May nakita akong maraming dugo.Maraming patay.Nasaan ako?
"Bea?"
"Ann!"
"Nasaan kayo?"
"Drake? Geo?"
Shit!
"Bry? Putang-ina huwag niyo ako pagtataguan!"
Madilim! Bakit sobrang dilim?"
Lumakad ako papunta sa kagubatan.
Hindi ko alam pero parang hinahatak ang paa ko papasok sa gubat.
"Jenny!"
Nakarinig ako ng isang boses na tinatawag ang pangalan ko.
"Jenny! Please !"
Tumakbo ako papunta sa taong tinatawag ako.
"Hey, nandito ako,"nakangiting saad ko sa kanila.
Pero hindi nila ako pinapansin.
Bakit umiiyak sila? May nakahiga sa lupa at iniiyakan nila ito.
Lumapit ako.
Nanlalaki ang mga mata ko.
Bakit nandiyan ang sarili ko? Duguan at walang buhay!
No!
"Bea, nandito ako! Ann, hoy ano ba!"
Hindi nila ako naririnig.
Anong nangyari?
Ang huling naalala ko, sumugod kami sa hideout nila Rosales, tapos, tapos binaril ako ni Grace, shit! Hindi puwede!
Tiningnan ko ulit ang babaeng nakahiga.
Ako iyon! Patay na ako!
No!Hindi pa alam ni Doc.Garret ang katotohanan, kailangan ko bumalik sa kan'ya, aaminin ko rin na gusto ko siya.
Bigla na lang may humila sa akin.
"Huwag!"
Mahuhulog ako, hinila niya ako pababa.
"Daddy! Tulong!"
6 months later
Nakikiramdam ako sa aking paligid.Gusto ko imulat ang aking mga mata, nakakaramdam din ako ng pagkauhaw.
"D-dad?"mahinang saad ko pero nakapikit ang aking mga mata.
"J-Jenny! Anak!"
Narinig ko ang boses ni Daddy.
"Nauuhaw ako, t-tubig, please,"paos na boses na saad ko.
"Saglit anak,"
"Jen-,"
Hindi ko na narinig ang boses ni Daddy, nawalan ulit ako ng malay, bigla na lang nandilim ang aking paningin.
Hindi ko alam kong ilang oras ako nakatulog.Pakiramdam ko, hindi ko na maigalaw ang aking katawan.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Nakita ko kaagad si Daddy na tulog ito sa sofa.
"Dad?"mahinang tawag ko.
BINABASA MO ANG
Assassin's Game
RomanceJenny Rivas- Nag iisang anak ng isang Mafia.Sumali sa isang sikat na Black underground Assassin's.Doon niya nakilala ang mga kaibigan na isa ring assassin's na sina Bea Santillan at Ann Walton. Misteryosa at maruming maglaro,lahat binabangga niya ka...