Pawis na pawis kaming apat nila Lara sa bigay-todo at walang humpay naming pag sayaw. KJ si Rylie dahil hindi ako sinamahan nito sa pag sayaw. Nakabantay naman ang sila Keneth, Jared, at Dylan sa amin kasi sa sobrang hot daw namin ay para raw kaming pulutan sa mata ng mga tao rito.
Nung nag-iba ang tunog ng dj ay kaniya-kaniya kaming upo at inabutan ako ng tissue ni Rylie. Medyo na-tipsy ako sa dami naming nainom at nakahinga ng maluwag sila Dylan.
"Kanina pa kayo nag iinit sa pag sayaw kaya pag bigyan naman natin ang mga couples out there" sabi ng mga emcee.
"For our first dance may we call on our CEO and his wife" nag palakpakan kami at tumutok ang spotlight sa kanila. Rylie was about to get my hand
"And also may we call on the Queen and King of Hearst University Ms. Selene and Mr. Ryan" parehas kaming nagulat dahil di kami informed dito. Maging kaming lahat sa table ay gulat na gulat. Nakatutok na sa aming dalawa ang spotlight at napatingin ako kay Rylie para hatakin ako pero tumayo si Glynn at inabot ang kamay ko.
"Bilisan mo para matapos na" sabi niya ng mahina. Tumingin ako kay Rylie and he nodded.
Pumwesto kami sa tabi nila tito at tita. Hinawakan ni Glynn ang mga bewang ko and I distance myself dahil ayaw ko na talaga magkaroon ng any contact sa kaniya.
Nilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya and we dance. Nakatingin ako sa isang side at maging siya ay nakatingin din sa isang side.
"Wala na ba talaga?" he dare to asked.
"Oo, ikaw ang unang umayaw, ako lang ang tumapos" he nodded at hinatakhatak niya ako papalapit sa kaniya pero ako ang nalayo.
"Nakita ko kayo ni Rylie sa may Chinese garden at hinalikan mo pa siya kanina, kayo na ba?" I smirked at him.
"Paano kung oo? May magagawa ka ba? Don't act like you care dahil unang-una ikaw ang nauna" bumitaw ako sa pagkakahawak sa mga braso niya. Naglakad ako pabalik sa table ng sinalubong ako ni Rylie at bumalik kami sa gitna.
Marami na rin naman ang nag sasayawan at hindi na siguro halata ang naging alitan namin ni Glynn.
"Wag mo sayangin ang gabi mo dahil sa inis" bulong ni Rylie sa akin.
Halos nakayakap na ako kay Rylie at maging siya ay ganon na rin. Di ko maintindihan kay Glynn pero parang nag seselos siya sa nakikita niya.
"Selene anak, can you sing for us?" request ni tita na ikinagulat ko.
"Ma" suway ni Rylie sa ina.
"Minsan lang naman anak and besides Selene has a good voice" dagdag pa ng ama. Napatingin sa akin si Rylie.
Nagawa ko na rin naman ng una, why not do it again?
"Okay isa lang tita ha" ngumiti ako at parang nanalo si tita dahil pumayag ako.
"Any song will do anak" excited si tita at napangiti naman si Rylie.
"Anong kanta Ry?" tumawa siya at ngumiti ng nakakainis.
"Sana, I belong to the zoo" sinamaan ko siya ng tingin at tumawa naman siya. Pinag hahampas ko siya at lalo pa siyang nang asar. Agad itong tumakbo sa may DJ at inabisuhan ang mga emcee.
"Goodluck baby" bulong ni Rylie na matawa-tawa at hinalikan ako sa noo. Binigyan ko naman siya ng isang malakas na hampas.
"Ano meron?" takang tanong ni Maine. Tumawa si Rylie.
"Kakanta si Selene" nagtinginan naman sila at si Xyra ay mukhang na-excite.
Mukhang di sila makapaniwala sa gagawin ko. Tumigil ang tugtog at ang lahat ay nag upuan. Nag lagay na sila ng stand microphone sa stage at tumayo ako. Rylie gave me a thumbs up at binigyan ko siya ng irap. Tumayo ako at umakyat sa stage.
BINABASA MO ANG
Married to the Long Lost Princess
Teen FictionThe story of our fate... Hi please read my first ever story! Support me and I do my best not to disappoint you. Thank youuuuu. Love lots. -DMarupokk