Dalawang araw hindi ako nagpaparamdam kay Doc.Garret.Naging abala na ako sa aking trabaho at wala na akong oras puntahan siya.At kapag siya naman ang pupunta sa condo ko, wala naman ako lagi at nasa trabaho.
Nakipagkita muna ako kay Savannah.Mamaya ko na lang pupuntahan si Garret.
"Hey,"bati ko kay Savannah.
Tumango lang ito sa akin.
"Patay na si Tanya,"seryosong saad ko sa kan'ya.
"Alam ko,"diin na sabi niya.
Napabuntonghininga ako.
"Si Grace, siya ang nagmasaccre sa kulungan kay Tanya,"saad ko kay Savannah."After ng kasal ng kapatid ko, aalis kami ni Z papuntang US, nandoon si Grace,"
Tumingin si Savannah sa akin.
Napapailing itong nakatingin sa akin.
"Si Grace ba talaga iyon?"nakangising saad niya.
Nagtatakang napatingin ako kay Savanna.
"W-what you mean,"
"Come on, pinaglalaruan na kayo ng kalaban.Dati kang miyembro ng World Squads, mahina na yata pang-amoy mo,"nakataas ang kilay na saad niya sa akin.
"Na comatose ako ng halos pitong buwan, kaya hindi ko alam kung anong nangyayari,"ani ko kay Savannah.
Nagkibit balikat lang si Savanna sa akin.
"Patay na ang kakambal ni Grace, right?"tanong niya.
Tumango ako sa kan'ya.Sinabi nga ni Gaia na patay na si Gretta.
"Okay, can I ask a favor?"ani ni Savannah.
"Sure, huwag lang malaking bagay na hindi ko kaya ibigay,"ani ko sa kan'ya.
"Huwag mo patayin si Grace, ibigay mo siya sa akin,"ani niya.
Napangisi naman ako.
"Nagbibiro ka ba?"nakangising tanong ko sa kan'ya.
"No.Mapagkatiwalaan mo ako Rivas, kapatid ko si kuya Bry at kuya Damon, nasa panig mo ako,"
"Bigyan mo ako ng reason kung bakit ibibigay ko sa iyo si Grace,"diin na sabi ko sa kan'ya.
"Saka ko na sasabihin sa iyo kapag hawak ko na siya.Kailan ang punta niyo sa US, para makasunod agad ako sa inyo,"
"Next week, after ng kasal ni Gaia,"ani ko.
Tumango lang ito.
"Sige, see you on next week"ani ni Savannah na sumakay na ito sa sasakyan niya.
Napatingin naman ako sa kotse ni Savannah na mabilis itong lumayo.
Kailangan ko kausapin si Z.Pakiramdam ko may mali.Tama si Savannah, pinaglalaruan na kami ng kalaban.Kahit ako naguguluhan na rin.Parang maraming Grace ang nagpapanggap.Iyong pinatay namin, kamukha din ni Grace, pero fake ito.
Si Savannah.Parang may alam ito.Alam kong mapagkatiwalaan ko siya.Magkaibigan sila ni Tanya at sigurado ako bago namatay si Tanya may sinabi ito kay Savannah.
Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta sa hospital.
"Hi Sam?"bati ko kay Nurse Samuelle.
"Hi Jen,"nakangiting saad niya.
"Nasaan ang boyfriend ko?"tanong ko kaagad sa kan'ya.
"Nasa loob, kausap si Sabby,"
Agad na akong pumasok sa clinic ni Garret, hindi na ako kumatok.

BINABASA MO ANG
Assassin's Game
RomanceJenny Rivas- Nag iisang anak ng isang Mafia.Sumali sa isang sikat na Black underground Assassin's.Doon niya nakilala ang mga kaibigan na isa ring assassin's na sina Bea Santillan at Ann Walton. Misteryosa at maruming maglaro,lahat binabangga niya ka...