"Fuck! Ang sakit ng katawan ko,"bumangon na agad ako, nakapada si Doc.Garret, sobrang himbing ng kan'yang tulog.
Dahan-dahan akong pumunta ng banyo at nagshower.Dahil nilabhan naman ni Doc.ang damit ko at undergarments, iyon na lang din ang aking sinuot.
Kinuha ko ang aking baril at susi na nakapatong sa maliit na mesa.Lumapit ako kay Doc.Garret at hinalikan ito sa labi.
"Bye, love," mahinang bulong ko.
Lumabas na ako ng silid at bumaba na.Binuksan ko muna ang gate at inilabas ang aking kotse, bumaba ulit ako para isarado ulit ito.
Uuwi muna ako sa aking condo, pupunta ako ngayon kay General Cruz.Pagdating ko sa condominium building, nakasalubong ko si Ross Walton.
"Good morning, playboy,"ani ko na sinabayan ko pa ng kindat.
Hindi niya ako pinansin, nakatikim lang naman ako na nakakamatay na irap ni Ross.
"Suplado, akala mo naman malaki ang mandirigma!"sigaw ko, napangiti na lang ako na nagsalita ito.
"Grabe ka Jenny! Lahat na lang nilalait mo! Baka gusto mo makita, nang malaman mo kung gaano ito kalaki,"saad ni Ross sa akin.
"Sige nga, pasilip naman,"hamon ko sa kan'ya, alam ko naman na hindi niya kaya ito pakita.
"Manyak talag,"bulong nito na agad sumakay sa kan'yang sasakyan.Napahalakhak naman ako.
Sarap sa pakiramdam na may na bully na naman ako.
Agad na akong umakyat sa aking unit at nagbihis ng aking uniporme.Dadaan na lang ako sa restaurant ni Roice at doo kakain ng agahan, wala na akong time magluto.
Pagkatapos ko magbihis, bumaba na ako at dumiretso sa aking kotse.Hindi naman masyadong kalayuan ang restaurant ni Roice Walton.Sa harap mismo ng restaurant niya ako nagpark.
Pumasok na agad ako sa loob.
"Closed na kami!"bungad agad sa akin ni Roice.Napatawa naman ako.
Amputa! Kakapasok ko lang sarado na agad.
"Grabe ka Roice, magbabayad naman ako,"nakangising saad ko.
"Kailan? Hindi ko matandaan!"ani niya.
Tumawa na lang ako.
Umupo na ako at tinawag ang waitress.
"May libre?"agad na tanong ko.
Humagikhik naman ang waitress.
"Tubig lang po,"natatawang saad niya.
"Fried rice, sunny side up egg at hotdog ni Roice,"nakangising saad ko sa waitress.
Napatawa naman ito.
Limang minuto din ang paghihintay ko bago inihain sa akin.
Mabilisan lang din ako kumain dahil baka malate na ako.
Kumuha ako ng isang libo at pinatong na lang sa mesa.
"Miss iyong sukli sa iyo na,"nakangiting saad ko sa waitress.
"Thank you po ma'am Jenny,"masayang saad niya.
"Ano nga ulit name mo?"tanong ko sa kaniya.
"Savannah po,"Ani niya.
Tumango na lang ako at lumabas na.
Agad ko na pinaharurot ang aking kotse papunta sa office ni General Cruz.Dumaan muna ako sa presinto at kinuha ang files na dadlhin ko sa office.

BINABASA MO ANG
Assassin's Game
Roman d'amourJenny Rivas- Nag iisang anak ng isang Mafia.Sumali sa isang sikat na Black underground Assassin's.Doon niya nakilala ang mga kaibigan na isa ring assassin's na sina Bea Santillan at Ann Walton. Misteryosa at maruming maglaro,lahat binabangga niya ka...