Chapter 12

5.4K 152 3
                                        

Maaga akong gumising, dahil kailangan ko makausap si Lewis.

Naligo muna ako, pagkatapos ko nagbihis lumabas na ako ng kuwarto.Pumunta ako sa kusina at naabutan ko sila Aling Sonya at Mang Carlo na nagluluto.

"Good morning po"-bungad ko sa dalawang matanda.

"Magandang umaga din sa iyo Ma'am Jenny"-

Ngumiti lang ako sa kanila.Tinimplahan ako ni Aling Sonya ng kape.

"Mang Carlo,Aling Sonya,ililipat ko muna kayo sa safe house,dahil kagabi may umaaligid sa pinto ng unit ko"-

Nakita ko ang takot sa mukha ng mag asawa.

"Huwag po kayo mag alala,kapag nakulong na si Mayor,maging okay na ang lahat,"

"Maraming salamat hija, ikaw lang ang may lakas ng loob para hulihin si Mayor,"ani ni Aling Sonya.

"Trabaho ko po ito"-tinapos ko ang pag kape at tumayo.

"Aalis na po ako,may pupunta po dito para sunduin kayo, huwag po kayo magbukas ng pinto dahil alam ng tauhan ko ang password ng pintuan"-

"Sige Ma'am"-

Bumalik ulit ako sa silid ko kinuha ang aking baril at susi ng kotse.Pagkababa ko may nakita akong dalawang lalaki na umaaligid sa parking lot.Napangisi ako.

Putang ina,ang agang bakbakan.Sumakay na ako at agad ko pinatakbo ng mabilis ang Sasakyan.Nakita ko sa side mirror na nakabuntot sila.Ang malas ng umaga ko.

Pinasibad ko ng mabilis ang kotse, napangiti ako nang hindi ko na sila namataan.Dumiretso muna ako sa underground.Alas nuebe pa lang naman ng umaga.Pagkapasok ko naabutan ko si Bry, Drake at Geo.

"Morning papa balls"-nakangising bati ko sa tatlo.

Hindi man lang ako nakarinig ng good morning pabalik sa akin.

Suplado ang mga taina!

"Geo,favor naman oh"-saad ko kay Geo.

"What is that?"-

"Check mo background ng mga galamay ni Mayor,"saad ko kay Geo.

"I want the information today,ipasa mo ang files sa email ko,"-seryosong saad ko kay Geo.Tumango naman si Geo.

Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na.
Sumakay na ako sa kotse, at pupuntahan ko si Lewis.

Pagdating ko sa sa Company ni Lewis,pinapasok agad ako ng Guwardiya.Kilala naman niya ako.

Lumapit ako sa sekretarya ni Lewis.Nagulat na naman ito na makita ulit ako,

"Si Kingston?"-Tanong ko.

"S-sa loob"-

"Sabihin mo na nandito ako"-

"S-sige"-

Tumitingin muna ako sa paligid habang wala ang sekretarya ni Lewis.

"Ma'am pasok na daw po kayo"-himala mabait na.Noong unang kita namin,tinarayan pa ako.

"Alright, Thanks"-

Agad na akong pumasok sa loob ng opisina.

"Morning, Lewis!"-nakangiti na bati ko.

"Ang aga mo,"-inirapan niya ako.

"Mahalaga bawat minuto ko,anong update na sa kaso?"-diretsong tanong ko agad sa kanya.

"Nakaipon na ako ng ebidinsiya at kapag okay na , huhulihin na si Mayor"-

"Good,bantay sarado na siya ng mga tauhan ko,baka kasi tatakas eh,kagabi may sumugod sa Condo ko,akala ni Mayor masisindak niya ako na ganun ganun lang!"-

Napalingon kami na may nag bukas ng pinto.

Napatawa ako.Si Kelly,na kapatid ni Kier.

Nakasimangot itong umupo sa Sofa.

"Problema mo, Kelly?"-Tanong ko.

"Wala,"-masama naman ang tingin kay Lewis.

"Tawagan mo na lang ako Lewis kapag okay na,"-

"Okay ,"-

"Kelly,alis na ako"-

"Sige, ingat,kamusta mo na lang ako kay Bea"-

Tumango na ako at tumalikod na.

Mag tatanghali na rin.Mamaya na ako pupunta sa rest house,punta muna ako sa hospital.

Pagdating ko sa Hospital,nagtataka ako na nandoon si Mayor.Nagtago ako sa gilid,nang lumiko na ito saka ako lumabas sa pinagtaguan ko.Lumapit ako sa nurse.

"Nurse,ano ang ginagawa dito ni Mayor Sancho?"-

"Hinahanap si Doctor Mariano,eh hindi naman din namin alam"-

Tumatango tango lang ako.

Lalo ka lang napaghalataan,Mayor!Iniisa isa mo na ang mga witness,pero mas tuso ako sa iyo,malapit lapit na,sa rehas kana titira.

"Salamat, Nurse"-

Pumunta na ako sa room ni Doc.Garret.Kilala ko naman ang nurse na sekretarya niya,dati kasi naging sekretarya ni Daddy.

"Hi,Sam,nasaan si Doc?"-tanong ko kay Sam,nag aasists ito ng mga buntis.

"Nasa ER siya,maya maya nandito na iyon"-nakangiti ito sa akin.

Umupo muna ako at pumikit.

Narinig ko na nagbukas ang pinto.Lumingon ako.

"Morning, love"-nakangiti na saad ko dito.

"Hi, morning"-

Ang guwapo talaga ni Doc.

Lumabas naman si Sam.Kaya Lumapit ako kay Doc.Kumandong ako dito.

"Pasensiya na kung umalis ako kagabi,nagka emergency kasi eh,alam mo naman ang trabaho ko"-

"It's okay,I understand,ahmm.. magtatrabho muna ako"-

Nakasimangot akong umalis,

"Hindi mo ako namiss?"-

"Kagabi lang tayo nagkita"-

"Doc?"-

"Yes?"-

"Virgin ka pa?"-

Tumingin ito sa akin.

"Ano sa palagay mo?"-

"Hindi na"-

Nagkibit balikat lang ito.

Tumunog ang watch phone ko.Si King.

"Doc.mamayang gabi dadayo ulit ako,aalis muna ako,isusuko ko na ang anting anting ko sa iyo "-kumindat ako dito.

Napanganga itong nakatingin sa akin.

Napatawa naman ako sa reaction niya.

Lumapit ulit ako dito at hinalikan siya.

"Akin kana ,Doc"-ngising saad ko at lumabas na.

Pupunta ako sa rest house.Magrereport pa ako kay General.

Shit!

Love life lang talaga kulang sa akin.

Assassin's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon