Halos 'di ako mapakali sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gagawin.
Ayaw kong magmukhang mahina sa harap ng lolo ko at ayaw ko din masayang ang sinakripisyo ni kuya para sa akin.
"Maupo ka nga muna Selene nahihilo ako sayo" saway sa akin ni Rayne. Sita na tumayong nanay sa akin simula nang nakauwi ako dito sa Pilipinas. My brother hired her to guide and take care of me.
Hindi ko alam bakit pumayag si Rayne na magtrabaho pa eh isa ang pamilya nila sa mga pinaka mayaman hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo pa.
Naupo ako at kinuha ko ang alak na kanina ko pa iniinom. Bago ko pa mainom ay agad na kinuha sa akin ito ni Glynn. Sinamaan ko siya ng tingin at pilit na inaagaw ang iniinom ko sa kaniya pero siya ang uminom.
Kinurot ko naman siya at agad siyang napadaing. Hindi nag iinom si Glynn dahil mababa ang alcohol tolerance niya.
"Hindi ka makakapag isip ng ayos kung iinom ka. Kung iinumin mo 'yan, iinom din ako" kondisyon ni Glynn kaya agad na umikot ang mata ko sa kaniya.
Magkapatid sila ni Rayne, kung may nakakakilala man sa akin dito, silang dalawa yon at malaki ang utang na loob ko sa kanila. Kung wala siguro silang dalawa, hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon.
"He's right Selene, itigil mo muna 'yan at pilitin mo kumalma. Take a deep breath and release all the tension" wala naman akong nagawa kundi sumunod kay Rayne. I may be a badass bitch but when it comes to kuya and Rayne, I am nothing.
I have this situation that was not really normal. At the age of 10, my mom died and our dad abandoned us in the sake of his career. That's why, lolo Steven took us to live in the US and force us to be one of them.
My mom and dad is a famous artist all over the world. Nanalaytay sa dugo ko ang pagiging artista but mom didn't want us to be a performer. Why? She wants us to live on our own. She wants us to fly high with our own wings without thinking of any paparazzi or what behind us.
Unfortunately, mom died and our wings got broken. Lolo force us to be an artist but we don't want too. They hurt us physically and that's the reason why kuya gave up his own privacy for me.
Takas lang ang pag punta ko dito sa Pilipinas kaya hinayaan na lang ako nila lolo pero may kondisyon.
I need to get married a week before and after mom's 10th death anniversarry and I will manage the two companies of my family. Hindi ko man natuloy ang legacy in entertainment industry, I will continue the legacy of our family when it comes to business.
My problem is wala pa akong nahahanap na mapapakasalan. This is ironic, dapat lalaki nag hahabol na pakasalan ako hindi yung ako ang nag hahabol na magpakasal sila sa akin.
Argh!
I am considered as the World's Long Lost Princess but here I am looking for a guy that is rich and has a strong family tie.
"But I only have 2 weeks ate Rayne, I don't have time. Uuwi ang buong angkan namin next week, I am pressured and stressed" tinapik ni Rayne ang balikat ko at ngumiti sa akin ng onti.
"2 weeks is still a long time Selene, just do whatever I say and everything will be fine, okay?" napahinga naman ako ng malalim at tumango. Buti na lang nandyan si Rayne para ayusin ang lahat ng gusot ko.
Actually, kasalanan ko naman bakit nagkanda letse letse ang lahat ng ito eh. I am not ready to face this before at sadyang mabilis ang panahon para magahol akong ganito.
"Just take a rest, bukas na natin pag usapan ito. Bahala na muna ngayon si Ryan" tumango naman ako at ngumiti ng onti sa akin si Rayne tsaka umalis.
Alam kong stress na din si Rayne ngayon. Kung hindi si kuya, si Rayne ang taga salo ng kapalpakan ko.
BINABASA MO ANG
Married to the Long Lost Princess
Teen FictionThe story of our fate... Hi please read my first ever story! Support me and I do my best not to disappoint you. Thank youuuuu. Love lots. -DMarupokk