Day 69 (true courage)

14 0 0
                                    

Good evening po . Let's start our devotion po ..bago yan ay mag dasal muna Tayo sa pamamagitan Ng tinuro sa atin Ng ating Panginoon..

Pray

Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. Sa pangalan ni Jesus Amen 🙏

Ang ating verse po ngayon ay ..

Lucas 12:5
[5]Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapangyarihan ding magtapon sa impiyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan!
Mga kapatid.. marami sa atin na takot mamatay.  nakakatakot nga naman mamatay.  pero kapatid sa mga tunay na Kristiano ay di natatakot mamatay pagkat alam nila sa puso nila na ililigtas sila ng Diyos sa katapatan nila.

Maraming mga tao ang hindi nakakakilala sa Diyos at hindi alam ang katotohanan kaya namumuhay sa kasalanan.

at alam nyo na maraming di nakakaalam ng katotohanan kaya wala silang takot makipagpatayan pag napaaway. pero kung malalaman nila ang kaparusahang walang hanggang na katotohanan ay maaaring mamulat sila at magkaruon ng takot.

naisip mo ba na hindi naman pala matapang ang taong nakikipag bugbugan kahit marami ang kalaban. ang tunay pala na matapang ay handa mo na harapin ang katotohanan at handa mong ibuwis ang buhay mo para sa Panginoon at ikaliligtas ng iba.

mga kapatid itaya nyo ang inyong buhay kung para sa Panginoon. at alam naman natin na dapat di tayo matakot na mabuhay sa mundong ito kung may takot tayo sa Panginoon.
Mga Hebreo 10:36-39
[36]Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako.
[37]Sapagkat, “Kaunting panahon na lamang;     hindi na magtatagal, at si Cristo ay darating na.
[38]Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya,     ngunit kung siya'y tatalikod,     hindi ko siya kalulugdan.”
[39]Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak; kundi sa mga sumasampalataya sa Diyos at naliligtas.

1 Mga Taga-Corinto 16:13-14
[13]Maging handa kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Maging matapang kayo at magpakatibay,
[14]at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.

Maging handa kayo at magpakatatag sa pananampalataya. 
may mga tao na nalalayo sa pananampalataya? ano at bakit nalalayo?
minsan nalalayo ka sa pananampalataya mo kapag hindi mo na nabibigyan ng oras ang Panginoon.  ang hindi mo na binabasa ang mga salita niya.

nalalayo din ang isang tao kapag nahuhumaling sa isang bagay.
ang nalalayo din ang isang tao sa pananampalataya kapag hindi kinakaya ang pagsubok at ang Diyos ang masisisi.  at ang iba nagagawang kumapit sa patalim.

lagi natin isipin hanggat nasa mundo tayo . un inaakala mo na dinanas ng iba na paghihirap ay hindi pwdeng maranasan mo. hanggat nabubuhay tayo may darating na pagsubok upang subukin din ang ating katatagan sa buhay.
bilang mga Kristiyano susubukan kadin kung hanggang kaylan ka tatag sa katapatan mo sa Panginoon.
lagi kayong maging tapat sa Panginoon mga kapatid, ang buhay na walang hanggan ay sobrang ganda kesa sa mundong ito. at kung hindi tayo magiging tapat sa Panginoon, tayo na ang pinakakawawa sa mundong ito.

lagi n'yong isipin.  mas makakatakot ang mamatay ng nabubuhay sa kasalanan .at ayan ang dapat nyong katakutan.
hindi ka matatakot at payapa ang mundo mo kung ang mga lakad mo ay patungo lang sa Diyos. kaya wag kayo magsasawa sa paggawa ng mabuti. at lagi n'yong painitin ang pananampalataya n'yo sa Panginoon.

1 Tesalonica 1:3
Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at pagtitiis sa pagasa sa ating Panginoong Jesucristo;

Awit 37:5
Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.

Lagi n'yong tandaan na ang inyong isip at puso ay wag n'yong iwawala ang Panginoon.
di bali makalimutan mo ang lahat wag lang ang Panginoon.

Minsan nawawala ang presensya ng Panginoon satin kapag naaakay tayo sa espiritu ng mundo . at naiimpluwensyahan ka ng mga nakakasama mo kapag ito ay malayo sa Diyos.

ano nga ba ang dapat gawin para di malayo sayo ang presensya ng Panginoon?
bigyan mo ng oras ang pagbabasa ng kanyang salita.
kung ang ibang bagay nabibigyan mo ng oras, siya pang gumawa sa iyo di mo nabibigyan ng oras?
tandaan nyo handog lang tayo sa mundo na ito. Diyos ang atin Ama kaya wag natin syang baliwalain.

kung mayaman at mapera ka ngaun at masaya ang buhay. magpasalamat ka sa Diyos dahil siya ang nagbigay nyan. lahat ng nakikita mo sa Diyos yan galing, kaya magpakumbaba kayo sa kanya at maglingkod. wag n'yong ikahihiya ang Diyos sa mga tao, dahil siya ang magdadala sayo sa kalangitan pag dating ng araw. at baka ikaw din ay ikahiya niya.

Ano ba ang maipagmamalaki natin sa Diyos ? sa kanya lahat to. kaya kahit saglit bigyan mo ng oras ang Panginoon.
at bakit napakahalaga ng kanyang salita? sapagkat yan ang bubuhay sayo pagdating ng araw.
isabuhay nyo ang salita ng Diyos at  wag lang pinapakinggan.
kung pinapakinggan nyo lang ito at di isinasagawa dinadaya nyo ang inyong sarili.
ipakita nyo sa Panginoon na dito palang sa mundo, ay karapat dapat na kayo sa kanya.

Marcos 8:36-38
[36]Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili?
[37]Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay?
[38]Kapag ikinahiya ninyo ako at ang aking mga salita sa harap ng mga taksil at makasalanang mga tao sa panahong ito, ikakahiya rin kayo ng Anak ng Tao pagparito niya na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama, at kasama ang mga banal na anghel.”

Panginoon,
maraming salamat po sa aming devotion ngayon na itinuro mo sa amin, patawarin mo po kami sa nagawa namin na pagkakamali, naniniwala kami na ito ay magbibigay sa amin  ng kaalaman at katotohanan sa buhay. 
Panginoon lagi n'yo po kaming gabayan at ilayo sa tukso pati sa masama,  imulat N'yo po kami sa katotohanan at kalooban N'yo po ang laging masunod sa aming paglakbay sa buhay.  ito po ang aming hinihiling sa pangalan ni Jesus Amen 🙏
....

How to become a True ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon