Chapter 1

17 0 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Rise and shine princess!" hyper na sabi ni Glynn habang binubuksan ang kurtina sa kwarto ko.

Minulat ko ang mata ko at nakita ko na ngiting-ngiti siya dahil nanalo na naman siya sa pang bubwiset sa akin kagabi.

"Huwag mo kong umpisahan Glynn Ryan umagang-umaga" natawa naman siya at di ko inintindi ang mga sinasabi niya kaya tumingin ako sa phone ako at 9 am pa lang ng umaga.

Ang agaaaa paaaaa

Nagtaklob ako ng kumot at dumapa. Naramdaman ko naman na tumalon si Glynn sa kama ko at tinanggal ako pagkakatalukbong ko sa kumot.

"It's soooo eaaaarlyy Glyyynn Ryaaaan!" inis na sabi ko sa kaniya hinagod naman niya ang buhok ko at alam niyang doon ako pinaka inaantok.

"Walang problema sa akin kahit anong oras ka gumising Scarlet, alam mo yan pero kay ate? Di ko lang alam hehehe" sabi niya kaya agad na napamulat ako.

"Why so early?" tamad na tamad kong sabi. Kapag naabutan ako ni ate Rayne na tulog pa, I'm sure mag wawala na naman yon na parang nanay at parehas na naman kaming dalawa ni Glynn mapapagalitan.

"After lunch niyo imemeet yung mga family na pag pipilian mo kaya mag ayos ka na" napakamot na lang ako ako sa inis dahil literal na tanghali na talaga amo gumigising.

"Sasama ka sa amin?" umiling siya.

"No, may iba akong aasikasuhin" tumango naman ako at biglang bumigat ang pakiramdam ko.

"Mag asikaso ka na, wear something formal okay? Mga damit mo pa naman hapit na hapit" panenermon niya ulit at inirapan ko naman siya.

"Nyenyenye whatever" bumangon na ako at nag unat-unat.

"Bilisan mo na tapos bumaba ka na nagluto na ako" sabi niya at umalis.

Ginawa ko ang morning routines ko at nag ayos ng konti. I wear a simple white dress na may onting accesories at white heels na din tsaka light make-up.

Bumaba ako at sakto naman na nasa dining na si ate Rayne. Nakatingin sa akin si Glynn at sinamaan ko naman ito ng tingin kaya natawa si Glynn.

"Nag away na naman kayo noh? Tsk! Kayo talaga mga bata kayo. Kumain ka na Selene, aalis na rin tayo right after" tumango naman ako at kumain kaming tatlo.

Nag kukwento si Rayne tungkol sa aso niya na nawala kagabi at hanggang ngayon di pa rin nakikita.

"Hindi pa rin alam ni Dale na nawawala si Chuchay kundi mapapauwi 'yon dito sa Pilipinas ng wala sa oras" halata sa mukha ni ate Rayne ang stress at lungkot. Tinapik ni Glynn balikat ng ate niya.

"Babalik din si chuchay ate baka gusto lang manligaw kaya umalis muna sayo" biro ni Glynn at napailing na lang si Rayne sa kapatid niya.

Pagkatapos namin kumain ay nag bilin si ate Rayne kay Glynn sa mga aasikasuhin nito ngayong araw. Siya pala ang hahanap ng church at reception dahil alam ni Glynn ang taste ko.

"Magpakabait ka doon ha Scarlet, 'wag mo muna stressin ang magiging asawa't manugang mo" bilin din sa akin ni Glynn at niyakap ako. Alam niya kung gaano ako na pe-pressure at nate-tense ngayon. Huminga ako ng malalim at napapikit, hinagod niya ang likod ko at tinapik ito.

Bumusina na si ate Rayne kaya pinag buksan na ako ni Glynn ng pinto ng kotse. Nakatingin lang si ate Rayne sa aming dalawa.

"Ingat sa pag da-drive ate" paalala ni Glynn at tumango naman si ate Rayne.

"Ikaw din" tipid nitong sagot at ngumiti sa atkin si Glynn tsaka umalis na kami.

Kahit puros pang bubwisit lang ginagawa sa akin ni Glynn siya ang nakakapagpa-kalma at nakaka uto sa akin.

Married to the Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon