Special Chapter

8.8K 220 15
                                    

Akala ko magiging isang matandang dalaga na ako.

Well..hindi pala.

Marami na ako naabot.Siguro, pagbigyan ko naman si Doc.Nagresign na ako bilang isang Major, alam ko naman na mas marami pa ang mas deserving kay'sa sa akin.

Naging abala na kami sa aming nalalapit na kasal.Umuwi na agad si Daddy sa Pilipinas.

Ang bilis lang ng araw dahil ito na ang araw ng aking kasal.

Yes.This is my big day.

"Jen."

Ngumiti akong lumapit kay Daddy.

"Masaya ako na lumagay ka na rin sa tahimik anak."

Mangiyak-ngiyak akong nakatingin kay Daddy.

"Thank you Dad, tama ka, mas importante ang pamilya kay'sa sa ibang bagay."

"Huwag mo pagsisihan ang pagbitaw mo sa pagiging isang Major, mas masarap pa rin mamuhay ng tahimik at masaya na walang iniisip kundi ang pamilya mo lang."

Niyakap ko si Daddy ng mahigpit.

Narinig na namin na nagsalita ang emcee, umayos na kami ng tayo, ihahatid ako ni Daddy sa altar.

Lahat ng mga kaibigan ko nandito.Dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa altar kung saan naghihintay sa akin si Doc.

Pagdating namin sa unahan, agad akong ibinigay ni Daddy kay Doc.

"Garret, nagpasalamat ako sa iyo, dahil ikaw lang ang nagtiyaga sa anak ko."ani Daddy.

Napatawa naman ako.

"Thank you Sir, huwag kayo mag-alala, mamahalin ko ang anak mo nang higit pa sa pagmamahal mo."

Ngumiti naman si Daddy.

Agad na kaming pumunta sa harap ni Father.

Wala sa isip ko ang sinasabi ni Father, ang iniisip ko ay nakalimutan ko pala magsuot ng panty.Dahil nga nagmamadali kami ni Gaia.

"Wala pala akong panty."saad ko kay Garret.

"W-what? H-huwag ka maingay."nahihiyang saad ni Garret.

"Nakalimutan ko nga mag-suot."pangungulit ko sa kan'ya.

Narinig ko na nagtawanan ang nasa likuran namin.Napalingon naman ako.Nakita ko si Z, nakayuko ito at tinatabunan ang palad ang kan'yang mukha, si Ann naman, pulang-pula ang mukha.

Humarap ulit ako kay Father.

"Nakakaantok pala, ang tagal magkiss the bride."inip na inip na saad ko kay Garret.

Napansin ko na may tinanggal si Garret sa damit niya.

Tumingin ito sa akin.

"Alam mo bang may lapel ang gown mo? Jenny naman, may maliit na mic sa gown mo, lahat na sinasabi mo, rinig na rinig ng lahat."mahinang saad ni Doc.sa akin na naiinis na.

Punyeta kaya pala! Kaya pala na mamamatay na kakatawa ang mga kaibigan ko.

"Puwede na ba natin ituloy ang seremonya?"nakangiting tanong ni Father sa amin.

"Father puwede i-short cut mo na lang, sa kiss the bride din matatapos."ani ko.

Napaubo naman si Garret.

Napapailing na lang si Father Rio.

Sa haba-haba ng seremonya ni Father Rio, sa wakas natapos na rin.

"Congrats."nakangising saad ni Z sa akin.

"Congrats."ani ni Ann.

Binati rin ako ng iba ko pang mga kaibigan.

Assassin's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon