Good day po
Welcome sa Day 43
let's start our devotion po bago yan let's pray po ..
Ang verse po natin ngayon ay ..Ecclesiastico 7:36
[36]Anuman ang gawin mo, alalahanin mo ang iyong huling hantungan at hindi ka magkakasala.
Napakagandang paalala satin to mga kapatid.
Alalahanin natin ang huling hantungan upang umiwas tayo sa pagkakasala. tama nga naman. maraming mga tao na hindi nila inalala ang kamatayan , at namumuhay sila sa pagkakasala , maraming tao na biglang naaksedente at iba ay nagkasakit at namatay at masama nito namumuhay s'ya sa kasalanan .kaya ngaun mga kapatid.. lagi n'yong isipin ang payo ng Panginoon habang nabubuhay. at at mga gawang kasalanan nuon ay wag na natin pang gawin.
ngaun nakilala na natin ang Panginoon maging tapat na tayo sa kanya. at wag na tayong bumalik sa nakaraan buhay. baka di tayo mabigyan ng pagkakataon pa. sa panay natin sadya sa pagkakasala.Ecclesiastico 7:8-9
[8]Huwag mo nang balikan ang dati mong kasalanan, magbago ka sa unang parusa pa lamang.
[9]Huwag mong sabihing, “Pahahalagahan ng Panginoon ang aking pagsuyo, at lagi niyang tatanggapin ang bawat handog ko sa kanya.”Sa unang parusa pa lamang ng Panginoon satin. magbago na tayo. pagkat ayun ang sabi niya.
kaya ngaun kumapit na tayo sa kanyang tangan at wag na tayong bibitaw pa..May mga tao na walang takot sa Panginoon at di pinapahalagahan ang kanyang salita . pagkat laging dahilan mabuti ang Panginoon kaya gawa ng gawa ng kasalanan. mabuti ang Panginoon pero wag naman natin aabusuhin ang Panginoon.
Maraming mga Kristiano na matatag sa pangako sa Panginoon at dapat ito ang gayahin natin. wag tayong gumawa ng kasalanan na ating sinasadya lagi.
pag alam natin na mali wag na natin gagawin. maging matatag tayo sa kanya ang magtiis sa kanyang paladMga Hebreo 10:36-38
36 Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako. 37 Sapagkat,(A)“Kaunting panahon na lamang,
hindi na magtatagal, at ang darating ay darating na.
38 Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya,[a]
ngunit kung siya'y tatalikod,
hindi ko siya kalulugdan.”Matatanggap natin ang kanyang pangako sa ating kung magtitiis tayo. kaya mga kapatid magtiis tayo sa kanyang kalooban.
minsan susubukan tayo ng matinding pagsubok at ang ibang tao ay sinisisi ang Panginoon at kumakapit sa patalim. nalalayo lalo sa Panginoon.
at nalalayo ang iba sa Panginoon dahil sa peramga kapatid magpakumbaba kayo sa PANGINOON.
Santiago 4:10-17
[10]Magpakumbabá kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.
[11]Mga kapatid, huwag kayong magsiraan sa isa't isa. Ang namimintas o humahatol sa kanyang kapatid ay namimintas at humahatol sa Kautusan. At kung hinahatulan mo ang Kautusan, hindi ka na tagasunod ng Kautusan kundi isang hukom nito.
[12]Ang Diyos lamang ang nagbigay ng Kautusan at siya rin ang hukom. Tanging siya ang may kapangyarihang magligtas at magpahamak. Ngunit ikaw, sino ka upang humatol sa iyong kapwa?
[13]Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming titigil doon, mangangalakal kami at kikita nang malaki.”
[14]Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala.
[15]Sa halip ay sabihin ninyo, “Kung loloobin ng Panginoon at nabubuhay pa kami, gagawin namin ito o iyon.”
[16]Ngunit kayo'y nagmamalaki at nagyayabang, at iyan ay masama!
[17]Ang nakakaalam na dapat niyang gawin ang mabuti ngunit hindi iyon ginagawa ay nagkakasala.Father ..
Maraming salamat po sa salita nyo po na pinaalala sa amin ngayon sa pamamagitan ng iyong abang lingkod .
Nawa po ay patuloy nyo pa syang gamitin at tulungan nyo po nawa kami na maisabuhay namin ang iyong salita .
At di lamang hanggang sa pakikinig o pagbabasa..Patawad po sa nagawa namin na pagkakamali..
Inaasa po namin sayo lahat .
Sa pangalan ni Jesus amen
![](https://img.wattpad.com/cover/280846039-288-k149790.jpg)
BINABASA MO ANG
How to become a True Christian
SpiritualBago ka lang ba sa Christianity? at gusto mo mag grow sa iyong kaalaman patungkol sa ating Panginoon? o hindi kaya ikaw ay isang aspiring Christian leader na gustong mag turo at mag salita para sa Diyos? kung ganun... ay bagay sa'yo ang librong ito...