Ang sakit sa dibdib, parang bigla akong nanghina nang iniwan ako ni Garret at pinuntahan nito si Sabby.
Tinatamad akong tumayo kaya nanatiling nakaupo lang ako sa semento.
"Major?"
Napaangat ang ulo ko nang may nakatayo sa aking naharapan.
Si Lieutenant Roswell.
"Major, anong ginagawa mo?"
"Nagdadasal,"walang ganang sagot ko sa kan'ya.
Narinig kong mahina itong napatawa.
"Gusto mo ba ihatid kita?"ani niya.
Tumango lang ako.Hindi ko kaya mag drive, baka maaksidente pa ako.
Inaalalayan ako ni Lieutenant Roswell tumayo, siya na rin nagpagpag ng dumi sa pantalon ko.
"Bakit nandito ka?"mahinang tanong ko sa kan'ya.
"Pinapapunta ako ng mga kaibigan ko dito,"
Nakaramdam ako ng hilo nang nakatayo na ako, humawak ako sa balikat ni Roswell.
Matangkad ako, pero sobrang tangkad din ni Roswell.Napatitig ako sa mukha niya.Talagang maraming babae naghahabol, sa sobrang guwapo ba naman at dagdagan pa ang pagiging bolero.
"Major, baka matunaw ako,"ani niya na nakataas pa ang kilay.
"May girlfriend ka?"tanong ko sa kan'ya.
"No.Babae marami,"nakangising sagot niya.
Binatukan ko ito, pero bigla na lang hinawakan ang aking kamay.
"Thank you pala, alam mo bang proud na proud si Daddy sa iyo, lagi ka niya binibida sa amin, wala kasi kaming kapatid na babae kaya, ikaw yata ang favorite niya at gusto din niya na maging manugang ka,"nakangising saad niya.
Napangiti naman ako.
Seryosong nakatingin si Roswell sa akin.
"Hindi ka dapat sinasaktan, dapat minamahal ka.Nasa iyo na ang lahat,"mahinang saad ni Roswell sa akin.
Napairap naman ako sa sinabi ni Lieutenant.
"Gusto mo lang ako maka sex,"irap na sabi ko sa kan'ya.
Napahalakhak naman ito sa sagot ko.
Seryosong nakatingin ulit ako sa kan'ya.
"Kiss me,"mahinang saad ko.
"Ha?"nagtatakang sagot niya.
"Punyeta ka talaga! Sabi ko halikan mo ako!"diin na sabi ko.
Dahil hindi pa rin ito gumagalaw hinila ko ang damit niya at ako na ang humalik sa kan'ya.
Nabigla ito, pero kalaunay, gumanti ito ng halik ko.Dahil meron sasakyan na naka park sa tabi namin, sinandal ako ni Roswell.
Sa halik pa lang malalaman mo talaga na napakagaling niya.Nadadala na rin ako sa mga halik niya.Gusto ko lang kalimutan ang sakit ng nararamdaman ko.Bumaba ang halik niya sa aking leeg.Napatingala naman ako pero nagulat ako na bigla lamang may humila kay Lieutenant.
Agad naman napahiga si Lieutenant sa semento.
"Fuck you! Kahit police ka, hindi kita aatrasan!"galit na sinuntok ni Doc.Garret si Roswell.Dahil nabigla si Roswell hindi pa ito nakabawi.
May lumapit na mga guwardiya at bouncer.Agad nila hinila si Doc at itinayo naman si Lieutenant.
Dahil nakatulala ako, hindi ako tumanggi na hilahin ni Garret.Patulak niya akong ipinasok sa loob ng sasakyan.

BINABASA MO ANG
Assassin's Game
RomanceJenny Rivas- Nag iisang anak ng isang Mafia.Sumali sa isang sikat na Black underground Assassin's.Doon niya nakilala ang mga kaibigan na isa ring assassin's na sina Bea Santillan at Ann Walton. Misteryosa at maruming maglaro,lahat binabangga niya ka...