Chapter: 2

429 12 0
                                    

Tunay Na Ligaya

Chapter: 2

"Eto na lahat?" Tila tanong ni Nathan habang hawak si Baby shan.

"Yes eto na lahat." Tugon ni Lester.

"Medyo okay na din, kaso— hindi kaya kulangin tayo sa materials?" Tanong ni Nathan.

"Hey!" Bati ni Larry ng pumasok at mabilis na lumapit kay Shan. "Pahiram muna sa Princess.." Sabay kuha kay Nathan at tila nilaro ito.

Agad muling binasa ni Nathan ang mga papel na binigay ni Lester.

"Siya nga pala, sabi ni Alicia yung friend niya magiging new model natin sa next project." Sabat ni Mark at tila lumapit kay Larry. "Mag anak ka na ulit " biro niya.

"Oh, ikaw naman magbuhat para matuto ka. Sige ka pag nanganak si Alicia ikaw ang magpupuyat." Sabay tawa ni Larry 

"Bakit ganyan ka ba kay Jackie?" Sabat ni Alex.

Nilingon ni Larry si Alex at pinandilatan ito.

"Sino daw?" Biglang tanong ni Lester, na isiningit muli ay ang model sabay tingin niya kay Mark.

"Ahmm, nagpunta yun nung kasal namin eh. Hindi ko naalala yung name." Sabay ngiti niya na parang nakalimot.

Napalingon si Nathan ng pumasok si Alicia. 

"Oh, kasama mo pala si Alicia?" Puna ni Larry 

"Hi guys! Kararating ko lang, kasi—" sabay lingon ni Alicia sa pintuan.

Napatingin sila sa bagong dating, nakasuot ito nang off shoulder na red with white stripes, nakapants ito na tattered at sunglass. Ngumiti ito at hinubad na ang sunglasses, nakalugay din ang medyo brown na kulay nang buhok nito. Chinita, maputi, matangos ang ilong at hindi lang 'yun, perfect talaga para sa kanilang next na project.

"Remember my friend Fei Mei." Wika ni Alicia.


"Yahh." Unang umimik si Nathan at lumapit. "Hi, so ikaw pala ang next model namin."

"Yes." Maikling tugon nito at nilahad ang palad. "I'm gladly to meet you again Mr. Montenegro." 

"Perfect talaga siya." Bulong ni Alex kay Lester.

"Yeahh, i guess.." Irap niya at muling tiningnan ang mga designed ni Nathan.


"So kelan pala ang start nang photoshoot?" Muli niyang tanong. 

"Ahmm, inaayos pa namin yung damit na gagamitin mo. Lalu at nasa summer edition tayo." Si Nathan ang sumagot.


"Akin na muna si Shan." Wika ni Alicia kay Mark, binigay naman sa kanya ni Mark ito. "Hey, ang cute no talaga at ang lusog-lusog mo." 

"Sympre lima kaming ama." Sabat ni Larry na natatawa pero napatigil din siya, lalu at pansin niya ang pagtataka sa mga mata ni Fei.

"He means, kasi kami yung nag aalaga." Sabat ni Alex.

"Ok." Tugon nito at napansin niya ang nakatalikod na lalaki, nung kasal din ni Alicia at Mark ay tila hindi din siya pinansin nito. 

"Oy, Lester!" Tawag ni Alex.

Lumingon siya sa mga kaibigan. "Why?" Tanong niya na nakataas ang kilay.

"Baka gusto mo sukatan ung model natin?" Sabat ni Mark.

"Oo nga pala Lester, si Fei ang gagamit ng mga new design natin." Segunda ni Nathan.

"Single ka pa?" Biglang tanong ni Larry.

Tila nabigla si Fei sa tanong nito. Sabay iling.

"Ay sayang." Sabay crosshand ni Alex at nilingon si Lester sabay ngiti.

"At para saan ang ngiti mo?" Mataray na tanong niya.

"Bakit ba, ngumingiti lang." Bulong ni Alex.

"Fei, iwanan na muna kita dito." Wika ni Alicia at hinawakan na ang kamay ni Mark. "Hiramin muna namin si Shan." Paalam niya at ngumiti kela Nathan.

"Go!" Taboy ni Lester at kumaway sa mag asawa, hanggang sa makalabas na 

"May gagawin din pala ako." Wika ni Larry at tumingin kay Nathan.

"Oo nga ,may gagawin kami." Segunda ni Nathan.

Nagsabay na lumabas ang dalawa...

"Baks, kukuhanin ko pala mga tela sa kabikang building." Sabay kuha ni Alex nang kanyang bag, "babush." At lumabas na din ito.

Napabuntong hininga si Lester at tumingin kay Fei.

Ngumiti naman si Fei sa kanya. 

"Hey, dito tayo para masukat ko na yang katawan mo." Sabay ismid niya at naunang lumakad.

Napatango na lang si Fei at sumunod na dito.


******


#AuthorCombsmania


Tunay Na Ligaya (Completed Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon