Chapter:4

320 11 0
                                    

Tunay Na Ligaya

Chapter: 4

"Kamusta naman ang work mo?" 

Napatigil si Fei sa pagkain at napatingin kay Brix, ngumiti siya. "Okay naman, kakapasukat ko pa lang kanina." Sagot niya at muling tumusok nang karne. 

"So, okay naman ba mga kasama mo?" Tila muling tanong ni Brix.

"Oo naman." Maikli niyang sagot, pansin niya na kinuha nito ang cellphone, tila may nagtex. "May lakad ka?" 

"Ahmm." Muling ngumiti si Brix at itinabi na ang cellphone. "Wala, ihahatid kita bukas.." Prisinta niya.

"Sure, para makilala mo din ung mga tutulong sakin para sa pictorial." Nakangiting tugon ni Fei.

"Okay." Sabay tingin kay Fei. "Let's eat." 

*****


Inis na nilapag ni Lester ang kanyang cellphone, tila binabalewala na siya ni Brix, wala na yatang balak talaga na sagutin ang mga tawag at messages niya.

"Uy, bakla... Ayos na ba ung mga sukat nito?" Tanong ni Alex.

"Oo." Malungkot na tugon ni Lester at naupo.

Lumingon si Alex. "Oh, bakit parang, nanakawan ka ng lalaki sa itsura mo?" 

"Hindi nga ba?" Walang sigla niyang sagot sinabayan pa ng buntong hininga.

"Kalimutan mo na siya, makaka move on ka din." Sabay iling ni Alex. "Ihatid ko lang eto." Paalam ni Alex at lumabas sa opisina nila.

Hindi na siya umimik, overtime na naman sila sa ngayon. "Inaantok tuloy ako." Bulong niya at saglit na sumandal sa swivel chair sabay pikit. Hindi naman sigurado siya maiistorbo ni  Alex kapag bumalik ito, kaya iidlip na muna siya.



***

Hawak pa ni Alex ang mga sukat na kinuha niya kay Lester kanina, sakto na nasalubong niya si Fei. "Uy, ba't ka bumalik?" 

"Hi Alex, open ba ung office ninyo? Nakalimutan ko yata ung pouch ko kanina. Yun lang kasi dala ko." 


"Oh, wala akong napansin pero— pumunta ka na lang duon, anduon si Les." Sabay ngiti nito.

"Ok, thank you." Humakbang na siya papunta sa opisina, kung saan kanina ay nagsukat sila. Kanina lang niya naalala na may hawak siyang pouch. Pero tila hindi niya makita sa bag, kaya naisip niyang naiwan niya lang ito sa opisina nila Lester.

Kakatok pa sana siya nang mapansin nakasiwang naman ito, pumasok na lang siya. Agad niyang napansin na tulog si Lester,napatingin siya sa kanyang relo. Mag aalas otso na pero mukhang may trabaho pa ang mga ito.

Tuluyan na siyang nakapasok at lumapit, hinanap niya sa may bandang table ang pouch niya, hanggang sa makita ito at nasa likuran pala nang isa pang table. Yun lang wala siyang dadaanan dahil nga nakaharang si Lester, ayaw naman niyang gisingin ito para lang ipaabot ang kanyang pouch. 

Napailing siya at dahan-dahan na lumapit, nag iingat siya na hindi mabangga ito para hindi magising, medyo malayo pa ang pwesto at hindi masyadong abot nang kanyang kamay, kaya lumapit pa siya nang kaunti.

Pakiramdam ni Lester na may tao sa harapan niya, dumilat siya at bahagyang bumungad pa sa kanya ang dibdib nito. "Ayyy naku po!" Sigaw niya 

Nagulat si Fei kaya nawala ang kanyang panimbang sakto na sumubsob siya kay Lester at hindi lang 'yun, dahil nagtama ang mga labi nila.

Halos mandilat si Lester maging si Fei sa eksena nila.

At ang eksena ding iyon ang naabutan nang apat, lalu at ang kamay ni Lester ay tila nakayakap sa likuran ni Fei.

Nalaglag ni Alex ang dala niyang mga papel..

"Gising pa ba ako?" Tila tanong ni Larry.

Kinurot siya ni Mark.

"Ouch." Daing niya.

"Kala ko talaga green minded na ako." Si Nathan.

Agad na umayos si Fei...

"My gosh!" Sigaw ni Lester at halos pagpagan ang sarili niya. "Uy, anu bang ginagawa mo dito? May balak ka bang—" pinutol na niya ang sasabihin at nakita ang mga kaibigan na nasa pintuan. Pansin niya ang makahulugang tingin ng mga ito. "Wag kayong green minded ahh."

"Hindi ko sinasadya, kukunin ko kasi ung pouch ko. Tulog ka naman at hindi na kita inistorbo. Kaso, para kang nakakita ng kung ano? Kaya ka nagsisigaw ka at nagulat ako." Paliwanag ni Fei

Napa crosshand si Lester. "Panu na di ako magugulat, bumungad kasi yang bundok mo." Ismid niya at tila naiiritang lumapit sa pintuan. "Tabi!" Sigaw niya sa apat.

Nagbigay naman ng space sila sa gitna kaya nakalabas na si Lester.

Kinuha naman na ni Fei ang kanyang pouch. "Ang feeling nang friend ninyo ahh, akala mo naman gagapangin siya." Sabay labas na din ni Fei sa pintuan at lumabas na din.

Natuwa si Alex at tila napapalakpak. "Pak na pak!" 

"Uy, anung pak ka diyan?" Tila tanong ni Larry.

"See, nakita ninyo ung... Tukaan." Sagot ni Alex.

"May boyfriend yata si Fei." Sabat ni Nathan.

"Ikaw alex, ikaw talaga ang greenminded sa amin." Si Mark.

"Aba, malay ninyo! Sa tukaan nag iistart, si Nathan nang matuka si Jill, si Larry na tinuka si Jackie. At si Mark, na tinuka na din si Alicia, eh ngayon... Si Lester na nakatuka kay Fei." Sabay kilig niya.

"Galing talaga nang naisip mo noh." Sagot ni Larry at unang pumasok.

"Kulang ka lang sa tulog." Tugon ni Mark na sumunod kay Larry.

Napatingins si Alex kay Nathan.

Ngumiti si Nathan at lumapit. "Tama ka dun, sa tukaan nag start. Pero pulutin mo na yang mga papel, baka lalu tayo di makapag work." Sabay tapik sa balikat ni Alex. At pumasok na din.

"Yes boss!" Sagot niya.




******



#AuthorCombsmania


Tunay Na Ligaya (Completed Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon