Day 12 ( spiritual leader)

18 0 0
                                    

Good day  po, welcome po sa Day 12..
let's start our Devotion po, ang topic po natin ngayon ay ang buhay ng isang spiritual leader.. bago po yan ay mag pray muna tayo sa pamamagitan ng panalangin na tinuro sa atin ng ating Panginoon..

Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At patawarin n'yo po kami sa aming kasalanan gaya naman namin na nagpatawad sa mga nagkasala sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. Sa pangalan ni Jesus Amen 🙏

Ang verse natin ngayon ay

Isaias 5:1-5

".Mayroong ubasan ang aking sinta,
sa libis ng bundok na lupa'y mataba,
kaya ako'y aawit para sa kanya.
2 Hinukay niya ang lupa at inalisan ng bato,
mga piling puno ng mabuting ubas ang kanyang itinanim dito.
Sa gitna'y nagtayo siya ng isang bantayan
at nagpahukay pa ng balong pisaan.
Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kanyang tanim ay magsipagbunga,
ngunit bakit ang kanyang napitas ay maasim ang lasa?
3 Kaya ngayon, mga taga-Jerusalem
at mga taga-Juda,
kayo ang humatol sa akin at sa aking ubasan.
4 Ano pa ba ang aking nakaligtaang gawin sa aking ubasan?
Bakit nang ako'y mamitas ng bunga,
ang aking nakuha ay maasim ang lasa?

5 Kaya ganito ang gagawin ko sa aking ubasan:
Puputulin ko ang mga halamang nakapaligid dito
at wawasakin ang bakod.
Ito'y kakainin at sisirain ng mga hayop.

Ngayon po ay pag uusapan natin ang buhay ng isang Spiritual leader..
tayong lahat ay tinawag upang maging spiritual leader dahil ang pagiging leader ay hindi lang s'ya para sa mga pastor, pari o ama. kung hindi maging ikaw at ako ay tinawag para mamunga, ito ang purpose kung bakit ka naging christian..
pero tulad ng aking sinabi noon na hindi mo kailangan na i pressure ang sarili mo sa mga bagay na ito kung hindi kapa handa dahil ang pagiging spiritual leader ay nagre-require ng maturity, kaya bago ka maging spiritual leader ay dapat mo munang i establish ang relasyon mo sa Diyos at magagawa mo lamang ito kapag i desire mo ang Holy spirit dahil ang holy spirit ang s'yang magtuturo sa'yo at magpapaintindi sa'yo ng bagay tungkol sa Diyos!!!!
tandaan, hindi pwede na manatili ka nalang palagi bilang baby christian dahil ang gusto ng Diyos para sayo ay mamunga at tumubo,

sabi ng ating Panginoon sa John 15:1
".I am the true vine, and my Father is the gardener."
Ang ating true vine at si Lord Jesus..
S'ya ang puno at tayo ang sanga!!!
kaya sa kanya tayo kumukuha ng lakas para matapos ang race na ito!!!
Lagi n'yong isipin na kapag nag base kayo lagi sa sarili n'yong lakas ay hindi kayo magtatagumpay .
kahit gaano pa kayo ka talented o ka talino ay wala yung silbi kung hindi n'yo iyon gagamitin para sa Diyos!

Magiging matagumpay lang ang ating faith kung naka connect tayo kay Lord!!!!
tulad sa ating verse ngayong gabi sa Isaiah 5:1-5

bakit nga ba naging maasim ang ubas????
Simple lang,
Dahil ito ay hindi connected sa DIYOS!!!!

Ang ubas na iyan ay nag rerepresenta sa mga pasaway na Israelita, dahil matapos silang iligtas, alagaan at mahalin pero ang ginanti nila ay sumamba sa kahoy at bato na inukit lamang ng kanilang kamay!!!
ibig sabihin ay ang sinamba nila ay ang kanilang sarili at hindi ang Diyos na s'yang nagligtas sa kanila mula sa pagkaalipin sa Ehipto!!!

Dahil roon ay wawasakin sila ng Diyos dahil sa kanilang pagsuway!
kaya tayo bilang mga true christian at tinawag para maging spiritual leader ay
dapat sa Diyos tayo magtiwala at wag sa sarili!!!

ang sabi sa Jeremiah 2:21
".I had planted you like a choice vine of sound and reliable stock. How then did you turn against me into a corrupt, wild vine?."

How to become a True ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon