"Next week is your 2nd Periodical Examination so please mag review kayo para makapasa lahat" ma'am Lai announced.
Gosh, our 2nd Periodic Exam is coming. Hindi na naman ako papatulugin ng konsensya ko kung hindi ako magre-review. Nasimulan ko naman ng gumawa ng reviewer ko kaya mas madali na lang ito para sa akin.
Being Highschool is not a joke. Nagre-review din ako noong Elementary ako pero kung tinatamad ako ay hindi ko na ito ginagawa at nagtitiwala nalang sa stock knowledge ko, nakakapasa naman ako. Pero ng mag highschool ako nagbago lahat, hindi na pwedeng magtiwala sa stock knowledge lang dahil nadagdagan ang mga subjects at mas maraming information ang naituturo.
Madami ring projects ang pinapagawa tuwing end of the quarter na kaya mas mahihirapan ang mga estudyante. Nung una ay nahirapan ako pero nasanay din ako sa sistema. Wala akong choice kundi masanay at tanggapin ang sistema dahil 'yon lang ang tanging paraan para makapasa.
"Guys, wanna come with me?" Pag-aaya ko sa kanila.
"Saan ba Vienne?" Agad na tanong ni Wynter.
"Library? I need to borrow some books and review na din siguro"
"Sige! Para hindi na tayo maghirapan mag review next week tsaka andami ring projects" singit ni Ice.
"Totoo yan, Ice. May reporting pa sa Friday sa Science tapos tatlo ba or apat yung projects?" Sagot ni Tine.
"Three, apat sana kaso pinalitan ni ma'am Twyla ng essay" sagot ko.
Madalas na silang ganyan, alam nilang may projects pero hindi alam kung ilan o kung anong gagawin kaya tinatandaan ko talaga para sa kanila. Madalas ay pare-parehong araw kami gumagawa para sabay-sabay kami makatapos pero minsan nauuna na ako.
Mahirap din pala maging Highschool pero ang sabi ng lahat ay eto raw ang pinaka-best dahil dito raw mararansan ang lahat. Siguro nga, unti-unti akong namulat pagtungtong ko ng highschool. Studying is hard, yes. But it was our way to success, it was the path that we should walk to. I'm still a first year I have a lot to experience in the future.
"Vienne, paano ulit kunin yung value ng x dito?" Nia asked. Hindi nga pala siya ganun katalino sa Mathematics pero she's willing to learn.
"Ganito kasi, simplify all the terms muna then combine all the same so ililipat mo sa kabila ito whole number that's why magiging positive siya tapos simplify mo ulit lastly divide both side dun sa katabi ng number nung x kaya makukuha mo yang x is equal to 177" pagpapaliwanag ko.
"Gets! Gets ko na, madali lang pala nakakalimutan ko kasi eh" sagot nito na parang batang nakuha ang pinakamahirap na tanong.
Almost all at our class don't love Mathematics because they said it was too hard and they hate equations and numbers. But why? Mathematics can be apply everywhere and everyday. I never doubt my capability at Mathematics I don't know why but by seeing the formula or equation I can literally learn it already without the teacher explaining it step-by-step.
Tine is also a Math lover and genius. Base on my own observations I see another Math genius in the other section his name was Forrest.
✧◝(⁰▿⁰)◜✧
I encounter him few times but I can't forget our encounter in the quiz bee. Ang section ko at section niya ang naglaban sa sa first place. Pareho ang score ng team namin matapos ang final round kaya may tie breaker at kapwa namin nasagot ang tanong na iyon gayudin sa pangalawa at ang pangatlo ay medyo nakakalito, kung nalilito ka pa rin sa mga negative at positive sign. Tumunog ang hudyat na tapos na ang oras namin para sagutan ito at sabay naming itinaas ang board na naglalaman ng sagot namin sa pagkakataong ito ay magkaiba na kaya naman labis na akong kinabahan pati si Tine. Pero alam kong tama ang sagot namin, tama 'di ba?
YOU ARE READING
Chasing Freedom In Misery (Junior Series #1)
Dla nastolatkówJunior SERIES #1 Yvaine Oceantheia ''Vienne'' Ishinikawa Guerrero is always the top student. She always need to be on top. But how long will she survive to be on that 'top' that her family expect her to be? Is all that misery will let her not to be...