Chapter 16

2 0 0
                                    

Life is really full of misery. Two months ago I tried to kill myself but God sent two angels to save me. I don't even know if I'm thankful that He sent them or disappointed that my plan got ruined. I did not plan it... its just my emotions were so high at that time.

My problems inside my family are getting worse. The pressure to be valedictorian now that I am a fourth-year student is really stressing me. One month left for us to enjoy the remaining moments as junior high school students.

Abala kami ngayon dahil ice-celebrate namin ang valentine's two days from now. Dapat bukas bago kami umuwi ay ayos na ang program.


✧⁠◝⁠(⁠⁰⁠▿⁠⁰⁠)⁠◜⁠✧


"Willow, what would you wear on Valentine's Celeb? Uniform or civilian?" I asked.

"Civilian, dress to be specific"

Tumango ako. Hindi pa rin kasi ako naka-decide. My friends decided to wear dress but I was hesitant. There's no point of me wearing dress, wala naman akong date after.

"Samahan mo ako bumili ng dress" Willow said.

"Hindi mo kasama yung jowa mo?"

"Nope. He has some errands to do raw eh" sagot niya.

Tumango ako. Nakapagtataka talaga hindi na sila gaano nagsasama this week samantalang dati halos hindi sila mapaghiwalay.


✧⁠◝⁠(⁠⁰⁠▿⁠⁰⁠)⁠◜⁠✧


"Vienne, doon tayo bumili" sabay turo sa tinutukoy niya. Napasapo na lamang ako sa noo ang mamahal ng clothes doon! Sabagay hindi naman ako bibili kung diyan lang naman, masakit sa bulsa ko.

I don't know why pero there's something inside me na sinasabing mag-ipon ako, malaki na yung naipon ko for sure dahil may natitira pa ako sa allowance ko and sa binibigay ni Grandma Haizea, Tito Matthew, and Tita Audrey.

"Vienne, anong mas bagay sa akin?" Tinaas niya yung tatlong red dress ma hawak niya.

"The middle one" sagot ko. Its color isn't too dark or pale. Also, its design is better than the other two.

"Ok. Thanks!" naglakad na ito papunta sa counter at hinintay ko ito sa labas na ng store.

"May bibilhin ka pa bang iba?" I asked.

"Hmmm" tumingala ito kaunti na parang may iniisip. "Let's eat muna. My treat!"

"Ikaw bahala" tinatamad kong sagot. Gusto niya sanang kumain sa McDo pero bigla ring nagbago isip niya buti na lang dahil hindi ko ganun ka-gusto ang McDo rin pero ayos pa rin naman siya.

In the end sa Max's kami kumain. Andami naming nakain dahil pareho kaming napagod kanina sa school but we know it will be all worth it. Napatagal kami roon kaya medyo gabi na rin kaya siguro tumawag si Tita Audrey kay Willow.

"Vienne, sunduin na lang daw ako nila Mommy dito para hindi ka na mas lalong gabihin pag nakauwi" she said.

"Okay" simpleng sagot ko. Malapit lang daw sila Tita kaya sila na raw ang susundo.

Sabay kaming pumuntang parking. Hindi kaagad ako umuwi dahil hinintay ko pang makarating sila Tita para sure na safe na si Willow.


✧⁠◝⁠(⁠⁰⁠▿⁠⁰⁠)⁠◜⁠✧


"Willow, nakalimutan mo itong isa mong binili" kaunti kong sigaw nang mahalata ko ang isang paper bag na naiwan nito.

Chasing Freedom In Misery (Junior Series #1)Where stories live. Discover now