11

372 8 3
                                    

ADDISON POV

"Sana pala sinama ko nalang kayo"

"Ok lang naman kami Addy eh" sabi ni Russell saka ngumiti sakin.

"Oo nga naman Addy" sang-ayon din ni Jewel.

"Anong Ok ha ,sinapal ka nila kanina Jewel nakita yun ng dalawang mata ko" naiinis ako kasi hindi man lang nila kayang ipagtanggol ang sarili nila. "Sorry,dahil sakin nadamay pa kayo" nakayuko kong sabi.

"Bakit ka naman nagsosorry Addy?" takang tanong ni Russell.

"Dahil may gusto sila kay Dark, at nakita nila akong pumasok noon sa office niya"

"Addy hindi mo naman kasalanan kung ganyan sila mag-isip, saka mas gusto ko si Dark para sayo" bat may tukso pa Jewel.

Nandito kami ngayun sa canteen,hindi muna kami pumasok sa next subject which is math,wala naman kasing class kaya pweede kaming tumambay dito. Hindi narin kasi ako pumupunta sa office niya kaya wala kaming ibang matambayan, minsan kapag sumisilip ako sa classroom namin nakikita ko yung butler niya mukang hinahanap ako kapag vacant time noon namin, hindi kasi ako pumapasok noon patapos ang nangyari sa P.E. subject namin kaya tudo iwas ako pero minsan sumusilip ako kapag may time baka kasi kung ano ang gawin nila Marytes sa kanila ni Russell.

"Nga pala Addy kailan malalaman ang scores niyo?" biglang tanong ni Jewel.

"Mamaya sigurong hapon" sagot ko

"Sana mapili ka"

"oo nga"

Nag-uusap lang kami habang kumakain ng biglang may tumawag sa gilid ko. "Miss Williams pinapatawag po kayo ni Mylord" magalang na sabi nitong butler niya. Ano naman ang kailangan niya pagkatapos niya akong sungitan patawag-tawag niya ako.

"Tara" aya ko pero taka ko naman tinignan sila Russell. "Hindi kayo sasama?"

"Ikaw nalang kakahiya ,ikaw lang naman ang pinatawag eh" Si Jewel.

"Ako bahala tara" wala naman silang nagawa kundi ang sumama sakin, ayaw ko silang iwan baka mamaya dumating sila Marytes tapos pag-initan naman sila ayoko nun.

Nagng makadating kami ng office binuksan naman kami ng butler niya saka pinapasok doon. Nang makapasok kami ang tatlong kasama niya ang bumungad samin. Tapos nakita namin si Dark naka-upo lang sa swivel chair niya pero nakatalikod yun samin.

"nandito na pala sila" sabi nung mukang playboy ,halata kasi sa mukha niya may pakindat kindat pang nalalaman eh. Kaya napaharap naman samin si Dark,tapos deretsong nakatingin lang sa mga mata ko kaya agad ko naman yung iniwas. Bigla nalang kasing kumakabog ng malakas ang puso ko.

"Anong kailangan mo?" pinilit ko namang magsalita ng malamig kahit na sa loob ko sobra na akong kinakabahan.

"Lets talk" sarap talaga sakalin ng isang to,ikli palagi kong sumagot eh. "In private" dugtong pa niya.

"So hindi pala tayo makakarinig niyan" sabi ng kasama niyang lalaki ,habang sila ni Russell nasa likod ko lang.

"Bobo kaba private nga diba" sabi naman ng isa sabay batok kaya napa 'aray' naman siya.

"Saan mo gustong mag-usap?" wala akong pakealam sa mga kasama niya.

"Follow me" bwesit two words parin eh. Pina-upo ko lang muna sila ni Jewel at Russell sa dalawang single sofa kasi ang tatlo lumipat sa mahabang sofa. Tapos nun sumunod na ako kay Dark papasok sa isang room. Ngayun lang ako makakapasok dito kasi una sa lahat hindi ko naman alam na may pintuan pala dito sa mini kitchen niya. Hindi yun nakita nila Russell dahil kunbaga sa bahay nasa kusina kami habang sila naman nasa sala.

OBSESSIONWhere stories live. Discover now