Chapter: 30

210 14 0
                                    

Tunay na Ligaya

Chapter: 30

Napatingin si Brix mula sa veranda, pansin niya ang mga pulis na dumating sa kanyang bahay. Nagtataka man siya, pero kinabahan na din siya lalu at wala pa si Mariel. Sinubukan niya kumuha nang mahahalagang gammit at mabilis na binuksan ang kabilang bintana sa likuran.


Pagkatalon ay agad na sinunggaban ito ni Nathan. "Tatakas ka pa ahh!" Sigaw ni Nathan at agad siyang tinadyakan. Muli niya itong hinawakan. "Para kay Lester eto!" Sabay suntok, pero agad na may humatak kay Nathan. Isa sa mga kasama ni Brix 

"Takbo na Brix utos nito." At sinuntok si Nathan,

Mabilis na nakaiwas si Nathan, magaling siya sa slf defense, kaya ang braso nito ay mabilis niyang nakuha at binale sabay balibag dito. 

"Aghhhhh!" Daing nang lalaki.

May isa pang parating pero mabilis na sinalubong ni Larry ng suntok. Nilingon niya si Nathan at kumindat.

"Haisst." Sabay iling niya lang. "Tara na."

Nahuli nang mga pulis ang ibang kasama ni Brix, at tila may mga nakuha pang droga ang mga ito.


****

Mabilis na lumapit si Brix sa kotse , sa likod ay mayroon silang back up na sasakyan. Pero mabilis na may humatak sa kanya at sinuntok agad, natumba siga at napansin na si Lester iyon.

"Hayup kang bakla ka!" Sigaw niya at tumayo sabay unday ng suntok.

Nakaiwas si Lester at muling sinuntok ito. Pero hindi niya ito binitawan. "Sinong bakla?!" Sabay headbutt niya dito, kaso pakiramdam niya ay nahilo din siya. Kaya siya napa atras.

Kumilos si Brix at tinadyakan ito, bumagsak si Lester at nang mapansin niyang kumilos muli palapit ay agad siyang bumango sabay sipa, natamaan niya si Brix ngunit may dinukot ito. At tinutok sa kanya.

"Papatayin na kita!" Sigaw niya pero agad na dumating ang apat, nahawakan nito ang baril at umunday ng suntok si Nathan. Pero tila mahigpit ang hawak ni Brix sa baril, pero patuloy pa din ang agawan nila hanggang sa makalabit ito ni Brix.

"Lester!" Sigaw nila.

Napahinto si Lester nang makita ang yumakap sa kanya. "Alex?" 

Ngumiti si Alex at tila nanghina ang tuhod, kaya mabilis na inalalayan ni Lester ito.

Dumating na din ang mga pulis at hinuli si Brix, mabilis na lumapit ang tatlo.

"Alex!" Sigaw nila.

Agad na binuhat ito ni Nathan at Larry, nagmamadali silang nagtungo sa kotse at isinakaya ito.

Mabilis na nagmaneho si Mark. 

"Alex, wag kang pumikit bruha ka!" Inis na sabi ni Lester na tila naiiyak.

Paano ay nasa kritikal ang tama nito, pansin nila ang madaming dugong umaagos dito.

"Wag ka umiyak."

"Bakit mo kasi ginawa yun!" Inis na singhal ni Lester.

Napilitan tumawa si Alex. "That's what friends are for " tugon niya at inubo.

"Please wag ka na magsalita." Si Larry 

"Masaya na ako. Kayong apat." Sabay tingin niya sa mga kaibigan niya.

"Bruha ka tumigil ka na!" Si Nathan na maiiyak na.

"Sige ka sasabunutan kita." Si Mark na halos magmadali na sa pagmamaneho.

Hinawakan ni Lester mahigpit ang kamay ni Alex. "Please, kaya mo ya sister. G-5 tayo di ba?" 

Ngumiti nang pilit si Alex at tila pumikit.

"Mark! Bilisan mo pa." Utos nila.




*********


#AuthorCombsmania

Tunay Na Ligaya (Completed Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon