"I'm sorry I don't like you the way you do. Pero pwede namang friends" mahinahong sambit ko.
"Uhmm...sure! Punta na ako ha? Thanks!" Sagot nito.
Napabuntong hininga ito at tumango bago naglakad papalayo.
"Grabe ka naman sa kanya Ms. Yvaine Oceantheia" nasa likuran ko pala si Willow nang hindi ko namamalayan.
"Kanina ka pa?" I asked.
"Sasabihin ko sanang hindi but since I don't like to lie, yes!" Hayst. Palaging meron siya sa likod ko o gilid tuwing may nire-reject ako.
"You just rejected our basketball captain!" Exaggerated na sabi nito.
"Ano naman kung basketball captain? Mas mabuti na yun kaysa umasa siya"
"Hayst. Bakit pa nga ba ako maninibago eh ilang beses na kitang nahuling may nire-reject and same script"
"Tsaka wala pa akong 18. Gusto kong pag 18 na ako or naka graduate pag nag boyfriend ako" paliwanag ko.
"You're turning 16 this month so malapit ka na magka boyfriend? I mean ayos lang naman sa akin. But I know naman na you're into someone na" she chuckled.
"I'm not into someone" deny ko sa kanya.
Lumapit ito sa tenga ko "You can't lie to me Ms. Yvaine Oceantheia... Savellano" bulong nito. Nanlaki kaagad ang mga mata ko at ramdam ko ang pagtakas ng dugo sa mukha ko na ikinatawa pa nito. She look so satisfied.
"A-ano bang sinasabi mo Ms. Willow Ankhiale Andaya" bawi ko rito.
She chuckled. "At least ako boyfriend ko siya. Ikaw ay?" Nagkibit balikat ito.
"Sabi ko nga pag 18 ako magbo-boyfriend"
"Don't worry he likes you too. Aamin din yan!" She chuckled. Gosh. Magkaibigan kami ni Dylan. Doon lang.
Inaya ko nalang ito sa canteen para hindi na mapahaba ang topic na yun. Ayaw na ayaw kong pinag-uusapan ang ganoong topic.
Nagkita sa canteen si Willow at 'yong boyfriend niya kaya mukha na namang third wheel ako sa kanila! But may good side naman yun dahil libre lahat ng kinakain ko pag kasama ko sila kaya nakakatipid ako.
✧◝(⁰▿⁰)◜✧
"Luke, libre mo nga ako" sambit ni Lexi at umupo sa tabi ko. Mag-pinsan kasi sila kaya ganyan.
"Madami ka na ngang pera Lexi" sagot niya.
"Sige na, Ti.tus!" Pang-aasar nito.
Halata ko ang inis sa mukha ni Luke at humawak pa ito sa sentido niya "Lexi, ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na ayaw na ayaw kong tinatawag ako ng pangalang yan"
Inasar pa ni Lexi ng ilang sandali si Luke bago niya ito tuluyang ilibre. Halatang third wheel talaga ako dito. Naglalambingan sila Lexi at Leaf pati si Willow at Luke habang ako ay nag e-enjoy lang kumain ng libre nila.
Ganyan din kaya ako pag nagka- boyfriend na ako? Willow is right I'm turning 16 everyday I become closer and closer turning 18.
Natigil ako sa iniisip ko nang mapansin ang matalim na titig ni Luke kay Willow. Gusto kong tanungin bakit ganoon na lamang ang mukha niya ng mahawakan ang phone ni Willow pero ayaw ko namang masabihang pakialamera.
I observe his every move nothing violent happen but I can see Willow is scared. Halos maibaon na ang mga kuko nito sa palad niya.
Tila napansin din ito ni Nyla kaya nagsalita ito. "Malapit na atang mag time. Leaf, tara na" tumayo ito at sumunod ding tumayo si Leaf.
YOU ARE READING
Chasing Freedom In Misery (Junior Series #1)
Teen FictionJunior SERIES #1 Yvaine Oceantheia ''Vienne'' Ishinikawa Guerrero is always the top student. She always need to be on top. But how long will she survive to be on that 'top' that her family expect her to be? Is all that misery will let her not to be...