Day 8 (Share the truth)

37 0 0
                                    

Good day brothers and sisters..
welcome po sa Day 8..
Ang topic po natin ngayon ay ".Share the truth."
kaya let's start our devotion po, pero bago yan ay manalangin muna tayo sa pamamagitan ng panalangin na tinuro sa atin ng ating Panginoon..

".Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming kasalanan gaya naman na nagpatawad kami sa nagkasala sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. Sa pangalan ni Jesus Amen 🙏

Ang ating verse po ngayon ay...
Mateo 28:19-20
[19]Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
[20]Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon."

Amen, may God bless His word...
Kung mapapansin mo sa mundo ngayon ay marami paring tao ang bulag sa katotohanan, kaya ikaw na alagad na ng Diyos dahil tinanggap mo na ang ating Panginoon, ano ang magagawa mo para sa kanila?

Dati noong bago palang ako sa pananampalataya ay natatakot ako na mag share ng word ni Lord, dahil una sa lahat ay mahiyain ako at hindi ko talaga ugali ang makipag usap dahil ako kasi ang tipo ng tao na parang may sariling mundo, hanggang sa nadiskobrehan ko ang facebook pero kahit sa aking facebook ay natatakot parin ako na mag share kasi baka i hack ang account ko at maraming magalit sa akin,
pero napagtanto ko kapatid na ang paglilingkod sa Diyos ay nag rerequired ng katapangan, ibig sabihin nito ay bawal ang duwag sa ating mga christian, dahil kung wala kang katapangan na mag share sa word ni Lord kahit sa social media ay paano mo masasabi na ikaw ay totoong Kristiyano kung kinakahiya mo si Kristo?
o kung natatakot ka na pagtawanan o sabihan na nag banal banalan ..
well, ang pagsunod sa Diyos mga kapatid ay hindi naman agad agad, or hindi mo kailangan na i pressure ang sarili mo na mag share kahit hindi ka pa handa. dahil ang ganitong mission ay hindi biro at it required maturity sa ating pananampalataya, ibig sabihin nito ay dapat mo munang i establish ang relasyon mo sa Diyos at sa oras na nagawa mo na iyon at binigyan ka na ng desire ng Diyos sa pamamagitan ng banal na espiritu na nakatira na sa'yo ay oras na para magsimula kung saan ka tinawag, tayong lahat na tumanggap at sumampalataya na sa Diyos ay required na mag share...
Ang tanong,, kung ikaw ay baguhan pa lamang..
bilang baguhan, saan ka magsisimula?

Noong baguhan palang ako ay nagsimula ako sa pag share ng salita ng Diyos sa facebook sa pamamagitan ng pag gawa ng gc, pinamagatan namin ito ng kapatid ko na ".bible study online." at nag invite ako ng mga tao roon.. hindi ko akalain noon na dadami kami at aabot kami sa halos 60 mahigit ang nandoon,
kaya napakasaya namin ng kapatid ko dahil nakakapag share kami ng salita ng Diyos at bukod doon ay marami kaming natutunan,
kaya lang, may nahalo roon na mga ".False teachers." dahil nagtuturo sila roon na hindi raw sapat ang ginawa ni Lord Jesus, or failure raw ang kamatayan n'ya at sinabi pa nila na may darating raw na messiah at hindi ito si Lord Jesus, s'yempre hindi kami naniniwala sa kanila kaya nagkaroon ng debate sa gc na ginawa ko at bilang baguhan pa lamang ay nagkaroon ako ng ".curiosity." tungkol sa katotohanan at gusto kung alamin kung ano ba talaga ang katotohanan na nakapaloob sa mahiwaga at mysteryoso na libro na walang iba kung hindi ang ".bibliya." dahil doon mga kapatid ay nagsimula ako na mag aral ng bibliya, sinubukan ko itong basahin araw at gabi katulad ng sinabi sa Joshua 1:8,

Noong una ay ginagawa ko lamang ito upang may masagot ako sa kanila pero habang lumalalim ang aking pagbabasa ay napagtanto ko kung gaano ito kahalaga, dahil doon ay nagsimula akong mag seryoso, lalo na noong labis akong nasaktan dahil sa pang iinsulto na nila sa ating mga kristiyano, sinabi kasi nila na masaya raw ba tayong mga christian sa pagkamatay ni Hesus, nasaktan ako roon kasi hind ko akalain na mayroon palang mga tao na hindi pinapahalagahan ang sakripisyo na ginawa ni Hesus, umiyak ako ng sobra na tila ba kahit na gusto ko nang tumigil ay hindi ko magawa dahil para bang may nakatira sa puso ko na sobrang nasasaktan, dahil doon ay lumalim ang relasyon ko sa Diyos at nag umpisa akong ma establish ang seryosong relasyon ko sa Diyos... nag leave ako sa gc na iyon mga kapatid dahil hindi na s'ya nakakabuti pa sa akin dahil maari lang maghari ang hatred at pride dahil ayaw magpatalo ang mga false prophet at nakakasakit lamang sila ng damdamin,

How to become a True ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon