"Scarlet gising na" napamulat ako sa pag tapik ni Glynn sa braso ko. Ngumiti siya sa akin at inalalayan niya akong umupo mula sa pagkakahiga ko sa couch.
"Kakauwi mo lang?" tumango siya at napatingin naman ako sa orasan. Sampung minuto na lang bago mag alas dose ng madaling araw. Halata sa mukha niya ang takot at nerbyos.
"Oo kinulong kami ni ate para di tumuloy sa reception kanina" natawa ako. Naiintindihan ko naman si Ate Rayne. Kahit ako nasa katayuan niya ay ganon din gagawin ko. Nag usap kami ni Ate Rayne na sapat ng nagtatrabaho silang dalawa para sa akin kaya pilit niya inalis ang pamilya nila sa pagpipilian.
"Ang ganda ng singsing mo ah, bigay niya sayo 'yan?" bigla siyang nagulat sa pag hubad ko sa singsing at may namuong luha sa mata ko.
"Hindi naman dapat ako ang may suot ng singsing na yan eh" sabi ko sa kaniya at pilit kong pinipigilan na tumulo ang luha ko.
"He has a girlfriend at sila dapat ang ikakasal. I ruined their life, I am a terrible person" niyakap naman ako ni Glynn at hinagod ang likod ko.
Lahat na lang nag sakripisyo para sa akin. Kailan ba ako lumaban na walang inaasahan? Wala pa. Nasanay ako na may laging nasalo sa lahat ng shits ko.
"Limang taon sila pero nasira ko yon dahil sa pagiging selfish ko" napabuntong hininga si Glynn. Sa lahat ng tao sa mundo kahit anong tapang ang ipakita ko natiklop ako kay Glynn. Hindi ko kayang umiyak sa iba pero pag kaharap ko siya kahit anong pigil ko ay talagang tutulo talaga.
"Wag mong sisihin ang sarili mo sa bagay na di niyo naman parehas ginusto" pinunasan ni Glynn ang luha na tumutulo sa mata ko.
"Huwag ka ng umiyak at alam ko naman na gagawin mo ang tama, you never failed me Scarlet" napabuntong hininga naman ako at napatango.
"Alam ko na para di ka malungkot" sabi niya habang nakangiti. Nagpunta siya sa may sound system at nagulat ako ng pinatugtog niya ang kanta na palagi namin napapakinggan.
"Can I have this dance?" alok niya at nilahad niya ang kamay niya sa harap ko habang patuloy sa pag tugtog ang Unchained Melody by The Righteous Brothers.
Kinuha ko ang kamay niya at nilagay sa batok niya habang ang mga kamay niya sa bewang ko.
Oh my love,my darling
I've hungered for your touch
A long, lonely time
Time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine?
I need your love
I need your love
God speed your love to meNapapikit na lang ako habang dinadama ang bawat ritmo ng kanta. Humigpit ang pagkakahawak ni Glynn sa bewang ko at napatingin ako sa kaniya.
"Huwag ka na ulit iiyak ha, 'di ko kaya" bulong niya at kakaibang kabog ng dibdib ko ngayon dahil sa sinabi niya.
-
Ilang araw na nagpapabalik-balik si Dylan sa bahay kasabay non na di na pag punta madalas ni Glynn. Hindi na rin niya ako kinakausap ng ayos at kung magkakausap man di siya makatingin sa akin ng diretso o di naman kaya ay iwas na iwas.
Nalaman ko din na matagal na pala magkakilala sila Glynn at Dylan. Sa katunayan nga eh matalik silang magkaibigan kaya nung nagkita sila ay parehas silang gulat na gulat.
Hindi mahirap makilala si Dylan medyo may pagkainisin siya pero hindi siya mahirap kausapin. Madali siya mauto at wala siyang ibang kinukwento kundi ang girlfriend niya. Iniisip ko na nga na baka kinokonsensya niya ako kasi power couple sila, yung tipong against all odds. Hindi kasi tanggap ng daddy ni Dylan ang relasyon nila dahil nasa mahirap na pamilya lang ang babae.
BINABASA MO ANG
Married to the Long Lost Princess
Teen FictionThe story of our fate... Hi please read my first ever story! Support me and I do my best not to disappoint you. Thank youuuuu. Love lots. -DMarupokk