Chapter 2

12 0 0
                                    

"Hi Grandma" bati ko sa kanya.

Bumisita ako ngayon sa bahay ni Grandma Haizea dahil linggo naman at wala akong ibang gagawin.

"Star, ikaw pala. Buti naman at napadalaw ka matagal na yung huling beses mo akong binisita eh" sagot niya habang nasa kusina.

Hindi ko sinabing pupunta pala ako dito. Buti nalang at saktong nagluluto siya ng meryenda. Hindi na ako nag doorbell kanina dahil nakabukas naman yung pinto.

"Oo nga, Grandma. Naging busy na kasi ako paano sila Mommy at Daddy kumuha ng tutor Monday hanggang Friday meron tapos pag Saturday yun daw ang araw ko para sagutan yung mga homework ko pero nagagawa ko naman na yung iba kaya nag-aaral nalang po ako ng Japanese writing at language and finally pag Sunday pupunta ako ng simabahan at pag hapon parang rest day na" pagkwe-kwento ko.

"Basta huwag mong papabayaan ang kalusugan mo, malapit na rin pala ang pasukan niyo" tatlong linggo nalang pala bago matapos ang bakasyon ko. Paniguradong magiging busy ako pag nagsimula ang pasok ko.

"Of course, Grandma" maikling sagot ko.

Natapos na siyang magluto at kumain na kami. Pagkatapos namin kumain ay sinabi niyang tuturuan niya raw ako mag piano kaya naman pumunta kami doon.

Gaya ng dati, kasabay ng pagtugtog namin ay ang aming pagkanta.

I get so weak in the knees

I can hardly speak

I lose all control

And something takes over me

In a daze, your love's so amazing

It's not a phase I want you to stay with me

By my side, I swallow my pride

Your love is so sweet

It knocks me right off my feet

Can't explain why your love me, it makes me weak...

Pagtatapos namin. Napakaganda talaga ng kantang ito. Kalmado lang ang pagkanta namin.

"Ang ganda talaga ng kanta, Grandma" humarap ako at ngumiti sa kanya. Ngumiti lang ito at tumango bilang pag sang-ayon sa akin.

Mabilis lumipas ang oras ng malapit ng magdilim ay nagpaalam na ako sa kanya dahil dadaanan ulit ako sa mall para bumili ng stock kong snacks. Madalas kasi akong magutom lalo na pag gabi.

Bata palang ako pero alam kona agad ang ginagawa ko dahil halos walang oras sila Mommy at Daddy sa akin. Minsan pag nakakaligtaan nilang mag grocery ay ako na rin gumagawa.

"Kuya, hintayin niyo nalang po ulit ako dito. Bumili nalang po kayo ng pagkain niyo" binigyan ko si Kuya Zander ng pera at umalis na.

Namili ako at dinamihan ito para hindi na ako mauubusan para na rin may ibigay ako sa mga anak ni Kuya Zander. Sumama kasi ako noing isang beses itong umuwi at ang babata pa nga ng mga anak niya, ang cu-cute nila.

Dumaan na rin ako sa Jollibee para mag take out ng snacks ko mamaya. Balak ko kasing manood.

"Kuya Zander, para po sa mga anak niyo yang naiwang bag diyan" tinuro ko ang bag at ngumiti. Nasanay na rin siyang binibilhan ko ang mga anak niya kaya nagpasalamat nalang ito at hindi na tinanggihan ito.

Pagkapasok ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto para mag shower. Nagsuot nalang ako ng blue padjama terno at nanood na.

Habang nanonood ay may narinig ako ingay ng sasakyan, paniguradong sila Mommy at Daddy na yun. Tinignan ko ang oras ay malapit na 12 AM. Wala ng bago minsan ay hindi na sila umuuwi kaya normal lang na hindi ko sila makita sa buong araw.

Chasing Freedom In Misery (Junior Series #1)Where stories live. Discover now