Chapter: 1

625 16 0
                                    

Tunay Na Ligaya

Chapter: 1

"Uwahhh!"

Halos mapatakip na si Lester sa iyak nang sanggol, "Uy Alex, tinimplahan mo na ba nang gatas ito!" Sigaw niya na may halong pagkainis, ayaw naman kasi matulog nang bata at eto sa kanila nakatoka ngayon ni Alex.

"Wait lang ha! Nagtitimpla pa ako!" Sigaw din ni Alex, matapos na takpan ang bote ay nagmamadaling lumabas, "Oh!" 

"Aba! Ikaw na magpadede, ang dami ko pang gagawin noh!" At agad na kinuha ang bata mula sa crib. "Sshhh, tama na ahh!" Saway niya sabay bigay niya kay Alex.

"Alam mo, nakakainis ka!" Ismid ni Alex at kinuha ang baby. "Tama na baby shan, di natin bati ang mommy lester." Bulong niya at inilagay na ang tsupon sa bibig nang bata, sabay tingin kay Lester. Pansin niyang busy nga ito sa mga papel na hawak. "Uy, Les! Naging mainitin na ulo mo, since ba 'yan ng maghiwalay kayo ni Brix?" 

Tumingin siya nang matalim kay Alex. "Wag mo nga mabanggit ang pangalan nun ah!" Inis niyang sagot, at muling binalik ang mata sa mga papel .

"Bakla, alam ko naman kung gaano mo siya kamahal. Kaso nga lang— ang mga lalaki para daw sa babae." 

"Alex, hindi ko hinihingi advice mo ah!" Mataray niyang sagot at lumingon, tumaas ang kilay niya. "So what kung ganun ang kasabihan, bakit gusto mo na din bang maging adan?" 

"Well, maybe."

"Uy gaga! Iiwan niyo na talaga ako!" Imik niya at napasimangot, nilapag niya ang papeles at bumuntonghininga. "Lahat naman, binigay ko kay Brix. Pinaliligaya ko siya." Tila malungkot niyang sabi. "Pero bakit ganun?" Sabay muling tingin kay Alex.

"Dahil nga, gusto pa din niya ng tunay na butas..." Giit ni Alex at pansin na natulog na si Shan, dahan- dahan na niyang inalis ang bote at inilapag sa crib.  Sabay muling tingin kay Lester. "Maiba pala tayo, anung feeling?" 

Tumaas muli ang kilay ni Lester. "Feeling nang ano?"


"Nang, ehemm ehemm. Plok-plok!" Sabay tawa ni Alex.


"Bastos mo, kadiri ka!" At halos magpagpag nang mga kamay si Lester. "Ewww kapag naiisip ko ang gabing 'yun." 


Natawa si Alex at lumapit. "Kadiri o masarap?" Pabulong nito.

"I try mo, para malaman mo ang feelings!" Sabay ismid niya.

"Weh! Syempre, lalabasan ka.... Tapos ma feel mo 'yun, habang tsugu-tsugu!" Muling tawa ni Alex.

Humarap siya at sinabunutan ito.

"Arayy ko! Talagang makakalbo na ako sayo!" Reklamo ni Alex.

"Talagang kakalbuhin kita!" Inis na sambit ni Lester.

"Ikaw naman di ka mabiro!" Sabay tingin ni Alex. "Pero anu nga?" 

"Gaga ka! Tumigil ka ahh!" Lumayo siya sa kaibigan at naiinis na naupo sa tabi. "Gaga kasi 'yun, nag feeling na boy... Yun pala! Gagahasain lang ako." Halos maiyak na naman siya ng maalala iyon.

"Tangeks, syempre alam mong wala siyang manoy. Eh bakit mo tinuloy?" 

Naiinis na lumingon si Lester kay Alex. "Di ko na matandaan."

"Uyyyy! Ayaw pa aminin, nagustuhan mo din." Muling tukso ni Alex.

"Isa pa alex, kukuha na ako ng gunting!" Sabay pandilat niya 


"Fine, fine! Duon na nga ako! "Pero natatawa pa din ito hanggang sa tumalikod.

Naiiling si Lester at muling naalala ang gabing 'yun.


***

Halos talagang nalasing sila ng kainuman niya, pero ang totoo alam na niyang babae ito. 

Napakwento ito sa pagiging heartbroken nito, malabong naiintindihan niya, pero isa ang pinaka tumatak sa isipan niya.

Bakit kaya nagbago ang kanyang mga kaibigan? Dahil ba iba pa din ang babae?  Kung bakit nga ba siya iniwan ni Brix? Dahil ba mas okay pa din ang babae? 

Napilitan siyang hawakan ang kamay nito at ilapit ang mukha sa bandang teynga nito. "Can we try?" Tanong niya, nadinig niya ang pagtawa nito at tila hinawakan siya sa mukha. Hinalikan siya nito sa labi, mariin. Passionate, at tila nagiging torrid. Gawa din siguro ng alak at pagkainis kay Brix ay tila tinugon niya ito.

At naganap nga ang dapat maganap, he was not  suprised  lalu at nagpaubaya ang babaeng naka one night affair niya at tila hindi na ito pinansin pa. Lumabas na lang siya sa Hotel, iniwan niya ito na natutulog. Tila kumuha lang siya nang experience at ganun nga pala ang pakiramdam.

****


Muling napailing si Lester kapag naalala iyon, "One night affair, pero sadly hindi ko na siya namukhaan." Bulong niya.

"Oyyy, iniisip niya." Tukso ni Alex.

Kinuha niya ang pillow na nasa set at hinagis kay Alex.

Natawa lang si Alex nang matamaan siya at tila agad nang umiwas...



******

#AuthorCombsmania


Tunay Na Ligaya (Completed Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon