Chapter 12

1 0 0
                                    

Andito ulit ako sa park dahil wala na naman akong kasama sa bahay at kakatapos ng 4th Periodical Examination namin. Wala ng tao rito kaya tahimik na.

Ang bilis ng paglipas ng araw. Parang kailan lang nung nag a-adjust ako sa pagiging first year ko at ngayon malapit na akong mag moving up.

Inenjoy ko ang katahimikan at kapayapaang nararamdaman ko sa park. Ipinikit ko ang aking mata nang dumampi ang hangin sa balat ko. Minsan ko lang maranasan ang ganitong kapayapaan at hindi pa sa mismong bahay ng mga parents ko.

Narinig ko na ang tiyan ko kaya napagdesisyonan kong pumunta sa ramen house kung saan ako pinunta noon ni Dylan. Halos ganun naman na ang routine ko magmula noong isinama ako ni Dylan doon.

Sobrang dalang ko lang naman makapupunta sa park at ganun na din sa ramen house. Pagkapasok ko ay umorder na kaagad ako. Nagulat pa ako nang si Dylan ang nag serve sa akin.

"Vienne, good to see you again here" sambit niya na may malawak na ngiti sa labi.

"Ah galing kasi ako sa park eh" sagot ko.

Nag kwentuhan lang kami about acads and rant sa mga subject. Sa dalas na rin naming magkasama ay kaibigan na rin ang turing ko sa kanya. Siya ang unang naging kaibigan kong lalaki ngayong highschool at pagkatapos ang bangungot na iyon sa akin. Magmula kasi nang mangyari iyon ay hindi na ako komportable sa mga lalaki lalo na kung malapit sila sa akin at tinitignan nila ako pakiramdam ko ay may gagawin silang masama sa akin. Kusang nanginginig at natatakot ang sistema ko.

I'm afraid of boys because of that bullshit. Nanginginig pa rin ako pag may tumitingin sa aking lalaki pataas at pababa. Hindi rin naman tuluyang naikulong iyong lalaki dahil hindi na naasikaso nila Mommy dahil busy sila. May kaya pala ang pamilya ng lalaking iyon kaya madali lang para sa kanyang makalaya sa kasalanang nagawa niya.

"Madilim na pala. May sundo ka ba?" putol nito sa iniisip ko.

"None, but I can manage" sagot ko naman. Sanay na akong mag-isa masyadong maaga akong namulat sa hindi makatarungang mundong ito.

"Hayst, wait lang ha"

"Why-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay tumayo na ito ay pumunta sa staff room ata nila.

Pagkabalik nito ay hindi na ito naka apron.

"Tara, ihahatid kita" sambit nito na malawak ang ngiti.

I was too stunned to speak. Nahihiya ako kasi hindi niya naman ako responsibilidad pero nasa harap ko na siya. Tatanggi pa sana ako pero kinuha niya na yung sling bag ko at hinila na ako patayo kaya no choice na akong tumayo.

"Malapit na pala ang recognition....anong balak mo?" Biglang tanong niya habang naglalakad kami.

"Uhm... ewan. Hindi pa ako pwedeng makampante since hindi pa lumabas results ng examination and also I need to know if I'm the top or not"

Tumango-tango ito. "Papasa ka at alam kong top ka, ikaw pa ba!" Sambit niya bago guluhin ang buhok ko.

At somehow....that give me assurance. Ngumiti na lamang ako bilang sagot.

"Election na pala next week" sambit niya. "Same partylist tayo ha? Aayusin nalang natin yung position na tatatakbuhan ng bawat isa" dagdag pa nito.

"Ok...same partylist. Mababang position lang naman gusto kong takbuhan eh. Ikaw ba?"

"Vice muna. For now, its Griffin time. It is also good for me to gain more experience so the other student will not question my capabilities being a leader." Makabuluhang sambit niya.

"Sabagay. Pero 'wag kang magpapa-apekto sa sinasabi ng iba, ha? Listen only to the people who know your journey not the people know you just by your name and some achievement of yours."

Chasing Freedom In Misery (Junior Series #1)Where stories live. Discover now