Chapter: 5

301 11 0
                                    

Tunay na Ligaya

Chapter: 5

"Tulog na ba?" Tila tanong ni Larry kay Nathan.

Sumilip lang siya sa kwarto, sa kanila naman nakatoka ngayon si Shan. Mabuti na lang at dito din nag stay sina Larry at Jackie.

"Oo, tulog na nasa gitna pa nang mga misis natin ang anak mo at si Shan." Tugon niya at sinara na ang pintuan.

"Mukhang, sa labas tayo matutulog ah?" Sabay kamot ni Larry sa ulo.

Natawa si Nathan.

"Maiba nga pala tayo, wala ka bang nakuhang information about kay Shan? Tapos, ung cctv. Wala ba nakapansin." 

Umiling si Nathan. "Maybe sa exit siya dumaan kaya hindi masyadong nahagip ng mga camera, pero 3 months na sa atin ang baby. Mukhang, wala talagang may balak mag hanap." 

Nalungkot bigla si Larry. "Kawawa naman si Shan noh, baka kaya iniwan sa atin dahil, nalaman na nagtayo tayo nang foundation para sa mga batang ulila." Sabay muling iling ni Larry. "Pero hindi naman ulila si Shan, ang ganda niya kayang baby."

Napabuntonghininga na lang din si Nathan. "Hindi ko nga din alam, kung bakit kailangan pa na iwanan ang bata."

"Pagawan mo na nang papel! Isa pa, hindi na siguro magpapakita ang ina niyan, masabunutan ko pa." Inis ni Larry.

"Oo na, wag ka mag alala. Pero saan natin isusunod ang last name?"  

Bigla din napaisip si Larry. "Oo nga noh, lima tayo." 

"Teka, tsaka na natin pag usapan 'yan sa couch na tayo matulog." 

"Tabi na lang tayo sa kwarto namin." Wika ni Larry. At humawak pa sa braso ni Nathan. "Noong highschool tayo, pag overnight magkatabi tayo."

Inalis ni Nathan ang kamay nito. "Gapangin mo pa ako eh." 

"Hoy, gwapo kong ito." Sabay ismid ni Larry.

"Oo gwapo ka, ako kasi ang pinaka maganda sa ating lima." Sabay ismid din ni Nathan.

"Taray mo ahh! Baklang 'to." Natatawang sabi ni Larry.



*******


"Good morning!" Bati ni Jill, 

Ngumiti agad silang dalawa nang bumungad ang kanilang mga misis na naghahanda ng breakfast.

"Hindi na namin kayo namalayan na nakauwi." Tugon ni Jackie at nilapag na ang niluto nitong fried rice.

"Oo nga, ang sarap kasi nang tulog namin. Ang mga bata din masarap ang tulog." Sabat ni Jill.

"Ayos naman tulog namin, kaso need din maaga gumising. Mag uumpisa kasi kami ng photo shoot para sa new cover ng magazine ng Montenegro Group."  Si Larry at lumapit kay Jackie sabay halik sa pisngi. "Di tuloy kita nakatabi." Bulong niya.

"Pwede naman mamaya." Pabulong na sagot ni Jackie.

"Maupo ka na Nathan." Yaya ni Jill.

Nakangiting lumapit si Nathan at hinagkan ito sa noo. "Thank you sa breakfast." Bulong niya at naupo na.

"Kelan pala ninyo balak na— pabinyagan si Shan?" Tanong ni Jill nang maupo.

"Yun nga topic namin kagabi ni Nathan." Sabat ni Larry at naupo na silang magasawa.


"Kakausapin pa namin ang tatlo, syempre kailangan namin ayusin ang papel ng bata." Tugon ni Nathan

"Sabagay, sige.. Kain na tayo." Nakangiting yaya ni Jill.

"Ang mga bata kelan uuwi dito?" Tila tanong ni Larry.

"Hindi ko pa alam kela Mama at Papa." Sagot ni Nathan.

"Nag eenjoy na ang mga bata duon." Tugon ni Jill

"Kaya nga namimiss ko na din ang kamba, at si bunso." Sagot ni Larry 

"Isasama ba ninyo si Shan?" Sabat na tanong ni Jackie.

"Baka hindi, medyo busy kami." Si Nathan ang sumagot at nilingon si Jill. "Day off mo ba ngayon, kung okay lang... Kayo muna bahala ni Jackie sa bata."

Ngumiti si Jill kay Nathan. "No problem."

"Oo nga ,enjoy kami ni Ate Jill, pati na din ang anak namin ni Larry nag eenjoy na laruin si Shan." Sabat ni Jackie.

Napangiti ang dalawang lalaki at tinuloy na ang kanilang agahan.



****


Maaga dumating si Lester sa gaganapan ng kanilang pictorial, pero napahinto siya nang makababa siya sa kotse. Paano ay nakita niya si Brix, at tila may dala pa itong flowers. 

Tila kinilig ang damdamin niya. "Kaya yata, hindi niya ako sinasagot." Bulong niya pero nagpasimple muna siya at hindi nagpahalata, kaso nagtataka din siya kung paano nito nalaman kung saan siya nag wo work. Muli siyang ngumiti at tila nagmamadaling naunang pumasok, gusto niya kasi na kunwari na ma-suprise.

Hindi na nakita ni Lester na bumaba din sa kotse si Fei, nakangiti ito kay Brix at sabay na silang lumakad papasok.



****


Pansin na pansin nilang apat ang sigla sa mukha ni Lester, lalu ang ngiting tila gusto nang pumunit sa kanyang mukha.

"Nakatuka lang, nagka ganyan na ang ngiti." Bulong ni Alex.

"Malay mo nagbago na pala." Natatwang segunda ni Mark na inaayos na ang camera.


"Hi!" 

Napatingin sila pagbati ni Fei.

Napalingon din si Lester at nakita niya ang kamay ni Brix na nakahawak sa kamay ni Fei. Tila ang kanyang malapad na ngiti ay nawala.

Hindi din magawang umimik ni Alex, lalu nang makilala ang kasama ni Fei.

"Hello Fei, ready ka na?" Si Nathan ang sumalubong dito.

"Yes Mr. Montenegro, ahm i would like to introduce my boyfriend Brix." Pakilala niya dito.

"Nice meeting you sir." Sabah lahad ng kamay nito.

"A pleasure." Tugon ni Nathan. "Meet also my friends and my collegeuous." Sabay harap sa mga kaibigan. "Si Larry, na aming 2nd designer. Mark our photographer, Alex 3rd designer and Lester." 

Napatigil si Brix nang makilala si Lester at nakatingin ito sa kanya.

"Si Lester ang isa sa mga naka assigned para mag assist kay Fei." Dagdag pa ni Nathan.

Pilit na ngumiti si Brix. "Nice meeting you all." At muling bumaling kay Fei. "I'll wait you." Sabay halik nito sa labi ng nobya.

Tila tinusok ang dibdib ni Lester sa eksenang iyon, kaya mabilis siyang tumalikod. Ang buong akala niya, na siya na ang pinuntahan nito, yun pala hinatid nito ang nobya na walang iba kundi si Fei. Bumuntonghininga siya t tila inayos na ang mga damit na gagamitin muna nito para sa front cover ng mgazine.

"Pwede ka naman manuod." Sabat ni Larry.

"Oo nga, photo shoot lang ito." Si Mark.

"Ouch." Tila daing ni Alex at sumenyas ng saksak sa dibdib.


*****



#AuthorCombsmania

Tunay Na Ligaya (Completed Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon