Days and weeks past, nakaalis na si Daddy and mas lumalayo loob ko kay Daddy... sa buong family. Mas lumala sila ngayong Highschool na ako, sa school na lang talaga ako sumasaya. Sa bahay palagi akong nasa kwarto lalabas lang ako pag aalis o kakain pero kung meron sila Mommy sa bahay tsaka ako lumalabas ng kwarto. This house should be my home not prison but its not.
Mas gusto ko ng palagi akong late umuwi dahil sakal na sakal ako sa bahay. Mommy is always in favor to Ylicia eh napaka maldita naman habang tumatanda nagiging maldita ganun din si Yeona. Palagi silang magkaaway pero ang ending ako papagalitan pag nagkasakitan sila.
I miss Grandma Haizea! Hindi na ako madalas nakakadalaw... once a month na lang ata sa dami ng ganap sa bahay at school. I wish I live with her maybe I'll feel home with her not a prisoner.
✧◝(⁰▿⁰)◜✧
"Vienne! Punta ka ba?" Sambit ni Wynter.
"Syempre! Hindi ako mawawala madaming pagkain eh" masayang sagot ko.
"Kayo talaga basta pagkain go kayo palagi!"
"Dapat lang! Wag mo kalimutan ang shanghai ha!" Parang batang sambit ni Nia.
Nasa kubo kami ngayon dahil uwian na at pag-uusapan namin ang tungkol sa birthday ni Wynter sa December 3 na kasi! Maya-maya ay nauwi sa jamming ang pag pla-plano dapat namin. Saktong naidala ko ang gitara ko!
Tatakbo, tatalon
Sisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang panaginip lahat ng ito
O, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na wag ka nang lumihis
Tayo'y mag usap, teka lang, ika'y huminto
Wag mo kong iwan, aayusin natin 'to
Ang saya nila kasama kahit panandalian ay nakakalimot ako ng problema ko sa bahay. Bawat isa sa amin ay may kurba sa aming mga labi minsan ay may tatawa pa bigla-bigla ng napaka lakas.
Lapit nang lapit ako'y lalapit
Layo nang layo ba't ka lumalayo?
Labo nang labo ika'y malabo
Malabo
O, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na wag ka nang lumihis
Tayo'y mag usap, teka lang, ika'y huminto
Wag mo kong iwan, aayusin natin 'to
Ang daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?
Kahit ikaw ay magalit
Sa'yo lang lalapit
Kahit 'di ka na sa'kin
Nagtawanan kaming lahat ng matapos namin ang kanta. Nag jamming with asaran at kwentuhan pa kami hanggang magdilim na kaya napag desisyonan na naming umuwi.
Sana... next year sila pa rin kaibigan ko. Nung elem kasi wala akong permanenteng kaibigan hindi ko pa nga masabi kung ituturing ko ba silang kaibigan o nakasama o kakilala lang dahil madalas naman akong hindi belong sa grupo at may kasalanan din naman ako.
YOU ARE READING
Chasing Freedom In Misery (Junior Series #1)
JugendliteraturJunior SERIES #1 Yvaine Oceantheia ''Vienne'' Ishinikawa Guerrero is always the top student. She always need to be on top. But how long will she survive to be on that 'top' that her family expect her to be? Is all that misery will let her not to be...