Good day po,
welcome sa day 19
Ang topic natin ngayon ay parte ng aking Devotion ngayon na pinamagatang.. before you marryAng verse natin ngayon ay
Kawikaan 31:30Mandaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda, ngunit ang babaing gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay pararangalan.
Bago tayo mag umpisa, Let's pray muna ..
Father ...
Salamat po salita N'yo ngayon at sa pagkakataon na ito na makakapag aral na naman kami ng iyong salita
Nawa po ay tulungan mo kami na maunawaan at ma-apply ito sa aming buhay .
Patawarin mo po nawa kami sa aming pagkakasala .
Salamat po AMA ..IN JESUS NAME AMENSa buhay natin darating talaga tayo sa punto ng buhay natin na tayo ay pipili ng mapapangasawa pero bago ka mamili .
Alamin mo muna ang limang bagay na dapat mong malaman bago magpakasal..Una, maging matalino sa pagpili..
Sa pag pili ng mapapangasawa wag mo titingnan ang pisikal na anyo lamang nito .
Mas tingnan mo ang kalooban kasi kung maganda s'ya o gwapo s'ya ..
ay bonus na iyon sa'yo...
pero wag iyon ang gawin mong basehan!!!
Mas maganda parin na piliin mo ang babae o lalaki na may takot sa DIYOS!!!
Ang tao na totoo na naglilingkod sa Diyos at hindi ang nagkukunwari lang..
dahil may mga tao na nagpapakita na Kristiyano pero gumagawa parin ng sinadyang kasalanan!!!!
Kaya maging maingat kayo sa pagpili lalo na sa babae ..
Kasi kapag makapili tayo ng maling tao ay tayo ang kawawa.
tandaan..
Maraming babae ang binubugbog dahil sa selos ng asawa nila ..
kaya piliin mo ang lalaki na may tiwala sa'yo at hindi sobrang seloso .
Yung tipong wala sa lugar, dapat ay kilalanin mo muna ng maigi ang tao bago mo pakasalan ..Obserbahan mo muna ang ugali nito for 2 years o higit pa bago magpakasal at siguraduhin mo na malalim s'ya sa pananampalataya!!!!
Ang pag aasawa ay ang pinaka malaking desisyon na gagawin mo sa buong buhay mo, kaya dapat ay ipaubaya mo ito sa DIYOS..
hayaan mo na ang Diyos ang s'yang kumilos at hintayin mo ang conviction N'ya sa'yo
yung bang ang Diyos na mismo ang nangungusap sa puso mo na ..
".ANAK, S'YA ANG PILIIN MO!!!."Ikalawa'y ..
Wag kayo matatakot1 Juan 4:18
Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, ...lahat tayo ay may takot tama?
pero ang tanong ay paano natin ito nalalabanan???
tandaan na kapag tayo ay nasa DIYOS
Makakasiguro tayo sa kanyang pangako at malalabanan natin ang takot.
Isa ito sa mahalagang bagay na malaman natin bago tayo pumasok sa relasyon ..
Dahil alam natin na ang Diyos na may hawak sa ating buhay ay hindi tayo pababayaan at tatalikuran, kaya naman ay mapapanatag tayo na mamahinga sa kanyang pangako..How about ikaw???
Anong takot ba ang bumabagabag sa'yo at paano mo ito napagtatagumpayan????
Ang sabi sa 1 Juan 4:18
Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, ...Yes, tandaan,
kung tayo ay nasa DIYOS ay hindi tayo dapat matakot, kasi kapag tayo ay natatakot.
Ang ibig sabihin nito ay hindi pa ganap ang ating pag ibig, dahil sa katunayan ang takot ay kaugnay ng parusa ..
Kaya sikapin natin na mas mapalapit pa sa Diyos at labanan natin ang ating takotAyon sa Roma 8:28
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.Yes, tayo ay tinawag para sa kanyang layunin, kaya makakaasa tayo na tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako sa atin at maging ang layunin na inatas N'ya sa atin o ang layunin N'ya para sa atin..
BINABASA MO ANG
How to become a True Christian
SpiritualBago ka lang ba sa Christianity? at gusto mo mag grow sa iyong kaalaman patungkol sa ating Panginoon? o hindi kaya ikaw ay isang aspiring Christian leader na gustong mag turo at mag salita para sa Diyos? kung ganun... ay bagay sa'yo ang librong ito...