Chapter 7

5K 178 13
                                    

Maaga akong gumising dahil pupuntahan namin ang kaibigan ni Bea,

Sa isang araw balik trabaho na naman ako.Nagluto muna ako ng almusal.
After kong kumain naligo na agad ako.Dadaanan ko na lang si Bea sa Condo niya.

Fuck!.

Nakalimutan ko pala mag report kay General Cruz!

Nagsuot na lang ako ng maiksing short at gray sando.Sinuot ko ang aking favorite boots.

Lumabas na ako ng aking Condo at bumaba na.

Pagdating sa garahe nakita ko si Ross,iisang condo building lang kami nakatira.

"Baby Ross!"-nakangising tawag ko sa kanya.

Aba! inirapan lang ako ng gago!

"Ross,sino kasama mo kagabi?"-nakangising tanong ko sa kanya.

"Grabe ka talaga Jenny!kulang na lang CCTV na ang mga mata mo!"-

Napatawa naman ako sa sinabi niya.

Puta!nahuli sa sariling bibig,hindi ko naman nakita na may babae siya kagabi.

"So,sino nga iyon?"-pangungulit ko sa kanya.

"Wala kang pakialam!"-

"Ay parang kilala ko iyon,"-

"Sana nag news anchor ka na lang,hindi bagay sa iyo ang pulis,chismosa mo talaga!"-Agad na itong sumakay sa kotse niya .

Tawa naman ako ng tawa.Bakit ang pikon na mga iyon?lalo na si Roice.
Ang saya lang pag ganito nambubwesit, napatawa na naman ako.

Shit!baka sabihin na nakakita sa akin baliw na ako.

Sumakay na rin ako sa aking sasakyan.

Dahil maaga pa naman dumaan muna ako sa restaurant ni Roice, nagutom na naman ako.Kunti lang kase kinain ko kanina.

Nagpark lang ako sa harap ng restaurant ni Roice.Napansin ko na may tatlong kotse na nakaparada din,kilala ko ang isa ,kay Ross yata ito.

Bumaba na ako at pumasok sa loob.

Nadatnan ko sa isang lamesa sila Ross,Lewis at Zack, pati na rin si Roice.

"Wow, tamang tama ang dating ko,pa libre naman!"-nakangising saad ko sa kanila.

"Magsasarado na kami!"-saad ni Roice sa akin.Napatawa ako.

Umupo ako sa bakanteng upuan at tinitingnan ko sila isa isa.

"Santiago nakita ko ang Jowa mo sa Italy,"-

"May pictorial siya doon!"-

"Parang hindi eh,Lewis kamusta naman ang run away bride mo?"-

"Are you a reporter?!"-

Napatawa ako sa sinabi ni Lewis Kingston.

"I'm not a reporter,pero mas magaling ako sa reporter,kahit maliit na sekreto ninyo kayang kaya ko aalamin"-nakangising saad ko sa kanila.

Bigla naman silang apat tumahimik.

"Miss?!"-tawag ko sa waitresses.

Lumapit ito sa akin.

"Yes, Ma'am?"-

"Pa order ng dalawang pulang itlog,isang jumbo hotdog at isang malapot na gatas"-

"Walang hiya ka talaga Jenny, magluto ka sa bahay mo dahil wala kaming ganyang Menu!"-

Narinig kong humagikhik ang waitress.

Laglag naman ang panga ng tatlong lalaking kaharap ko.

Humalakhak naman ako ng pagkalakas.

Assassin's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon