Chapter 8

5K 151 9
                                    

Nasa presinto ako ngayon,balik trabaho na naman ako.Si Bea umalis papuntang US,ilang lang araw lang naman siya dahil balik trabaho na rin ito.

Titig na titig ako sa papel na hawak ko.Another case na ako na naman ang hahawak.

Napikit muna ako,panay din ang hilot ko sa aking sentido.

"Lieutenant, coffee break muna "-

Tumingin ako sa aking kasamahan.

"Sige una na lang kayo"-

Tinapos ko muna pag aralan ang isang  Case.Isang mataas na opisyal ito at ni rape ang anak ng kasambahay,pero kahit isa sa mga kasamahan ko sa Departamento takot pakialaman ang kasong ito.

Napingisi lang ako.Kaya hindi umuunlad ang bansa dahil nadadala minsan sa bayad ,kawawa ang mga inaapi na hindi makamtam ang hustisya.

Mayor Sancho? Tingnan lang natin kung hanggang saan ka makipag laro sa batas.Kapag hindi pa ito maasikaso agad ang kaso,ibabasura na ito ng Korte.Kakausapin ko si Lewis Kingston.Magaling na Lawyer ito kaso mas pinili ang mag manage ng negosyo nila.

Tumayo na ako.

"Po3 baka may maghahanap sa akin,pakisabi may importanteng lakad ako"-

"Copy , Lieutenant"-

Lumabas na ako ng presinto at dumiretso sa kotse ko.Nagbihis muna ako ng pantalon na maong at black sando.Naka uniform kasi ako.Hinubad ko rin ang black shoes ko at sinuot ang aking boots.

Dumiretso na ako sa bahay ng Biktima.

Medyo malayo ito.Pagdating ko sa lugar na iyon , bumaba na ako at nilagay ko sa aking tagiliran ang aking baril,nagtanong tanong muna ako.

"Nasaan po ang bahay ni Sonya Villa?"-Tanong ko sa isang ali.

"Ayan Miss,ang may maliit na tindahan"-

Dikit dikit ang pamamahay sa lugar na ito.Mag aalas singko na rin ng hapon at maraming nagtatambay sa gilid gilid.Halos lahat nakatingin sa akin.

"Hi,Miss Anong atin?"-nakangising saad ng lalaki, mukhang kurimaw ito.

"Manghuhuli ng walang silbi sa pamayananan"-nakangising sagot ko sa kanya.

Nakangisi rin  ito.

The fuck!isang maliit na sisiw lang ito kumpara sa mga big time drug lord na pinapatay namin.

"Gusto mo na--papaligayahin muna  kita?"-panay pa ang dila niya sa kanyang bibig.

Lumapit ako dito.

"Gusto mo ba mamamahinga ng matiwasay na panghabang buhay na?"-nakangising sagot ko sa kanya.

Hahawakan sana niya ako,agad ko itong tinutukan ng baril.

"You're wasting my time,kaya kung ayaw mo na kumalat sa lupa ang utak mo,tumabi ka sa dinadaanan ko!"-

Nanlalaki naman ang mga mata niya.Agad naman itong tumabi.

Bago ako tumalikod , nginisihan ko muna ito.

"Don't worry Mister,after ko tapusin ang kaso na hawak ko,lilinisin ko ang lugar ninyo,aalisin ko ang mga adik at walang silbi sa pamayanan"-

Pinuntahan ko na ang tindahan na tinuro sa akin ng Ali.

"Tao po?"-

Lumabas ang isang may katandaang babae.

"Ano po iyon, Ma'am?"-

"Kayo po ba si Sonya Villa?"-

"Opo"-

Assassin's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon