"Congrats,"nakangiting bati ko sa aking kapatid.
"Ikaw na ang sunod,"natatawang saad ni Gain sa akin.
"Next year, baka masukob tayo,"natatawang sagot ko.
"Aalis na ako, may importanteng asikasuhin lang ako,"ani ko kay Gaia.
"Nagpaalam kana kay Daddy?"tanong niya.
"Yeah,"ani ko at tumalikod na.
Lumapit muna ako sa lamesa nila Roice, kung saan nandoon lahat ang mga kaibigan nito.
Natatawa ako sa reaction ng mukha nila nang palapit na ako.
"Ang malas mo Roice na naging bayaw mo ako,"nakangising saad ko sa kan'ya.
Masama naman ako tiningnan ni Roice.Bigla na lang naging abala ang mga ito sa pagkain.
Napataas naman ang kilay ko.
"Bumili na kase kayo ng gayuma ko, nang hindi naman kayo mga mukhang Andress,"nakangising saad ko sa kanila.
"Bakit hindi mo subukan kay Garret,"mahinang saad ni Lewis.
"Solve na daw si Doc sa kepyas ko,"nang-aasar na saad ko sa kanila.Kanina kase inalok sila ni Z, sabi bibilhin, pero binawi agad ni Lewis.
"Ang bastos mo talaga Jenny,"ani ni Ross sa akin.
"Huwag ako Ross, kinain mo rin naman kay LC ah,"
Nanlalaki naman ang mga mata niya na nakatingin sa akin.
Lumapit muna ako kay Garret.
"Babe, mauna na ako, kita na lang tayo mamaya, pupuntahan ko muna si General,"ani ko at tumalikod na.
Hinalikan ko ito sa labi at umalis na.
Dumaan muna ako sa condo ko at nagbihis.Agad naman ako pumunta sa opisina ni General Cruz.
"Rivas,"
"Sir,"sumaludo muna ako sa kan'ya.
"Puntahan mo ngayon si General Fuentebella, gusto ka daw niya makausap,"ani ni General Cruz.
"Yes Sir!"agad na akong lumabas at dumaan sa table ni Kurt.
"Pupunta ako ngayon sa Office ni General Fuentebella,"ani ko kay Kurt.Si Kurt at Roswell ay anak ni General Fuentebella.
"Ganoon ba,"ani ni Kurt.
Tumango lang ako at lumabas.Mabilis lang ako nakarating sa office ni General Fuentebella.
"Sir,"agad akong sumaludo.
"Sit down, Lieutenant Rivas,"
Agad ako umupo sa harap ng kan'yang lamaesa.
"Alam kong isa ka sa mga tapat at magagaling na pulis, gusto ko i-promote ang isang katulad mo bilang isang Major sa department mo,"
Nanlalaki naman ang mga mata ko.Napalunok ako.Alam ko may kapalit na naman ito.
"At gusto ko hawakan mo ang kaso ni Darwin Coloner,"
Biglang umurong ang dila ko.
"Si Darwin Coloner ay tanyag na Drug and Guns sindicate,"
"P-pag-iisipan ko muna General, balak ko kase magresign,"seryosong sagot ko.
Nagtatakang napatingin ito sa akin.
"Mag-reresign ka?"
Tumango ako.
"Pag-iisipan mo mabuti Lieutenant Rivas, this is a big break sa career mo,"
![](https://img.wattpad.com/cover/282126719-288-k79535.jpg)
BINABASA MO ANG
Assassin's Game
RomanceJenny Rivas- Nag iisang anak ng isang Mafia.Sumali sa isang sikat na Black underground Assassin's.Doon niya nakilala ang mga kaibigan na isa ring assassin's na sina Bea Santillan at Ann Walton. Misteryosa at maruming maglaro,lahat binabangga niya ka...