Chapter: 31

211 13 1
                                    

Tunay Na Ligaya

Chapter: 31

Hindi na nagawang umalis ni Lester sa tabi ni Alex, natanggal na ang bala nito sa katawan. Nasalinan din ito ng dugo, pero hindi pa din nagkakamalay. "Bakla ka, gumising ka na d'yan." Naiiyak pa din niyang sabi, napayuko na siya sa kama at hawak pa din nito ang kamay ni Alex. "Hindi ko akalain na ililigtas mo'ko, nakakainis ka." Naramdaman niyang gumalaw ang kamay nito kaya agad siyang nag angat ng ulo at tiningnan ito. "Alex?" 

Napadilat na si Alex, agad na bumungad sa kanya ang puting kisame. "Nasa langit na ba'ko?" 

"Anung langit! Nasa lupa ka pa din?" Inis na sabi ni Lester

Napatingin si Alex sa kanya. "Ang gwapong anghel naman ng bumungad sakin." Sabay ngiti ni Alex.

Napalingon si Lester at nakita ang bagong pasok na nurse, lalaki ito at talagang masasabing gwapo.

"Kaya pala nagising." Sabay crosshand ni Lester.

"Check ko lang po bp ninyo sir." 

"Ayyy , ang hurt mo naman. Ma'am po." Pagtatama niya dito.

"Sabunutan kaya kita noh!" Sigaw ni Lester 

"Kayo talagang dalawa, nag aaway pa din." Si Nathan na bagong pasok lang.

"Hindi na nabago sa dalawa." Sabat ni Larry.

"Kundi referee na naman ako sa inyo." Si Mark.

Ngumiti lang si Alex, nilapag na ulit ang kamay niya nang nurse at nakangiting umalis sa kwarto niya.

"Ang gwapo niya. ." Kinikilig nitong sabi.

"Magaling ka na ba talaga?" Nakataas na kilay na tanong niya kay Alex.

"Ewan ko lang, pero ma hurt pa likod ko." Daing niya

"Mabuti na lang, dumating din si Jasper kaya may nag donate ng dugo sayo."  Sabat ni Nathan at tumingin sa pintuan.

Napalingon si Alex, at nakita si Jasper. "Papa Jasper i miss you! Pero teka, dugo mo ang binigay mo sakin?" 

"Oo, may problema ba?" Tila tanong ni Jasper.

"Parang ang laki ng problema ko?" Nalungkot si Alex.

"Anung problema?" Imik ni Lester.

Napatingin din ang tatlo kay Alex.

"Dugo ni Papa Jasper ang nanalaytay sa aking katawan, Oh my G! Baka maging boy na din ako!!!" Tili niya.

Sinabunutan nang mahina ni Lester ito.

Inawat naman siya nang tatlo.

"Nagpapagaling pa yan." Awat ni Nathan.

"Pagkalabas na lang sa ospital mo sabunutan." Segunda ni Larry.

"Kaya, nga kahit bugbugin mo pa." Si Mark.

"Aray ko naman, parang di ko kayo friend ahh! Pinagtutulungan ninyo ako!" Reklamo ni Alex.

"Gaga! Iiyak ba kami kung hindi, nakakainis ka." Sabay lapit ni Lester at niyakap siya. "Salamat ahh!" 

Ngumiti lang si Alex at tiningnan si Lester. "Kahit lagi mo'ko sinasabunutan, o inaaway. Noon kasi na highschool tayo, tayong dalawa ung unang nagkakilala. Panahon na iniwan ako ni Mama at ng kapatid ko, ikaw yung tumayong kuya ko." Naiyak si Alex. "Kaya di ko carry, kapag may nangyari sayo Lester." Sabay iyak.

Muling niyakap ito ni Lester.

"Nakakainis kayong dalawa,  nakakaiyak kayo." Napapunas si Nathan sa kanyang pisngi at lumapit sa dalawa para yumakap.

"No no, i hate this...." Maarteng sabi ni Larry at yumakap na din.

"Naman sila, nagsisimula eh." Tugon ni Mark at nakiyakap na.

"Nakakatuwa talaga kayo." Wika ni Jasper.

Tumingin sa kanya ang lima. "Join us!" 

Natawa lang si Jasper at lumapit na para makiyakap na din sa lima.




*********


#AuthorCombsmania


Tunay Na Ligaya (Completed Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon