Chapter 15

1 0 0
                                    

Ang buhay ay parang alon nasa iyo kung sasabay ka sa agos ng buhay ngunit nasa iyo pa rin ang pasya kung hindi ka susunod sa alon dahil ito ay mapangabib. Ang pagsabay sa agos ay wala pa ring kasiguraduhang tama at makakarating ka sa nais mong paroonan. Nasa atin ang pasya kung sasabay o sasalungat tayo sa alon ng buhay. At ako, sa ngayon, pinipili kong sumabay muna sa agos ng along kontrolado kong buhay.

May kanya-kanya din tayong alon, nasa atin ang kontrol kung gaano kalakas o kahina ito. Kailangan lang natin ng isang taong makakaintindi hindi lang kalmadong alon ngunit sa nanganganib na alon din. A person who'll embrace our roaring waves in our own ocean.


✧⁠◝⁠(⁠⁰⁠▿⁠⁰⁠)⁠◜⁠✧


"Good morning class" bati ni ma'am Twy pagkapasok sa room namin.

Nag-usap kami patungkol sa Christmas Party. I suggest na we better plan it early para maayos at ma-settle na ang mga maaring problema.

The discussion started. After all of exchanging ideas, we're finally done. It was all settled and I hoped that it would go smoothly on that day.


✧⁠◝⁠(⁠⁰⁠▿⁠⁰⁠)⁠◜⁠✧


"Hindi ka ulit maglu-lunch?" Tanong ni Tine sa akin. Umiling ako bilang sagot.

"Vienne, is there a problem? Starving yourself isn't the answer" Sambit nito.

"No, I don't have. May aasikasuhin lang ako" sambit ko.

"Ok. Hindi ka ba naiinitan? Naka jacket ka na lang palagi" sunod na sambit nito.

"May electric fan and aircon sa room natin, Tine" I chucked to assure her.

Nagpanggap akong may nag text sa phone ko bago magpaalam kay Tine. Nang makalayo na ako ay nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga. Muntik na ako kanina. Napagod na kasi ako umiyak kagabi so I did it again.


✧⁠◝⁠(⁠⁰⁠▿⁠⁰⁠)⁠◜⁠✧


"Oh my. I'm sorry" agad kong saad sa nabangga ko. Gosh Vienne.

"Oceantheia, you ok?" Saad ng nabangga kong si Dylan.

"Uhm... Yes, of course. Ikaw? I'm sorry hindi kita napansin. Sorry talaga" sunod-sunod na sambit ko.

"I'm fine. Hmp" tinignan nito ang jacket ko bago tumingin sa mata ko na parang gustong makipag-usap.

"Nag lunch ka na? You look pale"

"No, may gagawin pa kasi ako" hindi na ako nagsinungaling dahil in the end ako rin naman magui-guilty.

"Tara sa Ramen House. Wala rin naman daw pasok mamaya so let's go. Treat ko" sambit niya. Since I trust him pumayag na ako dahil miss ko na rin kumain ng ramen. Gosh its so annoying alam niya paano ako mapapayag!

Pagdating namin doon ay siya na mismo nagsabi ng order namin. Hindi gaano katagal kami naghintay since wala gaanong tao mas madami kasi pag gabi.


✧⁠◝⁠(⁠⁰⁠▿⁠⁰⁠)⁠◜⁠✧


"How are you?" Bigla nitong sambit. Nagulat pa ako kaya napatigil ako ng ilang segundo saktong nagsusubo pa man din ako ng ramen! Hindi ako makasagot kaya tinuro ko yung ramen at nakuha naman ito kaagad ang ibig kong sabihin. Tinapos ko muna ang isinusubo ko at nilunok ito bago sagutin ang tanong niya.

Chasing Freedom In Misery (Junior Series #1)Where stories live. Discover now