Chapter 22

4.9K 153 4
                                    

"Anong balita Ann?"

Nandito ako ngayon sa restaurant ni Roice, tinawagan kase ako ni Ann.

"Si Baby Althea ay hindi pamangkin ni Doc.Garret,"ani ni Ann.

"Kung ganoon, may kumuha sa pamangkin ni Garret,"saad ko kay Ann.

"Yeah, sa palagay ko lang baka kalaban rin ang kumuha,"saad ni Ann.

"Saan natin simulan ang paghahanap?  Mahihirapan tayo alamin kung sino may hawak, lalo na kapag ang organisasyon ang may hawak,"namomoroblemang saad ko.

Nagkibit-balikat lang si Ann.

"Oo nga pala, birthday ni Daddy sa isang araw, punta ka, si Bea hindi yata makakapunta,"ani ni Ann.

"Sige, pupunta ako, aalis muna ako, may gagawin lang ako,"ani ko kay Ann at tumayo na.

Tumayo na ako at pero napatingin ulit ako kay Savannah.

"Oo nga pala Ann, Kailangan ko ang profile tungkol kay Savannah, email mo na lang sa akin,"

"Sure, mamaya ipasa ko sa iyo, baka makita mo si Sargeant Kurt Fuentebella, pakisabi message niya ako,"

"Okay,"tumalikod na ako at lumabas na at sumakay na sa aking Ducati, pupunta ako ngayon sa office ni General.

Pagdating sa presinto, agad na ako pumasok.

"Hey Kurt, message mo daw si Ann,"bungad ko agad kay Kurt Fuentebella.

"Ohh..okay, baka kunin ako isa sa security ni Senator,"ani ni Kurt.

"Baka, sige punta lang ako kay General,"

Pumasok na ako sa loob, kakatok sana ako pero nakabukas ng kaunti ang pinto.

May kausap si General sa telepono.

"Kill him! Sa isang araw, kaarawan niya!"

Ano ibig sabihin ni General? Kaarawan nino?

"Nauubos na ang oras natin, buhay pa rin ang mga sagabal sa plano natin, maghired ka ng hitman o isang Assassin!"

Puta! Masama ang kutob ko.

Agad na akong umalis sa pinto.

"Akala ko ba kakausapin mo si General,"ani Kurt.

"Babalik ako, nakalimutan ko pala ang files na ipakita ko kay General, alis muna ako,"

Dumiretso ako sa aking condo.Pagdating ko sa aking unit, agad akong pumunta sa computer ko.

Cheneck ko muna ang mga emails ko.Binuksan ko rin ang files na binigay ni General.Halos lahat na misyon binibigay sa amin ay mga matataas na profiled na sindikato.

Posible kaya si Senator Walton ang pinapapatay ni General.Pero imposible!

Kailangan ko makapunta sa kaarawan ni Senator.Hindi ko muna sasabihin kay Ann, dahil wala pa akong matibay na ebidensya.Tatay -tatayan namin si General, lalo na si Ann.

Huminga muna ako ng malalim.

Maliligo muna ako.After ko naligo nagbihis ako ng pantalon at t-shirt, kinuha ko ang aking black boots.Lumabas na ako sa aking unit at pumunta sa parking lot.Sumakay na ako sa aking kotse, at babalik ulit  sa presinto.

Pagdating sa presinto, pinark ko ang kotse ko sa tabi nang makita ko si General lumabas at kasama nito ang dalawang pulis.Agad ako bumalik sa sasakyan at pinaandar ko ito.Susundan ko ang kotse ni General.

Nakarating na kami sa Bulacan, malayo na ito sa bayan.Tumigil na ang kotse ni General, agad naman akong bumaba.Dahan-dahan akong lumapit at pasimpleng sumilip.

Assassin's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon