How I wish that mom is here on my special day. Nakaabang kaming tatlo ni daddy at kuya sa labas ng simbahan para maglakad sa gitna ng altar.
"I can't imagine that this day will come" panimula ni daddy pero wala sa amin ni kuya ang tumingin sa kaniya.
"What? That you will go back here?" pinitik naman ni kuya ang kamay ko bilang pag saway pero tumingin lang sa amin si daddy at ngumiti. Ngiti na nasaktan.
"You still a young girl nung iniwan ko kayo but now you've grown up as a beautiful and strong lady" pagpapatuloy ni daddy at di ininda ang sinabi ko.
"Skyler is creating a good image and reputation in media industry while my princess will be a good and strategic CEO of three companies. Will also be a good wife and time will come you will be a good mother" napabuntong hininga si daddy at nag aalangan na hawakan kami ni kuya dahil nakatingin lang kami sa kaniya pero ngumiti lang siya.
"Time flew so fast ang lalaki niyo na but still you are still my little prince and princess in my heart" napairap ako sa kadramahan ni daddy.
"Walang camera dito daddy. You don't need to act like that" mag sasalita pa sana si daddy pero bumukas ang pinto ng simbahan.
Mula sa kinaroroonan namin hanggang sa altar ay kitang-kita ko ang mukha ni Glynn. Mukhang nagulat siya sa kasama ko pero agad siyang ngumiti.
"Aren't you scared to this?" rinig kong tanong ni kuya at natawa ako.
"Why would I scared to this? This is the fate that I chose kuya" alam kong gusto kong tuktukan ni kuya dahil sa sagot ko pero pigilan niya ang sarili niya dahil madaming tao ang nakatingin sa amin ngayon.
"I mean, it's not impossible na maging mother ka. Are you ready?" pasimple kong kinurot si kuya sa tagiliran.
"Company at academic ang uunahin namin ni Glynn hindi pag aanak. Ano ba kuya!" inis kong sabi at natawa naman si kuya dahil alam niyang nakabawi siya.
"Para pa din kayong aso't pusa" tuwang sabi ni daddy kaya parehas kaming umayos ni kuya.
"Ikaw lang naman ang nagbago at nawala dad" banat ni kuya at pinitik ko ang kamay niya para umayos.
Napatingin ako sa altar at kay Glynn na nakangiti sa akin. This is my fate, my path that I chose. I will make sure that I won't regret it. I will make sure that Glynn won't regret sacrificing himself for this stupid contract.
Napatingin ako sa kaliwang side ng simbahan at nandoon ang pamilyang Lopez kasama ang mga piling pamilya nila. Tita and Tito smiled at me tsaka tumango at ngumiti din ako sa kanila. Nakita ko din ang pag irap ni Miney sa kanan na side. Halos lumundag ang puso ko nang makita ko ang dalawa kong lola na nakangiti sa akin. 50 steps away mula sa altar, my heart was beating so fast. Napangiti ako ng makita ko si Glynn na malapit. Ibang-iba ang mukha niya ngayon. Napaka presentable at elegante niyang tingnan sa white tuxedo na suot niya.
"Be a good and faithful wife to him princess. Hindi madali ang pinasok mo pero alam ko na wala kang gagawin para masayang lahat ng sakripisyo para mapunta ka sa sitwasyon na ito" napatingin ako kay kuya at diretso lang siyang nakatingin sa altar.
Kuya wants me to let go of everything that hinders me to be happy. He wants me to focus on Glynn, only to him. Ayon lang ang gusto niya bilang kabayaran sa sakripisyo na ginawa niya para sa akin.
Hinawakan ni kuya ng mahigpit ang kamay ko at ngumiti.
"I'm so proud of you" ngumiti ako kay kuya at alam kong napangiti din si daddy.
10 steps away and I can feel my heart exploding from extreme heartbeat. Mahigpit na hinawakan nila kuya at daddy ang braso ko as a sign of telling me na ito na. There's no turning back.
BINABASA MO ANG
Married to the Long Lost Princess
Teen FictionThe story of our fate... Hi please read my first ever story! Support me and I do my best not to disappoint you. Thank youuuuu. Love lots. -DMarupokk