"May we walk on the right path to our desired destination. Happy graduation to us, my fellow graduates. Congratulations, everyone!" Everyone clapped at me after delivering my speech for our graduation in Elementary. You can see in everyone how happy they are. They smile from ear to ear and it reaches their eyes. After that, I go downstairs and go to my parents.
"Lets go home after this unnecessary things" Dad said with no emotion. Ngumiti nalang ako at tumingin sa paligid.
Nang ilibot ko ang paningin ko ay nakita ko ang mga magulang na bakas sa mukha nila ang saya at proud sa mga anak nila na kahit hindi pa sila 'Valedictorian' o pasok sa honor list. Napakasaya nila at sa sobrang tuwa pa ay niyayakap pa nila ang kanilang anak, may nagbabadyang mga luha rin sa ilang classmates ko or parents nila, at kumukuha na rin ng litrato. Nalungkot ako at nainggit sa mga nakikita ko sa paligid.
Buti pa sila masaya at proud ang parents nila kasi naka-graduate na sila. Samantalang ako, heto hindi man lang ako niyakap o sinabihan ng congrats. Ano pa bang magagawa ko kung hindi mainggit lang. Wala namang bago. This is their first time to attend my recognition or graduation ceremony.
"Vienne, let's go" Sabi ni Mommy at naglakad na sila ni Daddy palabas at sumunod ako.
Sumunod na lang ako kaagad dahil wala namang akong iba pang dapat maka-usap dito. I don't have friends here. They try to connect to me but I always refuse. Pag may kaibigan ka kasi sa classroom tatawagin ka nilang maglaro pero hindi pwede sa akin kaya hindi na ako nakipag kaibigan. Isa pa ay baka makita nila ang mga nakatago sa jacket ko. Ayokong mag-isip sila ng masama tungkol sa parents ko dahil alam kong kasalanan ko naman kung bakit ako mayroong ganoon.
Pagkalabas ay naroroon na ang sasakyan namin. Nandito na pala ang driver ni Mommy. Pagkapakos namin sa kotse ay walang nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay.
✧◝(⁰▿⁰)◜✧
"Watch your moves, Vienne. Our business partners and my family is there." pagpapa-alala sa akin ni Daddy bago tuluyang makapasok sa bahay. Sinalubong kaagad kami nila ate Bianca at ate Mia para kunin ang mga dala namin.
Pinapakilala na ako nila Mommy at Daddy sa lahat at sinasabing 'Valedictorian' daw ako. I don't care about my place but for my family and my father's family it is very special kaya naman ganyan sila Mommy at Daddy. Kaya pressure rin ako.
Mabilis lumipas ang oras at natapos na rin ang party. Buti nalang at natapos na dahil pagod na ako kaya naman dumiretso kaagaad ako sa kwarto ko at mag shower. Pagkatapos ko mag shower ay nag toothbrush na ako at nagdamit. Nag suot lang ako ng padjama at t-shirt na beige. Dumiretso na ako sa kama ko at hindi namamalayang nakatulog na ako.
Maaga akong nagising dahil naisip kong bisitahin si Grandma Haizea at Grandma Hebe. Si Grandma Haizea lang sana ang bibisitahin ko pero malapit lang din ang bahay ni Grandma Hebe kaya bibisita na rin ako.
Vienne:
Grandma, I'm going there.
Diyan na rin po ako kakainGrandma Haizea:
Okay. Ingat, Star!
After that naligo na ako, nag toothbrush at naghanap na ng damit. I wear a sky blue oversized shirt and jeans.
"Kuya, sa bahay po ni Grandma Haizea" sambit ko kay Kuya Zander, ang driver ko.
YOU ARE READING
Chasing Freedom In Misery (Junior Series #1)
Teen FictionJunior SERIES #1 Yvaine Oceantheia ''Vienne'' Ishinikawa Guerrero is always the top student. She always need to be on top. But how long will she survive to be on that 'top' that her family expect her to be? Is all that misery will let her not to be...