto ko sana gawin, pero sadyang natatakot ako." Wika nito at hinawakan ang kamay ni Fei. "Nabalitaan ko na ikaw ang nobya niya, nakikiusap ako. Magiging lalaki na din naman siya, dapat ay harapin niya ang pagiging ama kay Shan."
"Hindi ko pa alam isasagot ko." Tugon ni Fei at tila kinuha ang kanyang kamay. "Kausapi mo na muna siya, mas mainam para sa ikabubuti ng bata." Kinuha na niya ang wallet at inilapag ang pera sa table. "Excuse me." Sabay tindig at tumalikod.
Pagkalabas sa cafe ay tuluyan ng lumandas ang luha niya. Pero pinipigilan niya pa din. At ayaw na niya munang isipin ito.
**********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Tunay Na Ligaya (Completed Stories)
RomantizmLester Ace Adkins, yan ang kanyang pangalan. Pangalan pa lang lalaking-lalaki ang dating, pero hindi alam nang lahat na mas pusong babae pa eto sa tunay babae. May boyfriend siyang matagal niyang minahal, Brix completed his days and nights.... O sa...